Tahimik naming binabay-bay ang tahimik na daan. Mula kanina ay hindi ko na inalis ang paningin sa labas ng sasakyan. Ramdam ko na ang paninigas ng leeg ko. Mag kaka-stiff neck na yata ako.. pero mas pinili ko ang ganitong posisyon dahil tila ba naiilang ako na katabi si Marco.
Nasa front seat ako, at iilang pulgada lamang ang layo namin.
Si Nicka ay nag-iisa sa back seat, hindi ko man nakikita ang ginagawa niya, pero alam kong nag-lalaro siya sa Ipad dahil kanina pa ang ingay sa pinapanood niya.
"Kumusta kayo, habang wala ako?" dinig ko mula kay Marco. kaya agad akong napalingon sa kanya. Kalmado ang boses niya habang tinituon ang sarili sa pag mamaneho.
Saglit ko pa siyang tiningnan bago sumagot, "Maayos naman, po."
Hindi na siya muling nag-tanong at patuloy na nag maneho. Muling binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Ilang oras na kaming nakikipag patintero sa mga nakakasabayang mga sasakyan sa kahabaan ng daan. Daan na hindi ko matukoy kung saan ito patungo. Tanging makapal na talahiban at mga bulubundukin na masarap tanawin. Nasa itaas ang daan kaya halos madudungaw ang madadaanang dugtong-dugtong na kulay berdeng kabundukan.
"Daddy, where will we go?" saad ni Nicka. Bahagya ko siyang nilingon na ngayon ay halos nakadikit na ang mukha sa salamin ng pinto ng sasakyan.
"This place is not familiar to me." dag-dag niya pa habang patuloy na sinisilip ang labas.
Tahimik lamang si Sir Marco at walang nakuhang sagot sakanya si Nicka. Panaka-naka ko siyang sinisipat at kita ko ang pag galaw ng panga niya.
Padilim na nang marating namin ang nag iisang malaking bahay. Kasing laki ito sa tinitirhan namin sa laguna.
"Bumaba kana, at ikaw nalang ang mag dala sa bag ni Nicka." saad niya bago binuksan ang pinto at kinuha si Nicka, na ngayon ay mahimbing na natutulog. Agad naman akong bumaba at kinuha ang mga dala naming bag sa likuran ng sasakyan.
Magaan lang naman ang bag ni Nicka kaya, kaya ko ng buhatin. Ngunit nanlaki ang mga mata ko na hindi lang pala isang bag. May tatlong maleta pa ito. Bahagyang kumunot ang noo ko at tila nalilito. 'Anong ibig sabihin nito?'
"Ma'am tulungan ko na po kayo," gulat kong nilingon ang matandang boses ng isang lalaki. Malawak ang pagkakangiti niya sakin bago kinuha ang dalawang itim na maleta.
Hinanap ng mga mata ko sila Marco ngunit diko ba sila makita. Siguro nakapasok na sa loob ng bahay.
Nais kong itanong sa matandang lalaki kung kaninong bahay ito, ngunit agad ding lumabas ito ng bahay. Kaya naiwan akong nakatayo sa entrada ng bahay, at tila iniinspeksyon ang bawat sulok nito.
"Magandang gabi." mabilis kong nilingon ang pinangalingan ng boses sa likuran ko. Isang may edad na babae, tantsa ko, nasa singkweta na ito.
"Pwede ka ng pumasok iyong silid, para makapag palit ng damit. Ihahanda ko lang ang makakain niyo ni Marco." naka ngiting wika niya.
"Ah, Ara, ihatid mo siya sa kwarto,"
"Opo, lola." agad na lumapit ang dalagitang si Ara. "Tayo na po Ate."
Matapos akong mag palit ng damit, ay mag isa akong kumain. Nagpahatid na lamang si sir marco sa silid niya ng pagkain. Kaya binilisan ko lang ang pag subo, at matapos hinugasan ang pinag kainan ay dumiretso na ako sa silid.
Malaki ang silid na ito, katulad din ng silid ko sa bahay namin. Bigla kong namis ang silid ko, ang dati kong buhay kasama sila Mommy, Ate, at daddy. Nasaan kaya sila ngayon? Ni hindi ko man lang sila maka-usap. Napabuntong hininga ako habang umupo sa dulo ng malamabot na kama. Gusto ko ng matapos ito, gusto ko ng bumalik sa dati, marami pa akong pangarap na nais magawa. Pero paano ko 'yon magagawa kung nandito pa ako sa mission. Gagawin ko parin ang gusto ni dad. I want them to be proud of me.
Naipikit ko ang mga mata at hinatak na ako ng antok.
♡♡♡
Nagising ako ng may mabigat na naka dagan sa mga binti ko. Hindi pa man tuluyang naka-dilat ang mga mata ko at tila hinihila pa ako ng antok nang balakin kong hilain ang isa kong binti, ngunit napa dilat ako nang may gumalaw sa gawing likuran ko. Kaya di ako nag dalawang isip na lingunin ito.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang walang damit na pang itaas si sir Marco. Mabilis akong bumango at inayos ang sarili.
"S_sir, Marco?!" utal na sambit ko, nang makita na nakadilat ang isa niyang mata. Padapa siyang nakahiga at tanging boxer short lamang ang saplot niya sa katawan. Kaya litaw ang mabalahibo niyang binti, ngunit agad kong inalis ang mga tingin sa maumbok niyang pang-upo.
In my peripheral vision, nag kukusot siya ng mata at pilit na bumangon. Naka upo siya na pang Indian seat.
"This is my room. Sa katabi nitong kwarto ko ang guestroom, tulog na tulog kana kagabi kaya hindi na kita ginising-"
"D-dito kasi ako dinala ni Ara. P-pasensya na po-"
"It's okay. Malaki naman ang kama ko," saad niya habang umalis sa pag kaaupo sa kama at kinuha ang tuwalyang sinampay ko sa may upuan. Ginamit ko ito kagabi, tapos ngayon gagamitin niya?!
Sinundan ko lamang siya ng tingin hangang sa makapasok sa banyo. Dali-dali kong kinuha ang bag na naglalaman ng mga damit na dala ko, at mabilis na lumabas ng kwarto niya.
Naka-hinga ako ng tuluyang makalabas. Agad na nilibot ng mga mata ko ang paligid, ngunit wala akong nakikitang tao. Hinakbang ko ang mga paa patungo sa may hagdan at dinungaw ang ibaba. Napangiti ako nang makita ang ginang. Hindi ko pala naitanong ang pangalan niya kagabi.
"Ahm, Manang?" tawag pansin ko sa kanya. Tumingala siya at nag liwanag ang kanyang mukha.
"O, iha, gising kana pala." may kalakasang saad niya. Ihahakbang ko na sana ang mga paa pababa ng hagdan, nang bumukas ang pinto ng silid ni sir Marco, at iniluwa siya. Huminto ako at napa-titig sa kanya. Tapos na siyang maligo, at nakapambahay lamang siya. Simpleng V-neck white shirt at kulay itim na short na hagangan itaas ng tuhod ang haba.
"Follow me." utos niya. Tumalikod na at hinakbang ang mga paa. Mabilis ko siyang sinundan at sa di kalayuan ng silid niya, ay huminto siya at binuksan ang isa pang kwarto. Ito na yata ang guestroom na sinasabi niya. katabi lang pala sa silid niya.
"This is your room." untag niya, habang sinisilip ang loob.
"S_salamat po." Tumango lamang siya, bago umalis sa harapan ko, at tinungo ang pababa ng hagdan.
Pumasok na ako sa loob, at inilapag ang bag sa kama. 'Si Ara, talaga. Dito naman pala ako naka-kwarto. Hindi ko lubos maisip na magdamag kong naka tabi si Marco. Baka humihilik pa ako kagabi o di kaya tulo laway? O baka niyakap ko siya habang humihilik? Naipikit ko ang mata sa hiya na naramdaman. Diyos ko.
Kumilos na ako, at mabilis tinungo ang banyo. Matapos maligo ay bumaba na ako. Habang pababa ng hagdan ay nililibit ko din ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Ang laki pala ng bahay na ito, hindi ko kasi masyadong naeksamina kagabi dala ng pagod sa biyahe.
"Ate Ella!" hiyaw ni Nicka ng makita ako. Kasama niya si Ara, at mukhang masaya siya dahil may kalaro na siya.
"Nicka, kumain kana ba? Tara na baka nagugutom kana?"
"I'm done, ate."
"Lets go, ate, Ara. I want to check the swimingpool!" maligalig na lintaya niya kay Ara. Sinundan ko lamang sila ng tingin habang hila-hila niya ang kamay ni Ara, patakbo nilang pinupuntahan ang sinasabing pool.
"Hayaan mo na sila, safe dito tsaka nasa labas naman si Marco at ang asawa ko." nakangiting saad ni Manang "mabuti pa, samahan mo ako sa kusina at mag almusal kana."
Nakangiti kong sinundan si Manang. Agad niya akong binigyan ng plato nang marating namin ang kusina, habang nag-sasandok ng makakain si manang, ay sinuyod ko ang paligid. 'Bahay rin ba ito ng mga Delmundo? pero hindi ko makita kung nandito din ba ang mag-asawang Delmundo. nasaan kaya sila?
"O, kumain kana." alerto kong nalingon si Manang. maingat niyan nilapag ang ang ulam at kanin.
"Salamat po."
"Ano ba ang pangalan mo. iha?"
"Ella, po."
"Bagay sayo ang pangalan mo. Napa-kaganda." nakangiting sabi niya, kaya hindi ko mapigilang hindi gumanti ng ngiti.
"Salamat po."
"O, sige na kumain kana diyan at pupuntahan ko lang ang dalawang bata sa labas." humakbang na siya at tinungo ang labas. muling nabura ang mga ngiti sa labi ko nang maisip na masydo na akong naa-atouch sa mga taong my koneksyon sa mga Delmundo.
Matapos akong kumain ay mabilis ko lang hinugasan ang pinagkainan. Hindi ko alam ang gagawin ngayong araw, kaya naisipan kong lumabas muna ng bahay. Hindi pa man ako tuluyang nakaka-layo sa pinto ay rining ko ang mahihinang putok. hindi ako nag-kakamali at alam kong putok ito ng baril. huminto ako hinanap ng pan-dinig ko kung saan ito nang gagaling. Tila ba sa isang kulob na lugar. Siguro may may firing range sa loob ng bahay na ito. Baka nga may underground dito at doon siya nag eensayo. 'Galingan mo, Marco' napa-ismid ako habang tinungo ang labas ng bahay.
''Ate, Ella, laro tayo. ."
"Kayo nalang, Nicka." agad siyang tumakbo at hinabol ni Ara. Masayang nag-hahabulan ang dalawa. Ginala ko ang paningin sa paligid at habang hinahakbang ang mga paa sa gilid na swimming pool. Malamig ang paligid at paisa-isang nililipad bg hangin ang mga tuyong dahon na nag mula sa matataas na puno.
"Ate, Ara, nandiyan na ako!" nilingon ko si Nicka, nang sumigaw siya. Papalapit sila sa kinatatayuan ko. Humahalakhak na tumakbo si Ara sa likuran ko, kaya sinundan ko siya ng tingin.
"Andiyan na ako!" Hiyaw ni Nicka. Hinarap ko siya, ngunit mabilis ang pag-katulak niya sakin nang makalapit siya. kaya mabilis akong nahulog sa pool! tila mabigat na bagay ang bumagsak sa tubig at lumubog ang buong katawan ko sa ilalim ng tubig. Pilit akong umahon ngunit agad na -nigas ang dalawang paa ko, at hindi ko maigalaw dahil sa sakit.
"Ate!" dinig ko sa itaas ng tubig. Unti-unti na akong nauubusan ng hangin dahil sa pag-pigil ng hininga. Muling nanumbalik ang ala-ala sa aking isipan noong akoy nalunod sa dagat. Muling bumalik ang takot sa aking kabuuan, unti- unti ko ng nararamdaman ang panghihina. Unti-unti na din akong nakaka-inom ng tubig at sumasakit na ang ilong ko dahil sa nasisinghot ko na ang tubig na pumapasok dito. hangang sa tuluyan ng manlambot ang katawan ko. Ngunit naramdaman kong may biglang bumagsak mula sa itaas at naramdaman ko nalang na may mga bisig na naka-akap sakin.