Chapter 7 Jella's POV.

1972 Words
Muli kong di-nial ang numero ni dad, ngunit out of coverage na ito.. nangi-nginig ang kamay ko ng binaba ang cellphone. 'Anong ibig n'yang sabihin?' May kung anong kabang akong naramdaman. Hindi ko maipaliwanag, ngunit ramdam kong may hindi magandang mangyayari. Mabilis akong lumabas ng kwarto at halos takbuhin ko na ang hagdan pababa. "O, Ella?" Halos luluwa ang mga mata ko nang makasalubong si Alfie.. hawak niya ang isang armalite habang sa kabilang kamay naman ang isang tasa ng kape. "Huy! mukhang nakakita ka ng multo d'yan. Ano ba ang nangyayari sayo?" pukaw niya, sa'kin. Pinilit kong maging normal upang hindi ako nito mahalata. "Ano kasi, Alfie.. ikaw talaga ang pakay ko." "Ako?" taas kilay niyang tanong. Tipid akong ngumiti at tumango bilang sagot. "Kung ganun, anong kaylangan mo?" saad n'ya. Tinitigan ko muna ito sa mga mata bago muling mag-salita. "P-pwede bang humingi ng pabor sayo?" nauutal kong linataya. Kumunot ang noo niya, "Pabor? Ano yun?" "Alfie, kaylangan ko kasing maka-uwi muna sa amin. Kahit isang gabi lamang. bukas-" "Ella, hindi pwede." "Babalik din ako bukas.." "Hindi mo naiintindihan, Ella. Mahigpit na pinagbawal ni, Boss, ang pag-labas mo. Mapapahamak ka, sa oras na lumabas ka sa gate na yan!" Kunot-noong turo niya sa mataas at makapal na bakal na gate. "Mag-iingat naman ako eh. Parang awa mo na, kaylangan ko lang tulungan ang I_inay ko." Kitang-kita ko ang pag-galaw ng adams apple niya tila may nilulunok. Luminga-linga pa siya bago muling tumingin sa'kin, "sumunod ka sa'kin." Nauna siyang humakbang pabalik ng kusina kung saan walang taong makakakita sa pag-uusap namin. Nang marating namin ang kusina, ay maingat niyang tiningnan ang paligid, bago ako hinarap. "Makinig ka. Bukas, bago sumikat ang araw dapat nandito kana. Alas-syete. Mamayang Ala-syete, sa likod ng mansyon sa may garden may maliit na butas dun sa pader, dun ka dumaan." Napangiti ako sa sinabi niya, "Salamat Alfie." "Walang dapat makakaalam nito, Ella. Kundi pare-pareho tayong malilintikan kay Boss." paalala niya sakin. "Makaka-asa ka-" "Alfie!" hindi ko natapos ang sasabihin nang may biglang tumawag kay Alfie. Sabay kaming napalingon sa bungad ng pinto ng kusina. "Greg." naka-ngiting sambit ni Alfie. "Ba, naman yan. Kanina ko pa hinihintay 'yang kape ko!" Pareho kaming napatingin sa hawak nitong tasa ng kape. Nag-tinginan kami ni Alfie, at bahagyang napamulagat ang mata nito. "Pasensya kana, Greg. Ito kasing si Ella ang daming chika" pagkunway niya bago ako nilagpasan. Sinundan ko lamang ito ng tingin hangang sa inabot niya ang tasa ng kape kay Greg. Kinuha ito ni Greg, at ngayon ay naka-tingin sa'kin, habang sinisim-sim ang kape. Napa iwas ako ng tingin dahil naasiwa ako sa mga titig nito. "Chika? Kelan ka pa nakiki-pag chismis sa mga Babaeng nakatira dito? O, baka naman nililigawan mo na 'yang si Ella?" lintaya ni Greg, "Tss! Ligaw? Ewan ko sayo." untag ni Alfie. Sabay alis niya sa harapan ni Greg. Muli pa akong sinipat ni Greg bago ito sumunod kay Alfie. Nang maka-alis sila, ay naka-hinga ako ng maluwag. Kaylangan kong umuwi muna sa bahay namin upang maka siguro sa binabalak ni Dad. Gumayak na ako, kaylangan ko ng asikasuhin ang almusal ni Nicka.. ihahatid ko nalang sa kwarto n'ya ang mga pag-kain. Halos maya't maya kong binabantayan ang oras sa aking palapulsuhan.. walang ibang bagay ang tumatakbo sa isipan ko, kundi ang huling sinabi ni Dad, kanina. Sumapit ang dapit-hapon ay naka-handa na akong umalis.. hinihintay ko nalang ang dumilim ang paligid. Kaya ito hinahanda ko na ang hapunan ni Nicka.. "Ate, can I sleep with you tonight?" napa-mulagat ang mga mata ko sa sinabi niya, habang sinusubuan ko siya. "Ah, ano kasi Nicka.. hindi pwede si Ate,-" "Why? Ayaw mo ba akong katabi?" napalabi siya matapos itong sabihin. "Hindi naman sa ganon, kaya lang-" "Then you sleep with me tonight." Mabilis nitong saad. Inabot nito ang baso ng tubig tsaka ininom. "I'm full." Dag-dag niya pa, tsaka tumayo at nag-lakad patungo sa kwarto nito. Napabuntong hininga na lang ako habang nililigpit ang pinag-kainan niya. Isang beses ko pang tiningnan ang relo ko sa palapulsuhan at mabilis tinanaw ang babasaging glass wall. madilim na sa labas.. Napatingin ako sa ikalawang palapag. Kung nasaan ang silid ni Nicka. Tatabihan ko na lang ito hangang sa makatulog tsaka ako aalis. Mabilis ko ng hinugasan ang mga pingan. "Handa ka na ba?" Mabilis kong nilingon ang taong nasa likuran ko. Tipid akong ngumiti at tumango.. "Patutulugin ko lang ang alaga ko, bago aalis." "Basta, Ella mag iingat ka. Ako na ang bahala mag-linlang mamaya sa nakabantay sa likod." "Salamat, Alfie. Makakaasa ka-" "Ahemm!" Sabay kaming napalingon ng marinig ang pekeng pag-ubo ni Greg. "You two again?! Mukhang seryoso ang pinag-uusapan n'yo ah?" "Greg! Tumatawag si boss!" Saad ng isa pang tauhan na hinihingal pa ng dumating dito sa kusina. Inabot nito ang cellphone at agad namang sinagot ni Greg. "Boss" sagot nito. "Ngayon na?! Sige." tumango tango ito bago binaba ang cellphone. "Alfie! Hatiin ang tauhan! Maiwan ka dito, si Nicka bantayan ng maayos!" Halos tarantang turan nito.. diko alam kung anong nangyayari, pero parang may hindi magandang manyayari. Mabilis siyamg umalis sa harap namin kaya mabilis kong tiningnan si Alfie.. " Ella.. mukha hindi ka pwedeng umalis ngayon." "Pero Alfie-" "Ella, baka biglang dumating si Boss, hindi natin alam kung anong mangyayari ngayong may gulo sa pagitan ng Samaniego at Delfiero " Tila natuod ako sa sinabi niya.. hindi agad nag sink-in sa isip ko ang salitang lumabas sa bibig niya. "Samaniego?" "Oo. Ang mortal na kaaway ng mga Delfiero.." Bigla akong bumalik sa katinuan ng muling maalala kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito.. nandito nga pala ako para kay Dad. Para tulungan ang pamilya ko na matalo ang pamilya ng Delmundo. Pero sino ang mga Delfiero? "Sige. hindi na ako aalis." Mahinang sambit ko. Tumango lamang si Alfie at nag-mamadaling umalis sa harap ko. Sinundan ko lamang ito ng tingin hangang sa mawala sa paningin ko. Kung ganun ito ang ibig-sabihin ni Dad kanina. Mabilis akong kumilos at tinungo ang kwarto ni Nicka. Kaylangan maaga itong makatulog bago ako aalis. Hindi pwedeng wala akong gagawin ngayon. Kaylangang makausap ko si Dad. Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto ni Nicka. "Nicka?" "I'm here at the bathroom Ate." Hiyaw nito. Kaya agad kong tinungo ang banyo at dito nakita ko na naililigo na ito. "I'm done Ate," mabilis ko itong binalot ng puting bathrobe at binihisan. "Ate, I want to watch movies before we sleep," "Nicka, pagod si Ate, kaylangan kong matulog ng maaga," "Okay.. pero dito ka matutog?" Tipid akong tumango habang binibihisan ito. "Gusto mo ba ng gatas bago matulog?" "Yes please.." Mabilis akong tumungo sa kusina at pinagtimpla ito. Nang matapos ay agad akong umakyat patungo sa kwarto niya. "Nicka, ito na ang gatas mo." Inabot ko ito at inalalayan sa pag inom. Matapos nitong inumin ay humiga na siya. "Maliligo lang ako ha, tapos matutulog na tayo." nakangiting saad ko. Kinumutan ko ito bago lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang silid ko at hinanda ang damit na susuutin ko sa pag alis. Isang black leather jacket, itim na T-shirt at itim na jeans. At ang sapatos kong itim. Mabuti nalang at kinuha ni Marco ang mga gamit ko sa Mansyon nila Senyora, kaya hindi ako mahihirapan sa pagsabak sa gyera. Muli kong naalala ang huling suot ko sa damit na ito. Ngunit winasiwas ko ito sa isipan. Bagay na di ko sana ginawa, sana tapos na ang pinoproblema ni Dad kung hindi ko ginawa ang maling desisyon na 'yon. Mabilis ko itong sinuot. Pinusod ko lamang ang buhok at sinuot ang itim na sumbrero. Tanging isang folded knife at isang combat knife lamang ang dala kong sandata na kinabit ko sa knife leg strap. Napalingon ako sa bintana ng marinig ang maingay na ugong ng mga sasakyan. Malalaking hakbang ang ginawa ko at sinilip ang mga ito. Tatlong itim na van ang paalis sa bahay na ito. Mabilis akong lumabas ng kwarto at maingat na silip ang bawat sulok. Tyempo na kaunti lang ang tauhang narito. Sinulyapan ko lamang ang pinto ng kwarto ni Nicka, bago hinakbang ang mga paa pababa ng hagdan. Nag-mamadali ako at halos takbuhin ang likod ng bahay, at tinungo ang nasabing maliit na butas sa pader. Madilim dito kaya nahirapan akong hanapin ito. Ang sabi ni Alfie, sa likod ng mga bulaklak. Kaya napangiti ako ng makita ito.. yumukod ako at kinapa ang maiksing bakal na nag-sisilbing hawakan. Halos malukot ang mukha ko dahil sa paghila. Nang mabuksan ko ito, ay inuna ko ang ulo at gumapang na ako palabas.. "Ella!!" Napamulagat ako nang marinig ang boses na 'yon. Alam kong si alfie ang tumawag sa'kin, kaya hindi na ako nag aksaya ng panahon at mabilis akong tumakbo palayo.. Hindi ko man kabisado ang daan, ngunit nagpatuloy lamang ako sa pag takbo. Hangang sa makarating ako sa isang madilim na kalsada. Halos habulin ko ang hininga at tila kakapusin na ako ng hangin kaya huminto muna ako sa tabi ng daan. Wala akong idea kung saang lugar na itong kinatatayuan ko. Hindi na ako nagsayang ng oras at hinakbang ko na ang mga paa.. ngunit sa di kalayuan ay may narinig akong ugong ng sasakyan. Nilingon ko ito ng may kaba sa dib-dib. Agad akong naghanap ng mapagkublihan sa isang masukal at talahiban. Dumapa ako dito hangang sa lumagpas na ang naturang Sasakyan. Mabilis akong tumayo at nag-pag-pag dahil dumikit ang mga dahon at damo sa damit ko. Hindi parin mawala ang pag-hingal ko nang muling sinipat ang paligid. Hinakbang ko na ang mga paa at sa gilid lamang ako ng daan dumaan upang mabilis akong makapag tago sakaling may sasakyan nanaman. Hindi ako pwede maabutan ni Alfie, alam ko ngayon hinahabol na ako nito. Ilang minuto pa ang dumaan, ay gumuhit ang ngiti sa labi ko, dahil nasilayan ko na ang highway kung saan marami na akong nakikitang mga sasakyan na dumadaan. May nakita akong puting taxi kaya agad ko itong pinara. Huminto ito sa tapat ko, kaya agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan at sumakay. "Saan tayo Ineng?" tanong nito. "Sa Lemery Batangas ho." "Lemery?? Naku! Mahigit dalawang oras o tatlong oras ang byahe mula dito sa Laguna papunta roon, Ineng." "Sampong Libo, dagdagan ko kapag kulang." mabilis kong untag. Nagliwanag naman ang mukha nito ng lingunin ako. "Aba'y malapit lamang ang Lemery mula dito. Kayang-kaya ng Isang oras na byahe.." binawi niya ang sinabi at napangiti siya ng malaking halaga ang ibibigay ko. Pasipol-sipol pa si manong habang nag mamaneho. At minsan nahuhuli ko ang mga tingin nito sa center mirror. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana, upang pigilan ang antok. Maya't maya kong tinitingnan ang oras sa palapulsuhan..nakaka- isang oras na pala kami sa byahe.. tatawagan ko nalang si Mommy upang ipaalam na uuwi ako. Kinapa ko sa bulsa ang cellphone, ngunit nanlaki ang mga mata ko ng wala ito sa bulsa ko. Natampal ko nalang ang noo ng maalala na naiwan ko ito sa bulsa ng suot kong pantalon na hinubad kanina. Mabigat na buntong hininga ang ginawa ko dahil sa katangahan ko. "May problema po ba Ma'am?" Napatingin ako kay Manong ng magtanong ito. "Wala ho. Matagal pa po ba?" "Lemery na po ito.. saan nga po pala kayo bababa?" Tanong niya. "Sa SAMANIEGO VILLAS" iksing tugon ko. "Samaniego Villas?!" tila may kung anong kaba sa boses niya ng itanong ito. Bahagya akong tumango, ngunit hininto niya ang makina ng sasakyan. "Bakit ho?" "Pasensya na miss. Pero hangang dito nalang ang pag-hatid ko sayo, d-delikado ang puma-roon-" "Walang masamang mangyayari sainyo, ako ang bahala-" "Pasensya na po pero-" hindi niya natapos ang sasabihin ng tutukan ko ito ng kutsilyo sa leeg. "Ihatid mo na ako do'n!" madiin na usal ko. Napalunok siya ng laway bago tumango. Muli niyang pina-andar ang makina ng sasakyan bago pinatakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD