MAGKAHAWAK-KAMAY kaming naglalakad ni Felix sa dalampasigan at karga niya naman si Kylie. Gabi na at naghahanap kami ng makakainan. Malamig ang simoy ng hangin at nililipad ang aking mahabang buhok. Ibinalot ko ang dala kong sarong sa aking katawan. Tumigil naman si Felix sa harap ng Jollibee at tiningnan ako. "Dito tayo. Okay lang ba?" baling niya sa akin. Tumango naman ako at agad kaming pumasok sa loob. Nakakapagtakang hindi gano’n kadami ang mga tao rito sa Jollibee. Pumila naman si Felix sa likod ng isang lalaking koreano. "Ako na lang ang mag-order. Maghanap ka na lang ng upuan. Anong gusto mo?" tanong ni Felix habang tiningnan ang menu. "Burger steak na lang, Felix. ‘Yong drinks ay Nestea. Salamat.” Tinanguan niya lang ako kaya kinuha ko si Kylie mula sa kanya at n