ISANG LINGGO na ang lumipas mula no’ng mangyari ang pag-uusap namin ng aking mga magulang. Umalis na rin ang mga magulang ni Felix sa kanyang bahay at bumalik sa tinitirhan nila. Sa pagkakaalam ko, only child lang si Felix. Parehas kami. Parehas rin kami ng birthday. Ibig sabihin ba no’n, meant to be na kami? Joke lang. ‘Di natin alam, baka ‘yong mapapangasawa ko ay si Felix. Masyadong assuming, eh, ‘no? Nandito kami ngayon sa isang isla, nagbabakasyon. Dalawang araw raw kami rito, sabi ni Felix. Sobrang init nga, eh! ‘Yong araw, nakakapaso ng balat! Umitim man ako, pero wala akong pake. Babalik din naman 'to sa rati, eh. Pero nag-apply pa rin ako ng sunblock at balak ko pa ring magsuot ng rash guard. Masakit magka-sunburn. Naglalakad kami ngayon ni Felix patungo sa room namin.