CHAPTER 2

1409 Words
MILLIE Wala ako sa sarili ko habang naglalakad sa kalsada. Hindi ko nga alintana ang mga nakakasalubong ko na nababangga ko na. May ilang nagso-sorry, pero mas marami yata ang naiinis dahil wala man lang akong pakialam na nilagpasan ang mga ito. Ilang beses din akong nakarinig ng mga busina ng sasakyan at malalakas na pagmumura ng mga driver. Hindi lang ako sigurado kung ako ba ang minumura ng mga ito. Pero, malamang ako nga. Hindi na kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko. And I didn't care, anyway. "Li! C'mon! Let's go home," tinig iyon ni Jean mula sa likuran ko. Sinundan pala ako ng kaibigan ko nang umalis ako kanina. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na rin niya akong niyayang umuwi, pero hindi ko siya pinansin. I just continued walking like a zombie, wearing my own wedding gown. Kung ako ay nakasuot ng wedding gown na naglalakad sa kainitan ng kalsada, ang kaibigan ko naman ay nakasuot din ng mahabang gown. Jean was my maid-of-honor on my wedding day. I mean, my best friend was supposed to be my maid-of-honor on my wedding day - kung natuloy lang talaga iyon ngayon. I dreamt of walking down the aisle in my wedding gown while the man I love was waiting for me at the altar. But, instead, I was walking on the street in my wedding gown, crying, looking so lost and deeply hurt. Siguradong iniisip ng mga taong makakakita sa akin ngayon na nakakaawa ako. Base pa lang sa hitsura at ayos ko, hindi nila iisipin na tumakbo ako sa kasal ko. Mas mukhang ako ang tinakbuhan at iniwan ng groom sa kasal ko. Kung nakikita ko lang din ang sarili ko sa salamin, siguradong mukha akong miserable at bigo sa pag-ibig. Marahas kong pinunasan ng likod ng palad ko ang mga luhang tumakas na naman sa mga mata ko. Mabuti na lang talaga at nauso na ang waterproof makeup. Dahil kung hindi, malamang kumalat na ang eyeliner sa buong mukha ko sa walang tigil na pagtulo ng mga luha ko. Nang makaramdam ako ng p*******t sa paa ko dahil sa paglalakad, nagdesisyon akong umupo muna sa nakitang bench. Hindi rin biro ang maglakad ng naka-wedding gown habang naka-three inches high heels. Masakit sa paa. Pero, mas masakit pa rin ang ginawa ng gagong Edson na 'yon, shuta! puno nang pait na sambit ko sa sarili ko. Iginala ko ang tingin sa paligid. Saan na ba ako nakarating? At gaano katagal akong naglakad? May mga nagdya-jogging. Ang ilan nga sa mga iyon ay napapatingin pa sa direksyon ko, tinatapunan ako ng kakaibang tingin. Hindi ko sila pinansin at pinagtuunan lang ng pansin ang lugar. Mukhang sa isang park ako nakarating nang hindi ko namamalayan. Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko. Kahit hindi ako lumingon, alam kong ang kaibigan ko iyon. May sinasabi si Jean, pero parang hindi rumerehistro ang mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko totally naiintindihan. Hanggang sa may lalaking tumayo sa harapan ko. Dalawa sila, pero hindi ko pinagtuunan ng pansin. Kinakausap nga ako ng isa sa kanila, pero ang kaibigan ko ang humarap dito. Wala sana akong balak makisali sa usapan ng mga ito, pero napukaw ang atensiyon ko nang may marinig akong 'wedding' at 'looking for bride' na mga salita mula sa lalaki. Kung tama ang pagkakaintindi ko, mukhang naghahanap ang mga ito ng bride para sa isang wedding practice. At mukhang ako ang napili ng mga ito para doon. Why not? I thought. Sayang naman ang getup ko kung tutunganga lang ako dito sa park. Might as well na mapakinabangan ko naman ang wedding gown ko at mairampa sa wedding kahit practice lang iyon. "Pumapayag ako," anunsiyo ko, dahilan para tumahimik at mabaling sa akin ang mga nag-uusap sa harapan ko. Pati nga ang lalaking kanina pa tahimik ay bigla ring natigilan sa sinabi ko. Tumayo ako at hinarap ang lalaking kumausap sa akin kanina. "Let's go. And lead me the way," wala sa sariling sambit ko pa. "Are you fvcking out of your mind, Millie Grace Altamerano?!" sigaw ni Jean. Mataman kong tiningnan ang kaibigan ko. Mukha siyang hysterical at di-makapaniwalang nakatitig sa akin. May sasabihin pa sana siya, pero pinutol na iyon ng tinig ng isang lalaki. "Great! Let's go. Sumama ka na rin sa amin, Miss, para may witness sa gaganaping kasal," tukoy ng lalaki sa kaibigan ko. Nang magsimula ng maglakad ang lalaking iyon, kusang kumilos ang katawan ko at sumunod dito. Ni hindi ko pinansin ang matamang pagtitig sa akin ng isa pang lalaki. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Jean at tumabi pa siya sa akin. May sinasabi, pero hindi ko na naintindihan pa. Para bang nablangko na ako ng mga oras na 'yon. Ang tanging pumapasok na lang sa isip ko ay ang wedding practice na gagawin namin. ~~~ I was so out of focus and out of my mind. Because of so much pain and exhaustion I was feeling right now, my mind refused to think of anything else. Lahat ng marinig kong ipinapagawa sa akin ay ginagawa ko. And I just found myself in front of a guy, exchanging vows just like in a wedding. Sa isip-isip ko, para talaga akong uma-attend ng totoong kasal. Habang nakatingin ako sa lalaki, hindi ko mabistahan ang totoong mukha niya dahil ang mukha ni Edson ang nakikita ng mga mata ko. Ang lalaking iyon ang nakikita kong nakatayo sa harap ko at nakangiti sa akin. At sa kanya ako ikinakasal. Muling nangilid ang luha sa mga mata ko, lihim na ngumiti nang mapait. Hibang na nga yata talaga ako. Kahit iniwan at sinaktan na ako, ang lalaking iyon pa rin ang nakikita ko. "F... C... do you take Millie to be your lawfully wedded wife? Do promise to love and cherish her, in good times and in bad, in sickness and in health, for richer for poorer, for better for worse, and forsaking all others, keep yourself only unto her, for so long as you both shall live?" "I do." Tuluyan nang pumatak at naglandas sa mga pisngi ang mga luha ko. How sweet to hear those words from Edson. And how I wished to hear those two words from him. How I really wished to exchange 'I do's' with the man I love. "Millie Grace Altamerano, do you take F... to be your lawfully wedded husband? Do promise to love and cherish him, in good times and in bad, in sickness and in health, for richer for poorer, for better for worse, and forsaking all others, keep yourself only unto him, for so long as you both shall live?" Ngayon lang. Hahayaan ko ang sarili kong isipin na ikinakasal talaga ako sa lalaking mahal ko. "I do," madamdaming sagot ko, direktang nakatingin sa mga mata ng lalaking nakikita ko bilang si Edson. We exchanged wedding rings. Napangiti pa nga ako nang magkasya ang singsing sa akin. Na para bang sukat talaga iyon sa daliri ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat nang malambot at mainit na mga labi ng lalaki. Kasabay nang pagpikit ko ang muling pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Nai-imagine ko na si Edson ang lalaking humahalik sa akin. Ilang segundo rin yata ang itinagal ng halik na iyon bago humiwalay ang lalaki. Then, may pinirmahan din kaming kontrata na para talaga sa totoong kasal. Nagpakuha rin kami ng larawan ng groom ko. Lutang talaga ang isip ko at wala akong idea sa nangyayari. Kaya sa buong durasyon ng wedding practice na iyon, I was cooperative. Hindi ako tumutol. Ni hindi nga rin ako nagtanong. "Are we done?" wala sa sariling sambit ko. Siguro naman ay tapos na ang wedding practice na iyon. I felt really tired and exhausted. Gusto ko ng umuwi at magkulong sa kuwarto ko. Binalingan ko ang kaibigan ko na hanggang ngayon ay matamang nakatitig sa akin. Jean was looking at me as if I just had grown two heads. "Sana okay ka lang, Li. Sana hindi ka nabibigla sa desisyon mong ‘yan," sarkastikong pahayag ng kaibigan ko. Mapait akong ngumiti. "Okay lang ako. Gusto ko ng umuwi." Akmang may sasabihin pa ang kaibigan ko, pero hindi na niya naituloy nang lapitan siya ng practice groom ko kanina. May sinasabi ito, pero hindi ko na narinig pa. Hindi ko na rin hinintay pa ang mga ito at tumalikod na. Naglakad ako palabas ng office na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD