"O, mukhang napapadalas ang pag punta niyo ng mall? Baka mamaya magkasakit si Marcus, sa araw-araw na nakakasalamuha ng iba-ibang tao." Bungad samin ni, Salvador, pag dating namin ng Mansiyon. "Manang, paki asekaso nalang kay Marcus, patulugin niyo na rin." utos ko kay Manang Gracia. Lumapit ako kay, Salvador, na ngayon ay nakatayo at nakaharap sa malawak na harapan ng Masiyon. Ngunit hindi ako makapag salita, nang tabihan ko siya. Mula nang malaman kong nandito na siya sa Thailand ay hindi na ako mapakali. Kaya halos araw-araw na akong umaalis ng bahay kasama si, Marcus. Alam kong nasa paligid lang siya, nag maman-man at ano mang oras ay lalapitan niya ang anak namin. "Marco, wag mo masyadong intindihin ang babaeng 'yon. At huwag mong gawing pamain si Marcus, para mahuli mo siya."