"It's a boy! wow. . Jella," masayang inanunsyo ni Doc. Glaiza. Pitong na buwan na ang pinag-bubuntis ko ngayon, ilang buwan nalang isisilang ko na ang batang dinadala ko. "Naku! Tiyak lalong matutuwa si Marco, kapag malaman niya, na isang lalaki ang magiging anak niya!" Pumapalakpak pa si Manang, habang sinasabi ito. Ngunit nawala ang mga ngiti niya sa labi nang mapansin ang pananahimik ko. "O, Jella, tahimik ka, yata? Hindi kaba masaya?" Tipid akong ngumiti nang tumugon, "Syempre po Manang, masaya ako. Sana nga nandito rin si Marco, para sabay namin masaksihan ang kasarian ng magiging anak namin." Hinawakan ni Manang ang kamay ko at marahang pinisil, "Nandito man siya o wala, alam kong matutuwa yun," "May naisip ka na bang ipapangalan sa baby boy?" Pagsingit ni Doc. Glaiza sa usap