"Kasal? Magpapakasal na sila? At hindi lang 'yon, buntis na siya, magkaka-anak na sila. Edi congrats! sa kanila." Mga salitang lumalabas sa bibig ko habang nilalagok ang alak. Umiikot na ang paningin ko pero malinaw parin ang nalaman ko tungkol sa bestfriend ko at sa Ina ni Marcus. Bakit apektado ako? Wala akong paki-alam sa kanila! "Marco, dahan-dahan lang. Kanina kapa umiinom-" "Come, Clarisse. Join with me!" inabot ko sa kanya ang baso ma may alak, kinuha niya naman ngunit inilapag ulit sa mesa. "Hindi nga ako iinom, baka mamaya sesemplang tayong dalawa sa daan kapag sasabayan kita diyan, tsaka halika na, uuwi na tayo-" I raised my hand to stop her. "Ayoko! Dito lang ako, ayoko shilang makita!" "Marco, hindi pwede, tayo nalang ang nandito sa bar na ito, at isa pa mag-uumaga na.