NICHOLAS & MEGHAN Napailing na lang si Nick kung magkano ang nawala sa kanya para lang sa isang address. Pagdating nila sa bahay, pinababa niya ang driver, at muling umalis upang puntahan sunduin si Meghan. Sa lahat ng lungsod sa buong probinsya, hindi inasahan ni Nick na sa Anda nagtago ang babae. Pagdating niya sa Little Miami, kaagad niyang nilapitan ang babae na nasa reception. Ngumiti siya dito. "Hi, gusto ko sanang makausap si Meghan Tecson, isa sa mga guest nyo rito." Sabi ni Nick. Nag-alinlangan ang babae na sabihin sa kanya ang room number ni Meghan dahil syempre bawal naman 'yon at naintindihan niya. "Sino po sila?" Nagtanong ang receptionist. "Nicholas Demakis," sagot ni Nick at nang tumitig sa kanya ang babae, batid niyang may naalala ito. Ngumiti siya at hinintay ang magi