HALOS nabingi ako at isama mo pang huminto ang pagtibok ng aking puso nang marinig ko ang pagsagot niya. “I know.” Nandilim ang aking paningin nang marinig ko iyon kaya hindi ako nakapag—isip, sinugod ko sila at pinagsasampal ko si Declan. Hanggang ang sunod kong ginawa ay tumakbo ako palayo roon habang tumutulo ang luha sa aking mga mata, hindi lang iyon dahil sumasakit din ang aking dibdib, sobrang sakit na halos hindi ko na kayanin. Kinuha ko ang aking phone at dinial ang number ni kuya Romeo. “K—kuya Romeo, palabas na po ako. Need na po nating umalis.” Pinipigilan kong humigpis habang nagsasalita ako, nang marinig ko ang sagot niya ay agad kong binaba ang phone ko. Mabilis akong pumasok sa elavator at pinidot ang lobby button, doon maghihintay si kuya Romeo. Bumukas muli iyon, na

