"Good job! Mr. Mayor Delmundo. Napa ka husay ng iyong nagawa. Tiyak marami ang matutulungang mga mag-sasaka dito sa bayan natin," manghang lintaya ni Ninong Art. "Well, that's my job, and my obligation to help those in need," "Bilib na bilib na ako sayo. Kung nabubuhay lang ang iyong ama, tiyak na matutuwa siya sa makikita niya ngayon." Aniya pagkatapos inumin ang alak na nasa baso. Matipid akong ngumiti at sumimsim, matapos ay tumugon ako, "Sana nga po, ninong, pinakita ko na sa kanya ang lahat ng ito noong nabubuhay pa siya. Pangarap niya ito para sa'kin. Pero huli na ang lahat." Tinapik niya ako sa balikat, "It's not to late, iho, kahit wala na siya, ang mahalaga ay natupad mo ang kagustuhan niya, na pamahalaan ang lugar ng lemery." Matapos ang pag-uusap namin ni ninong Art, ay