NICHOLAS & MEGHAN Hinintay ni Meghan ang magiging reaksyon ni Nick ngunit tahimik lang ito at sa bawat segundo na nanahimik ang lalaki, unti-unti siyang sinaktan nito. Kasi, kung talagang mahal siya ni Nick, hindi ito magdalawang-isip na sabihin sa mga magulang ni Margaret na hindi na pwedeng mangyari ang kanilang gusto kasi may iba na siya. Sabagay, ano ba naman ang laban niya sa ilang taong pagmamahalan ng dalawa? “Excuse me,”sabi ni Meghan at nauna ng tumayo kahit hindi pa siya tapos kumain. Paakyat na siya sa hagdanan nang maisipan niyang lumingon kung sakaling sumunod si Nick…pero hindi naman pala, kaya bumalik siya sa dining room upang makinig na lamang kaysa mabaliw siya sa kakaisip kung ano ang pinag-usapan nila. Hindi inasahan ni Nick na bumalik si Meghan at muling naupo sa kany