Dalawang buwan na ang nakakalipas mula nang dumating kami dito sa US. Akala ko, magiging tagumpay ako sa paglayo kay, Marcus, sa Nanay niya. Ngunit sa araw-araw ng nilikha ng diyos, ay napupuno ako ng inis at galit sa puso. Lalo na nang malaman kong nasa iisang lugar na lang kaming tatlo. 'Nang aasar ba sila? O nananadyang galitin ako? Ano ba sa tingin nila, na mag seselos ako? No way! f**k! Bakit parang ako yung talunan?! "Hey! Are you okay?" nag-angat ako ng tingin nang tapikin ako ni, Clarrise. Nawala ang salubong kong kilay at pinilit na maging kalmado. Tumango ako ng bahagya bago tinungga ang laman ng baso. Narito kami ngayon sa isang bar. Matapos ang trabaho sa opisina, ay niyaya ako ni, Clarrise na pumunta dito, which is I need to breath from anger. "Alam mo, kanina pa kita n