CHAPTER 1

1343 Words
MILLIE "Tell me it's just a dream," parang wala sa sariling sambit ko. "Tell me this is just a fucking dream," ulit ko pa. Nang makita ko ang pagtiim ng bagang at pagkuyom ng mga kamay ng best friend kong si Jean habang diretsong nakatingin sa akin ang mga mata niya at kababakasan ng simpatiya ang buong mukha, doon ko napagtantong hindi talaga ito panaginip lang. Totoo talaga ito. Mula sa nanginginig kong kamay, muli kong tiningnan ang phone at binasa ang text ni Edson. I'm sorry, Millie. Si Charrie na ang mahal ko at hindi ko na kayang magpakasal pa sa 'yo. Pagak akong tumawa. Pagtawa na nauwi sa pag-iyak. Dama ko ang paninikip at pagkirot ng dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Inaasahan ko na ang pag-iyak ngayong araw. But, I didn't expect it to be tears of pain. It was supposed to be a special day for me. The big day I've been waiting and looking forward to. To get married to the man I really love with all my heart. But, I didn't expect the event would turn out like this. Actually, hindi ko na-imagine na mangyayari ito sa akin ngayon. To be jilted on my wedding day. We were okay. At least, I thought we were okay until today. Nagkausap pa kami ni Edson kagabi bago ako matulog nang may ngiti sa mga labi. I was already looking forward to spend the rest of my life with him. And now, this? Shuta. My groom was no show and just left me a message. A damn and a fvcking message. Telling me that he was in love with my sister. Shuta talaga. Kailan pa? Kailan pa niya ako ginagago? Maraming beses na puwede kaming mag-usap kung nagbago na ang isip at tibok ng puso niya. Maraming araw na puwede siyang umatras sa kasal namin. Don't tell me na ngayon lang niya na-realize na mahal na niya ang kapatid ko? Ngayong eksaktong araw lang na ito? Mas lalong hindi naman kapani-paniwala kung ngayon lang nakaramdam ng pagmamahal si Edson sa kapatid ko, then voila! Nagdesisyon na agad na hindi sumipot sa kasal namin. That wasn't really the case, right? Napapa-shuta na lang talaga ako. And my fiancé - no. My ex-fiancé had the audacity to back out in just a damn text. Ni hindi man lang ako tinawagan o kinausap man lang para personal na sabihin iyon. Sinubukan kong tawagan si Edson, nagbabaka-sakaling puwede pa. Umaasa pa rin na baka prank lang niya iyon. Na baka male-late lang siya at sisipot pa rin sa kasal namin. "Ed... pick up the phone... Please..." sambit ko sa pagitan ng pag-iyak. But, he wasn't picking up the call. No response on the other line. Naramdaman ko ang mga kamay ni Jean sa likod ko. "Stop it, Li. That asshole was two hours late. Hindi na siya darating." Humigpit ang hawak ko sa phone hanggang sa walang lakas na ibinagsak na lang ang kamay ko sa kandungan ko. Muling namuo ang luha sa mga mata ko. "It's his loss, Li. It's his loss for letting you go." Jean gently rubbed my back, trying to comfort me. Mas lalong nanikip ang dibdib ko at napasandal na lang sa kaibigan ko. Muli akong umiyak. And my best friend hugged me tightly. I was thankful that Jean was there for me. Kung wala siya sa tabi ko ngayon, baka hindi ko kayanin. It hurts like hell. Ilang sandali pa, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga magulang ko. They were looking at me with sympathy in their eyes. Bahagya akong lumayo kay Jean. "'Ma...'Pa..." pag-acknowledge ko sa mga ito. "Napauwi na namin ang ibang mga bisita, anak. Pero, may ibang taga-media pa rin ang nag-aabang sa loob at labas ng simbahan," sabi ng Papa ko. Of course, the news already broke out. That the fashion designer, Millie Altamerano, had been jilted by the fashion model and her groom, Edson Lagman. Siguradong iyon na ang laman ng balita ngayon nationwide. O baka nga worldwide pa. Lumapit sa akin si Mama. Hinawakan niya ang isang kamay ko at ang isang libreng kamay naman niya ay humaplos sa basang pisngi ko, pinahid ang luha sa mga mata ko. "I'm sorry, anak. I'm sorry sa ginawa ng kapatid mo." Ah. Alam niya. Alam nila. Alam ng mga magulang ko na may kabalbalan na ginagawa ang kapatid ko at ang dapat na mapapangasawa ko. At hindi nila iyon sinabi sa akin. Malungkot at puno nang pagsusumamong tumingin siya sa akin. "Alam ko ang nararamdaman mong sakit, anak. At ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Charrie, Millie." Hindi ako sumagot. Mataman lang akong tumingin sa kanya. "Nagmahal ang kapatid mo. At nagkataon lang na umibig siya sa lalaking mahal mo." It wasn't a coincidence. And I don't believe in coincidence when it comes to my sister. Lahat ay planado nito. "Intindihin mo sana ang kapatid mo, anak." Doon na parang may pumitik sa sentido ko. Intindihin? Hanggang sa ganitong sitwasyon, gusto ng mga magulang ko na intindihin ko si Charrie? Noong mga bata pa kami at may gusto si Charrie na gusto ko rin, intindihin ko raw siya dahil mas matanda ako sa kapatid ko. And I did. Ako na ang nagpaparaya at nagbibigay. Noong nag-aaral pa kami at nahihirapan siya sa mga lesson, tinulungan ko rin siya. Sabi ng mga magulang namin, intindihin ko siya at umaktong big sister sa kapatid ko. And I did, anyway. Ako pa mismo ang gumagawa ng mga assignment at project niya. During one of the fashion design competitions, I withdrew and let Charrie joined the competition. I did it not because of her. I did it because of our mother. Nakiusap si Mama na ipaubaya ko na lang ang pagsali sa kapatid ko. And I really did it. Kaya ang kapatid ko ang unang nagkaroon ng big break sa fashion industry dahil hindi man siya ang nanalo sa kompetisyong iyon, pinuri naman ng judges ang designs niya - na original designs ko. All my life, iyon na ang ginagawa ko. Iniintindi ko na ang kapatid ko para sa mga magulang namin. I did it for them. To be a good daughter and big sister. To make them proud of me. Pero, kalabisan naman yata na hanggang sa ganitong sitwasyon ay gusto nilang intindihin ko pa rin ang kapatid ko? I was hurt. Deeply hurt. Hindi lang ako basta iniwan ng lalaking mahal ko. Hindi siya sumipot sa kasal namin dahil kay Charrie. Dahil mahal na raw ng lalaking iyon ang kapatid ko. Shuta. Dapat ko pa rin bang intindihin iyon? Paano naman ako? Ramdam ko ang paghihimagsik ng kalooban ko. Gusto ko ring sumigaw at magwala. Gusto kong sabihin na nasasaktan din ako. Gusto kong ipaalala na anak din nila ako. Hindi lang si Charrie. But, then, the bitter reality hit me. Oo nga pala. Natural na laging paboran ng mga magulang namin ang kapatid ko. Dahil si Charrie ang tunay na anak at ampon lang ako sa pamilya. Foster parents ko sina Maximo at Cherryl Altamerano. Inalis ko ang pagkakahawak ni Mama sa kamay ko at pilit na ngumiti sa kanya. At gaya noon, sinabi ko ang mga salitang nakasanayan ko ng sabihin. "Okay lang po." Kahit hindi. "Naiintindihan ko po." Kahit hindi talaga. Hindi ko na pinansin pa kung nagtunog sarkastiko ba ang sinabi kong iyon. "Puwede po bang humingi ng pabor? Kayo na po sana ang bahala sa mga naiwang bisita at taga-media." Bago pa man makapiyok ang mga magulang ko, tumayo na ako at tumalikod. Nasa may pinto na ako at hawak ang doorknob nang tawagin ako ni Papa. "Saan ka pupunta, anak?" "Maglalakad-lakad po. Mag-iisip-isip na rin," sagot ko nang hindi lumilingon sa kanila. "Huwag n'yo na rin po akong hintayin sa bahay. Sa condo po ako uuwi mamaya." Iyon lang at tuluyan na akong lumabas ng kuwartong inookupa ko habang naghihintay sana sa groom ko para sa kasal namin - na tuluyan nang hindi natuloy dahil hindi ako sinipot ng walanghiyang lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD