PUMASOK ako sa loob ng kʼwarto ko, ngayon ko naramdaman ang lungkot na may malaking room, akala ko masayang may malaking room, hindi pala. Lumakad ako papunta sa kama ko at humiga roon, hindi na ako makakatulog, nakatulog ako kanina nang umuwi ako. Kaya binalak ko na lamang manood ng movie hanggang mapagod ang aking mga mata at makatulog nang hindi ko namamalayan. Naghahanap na ako ng aking papanoorin nang makitang umilaw ang sunod—sunod ang aking phone. I grab it and I saw chats mula sa group chat namin nina Ivy and Amira. Kumabog nang mabilis ang aking dibdib nang makita ko iyon. I opened it habang kinakabahan ako, paniguradong alam na niya ang tungkol sa pagitan namin ni Declan. Amira: Hey, Liana, are you okay? Ivy: Girl, nag—away ba kayo ni Mr. Hayes? What happened sa inyong

