TWENTY: "Disappointed." (Serenity's POV) "I need you... " Agad siyang napatayo mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair dahil sa ginawa ko. Nagtataka ang kanyang reaksyon. "Seni! What are you doing?" Nabakas ko ang pag-aalala sa kanyang tono. "Naaksidente si Gabby at kasalukuyan s'yang nasa kritikal na kondisyon. Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan niyang masalinan ngayon din ng dugo. Please, save my son. I'm begging you. Please.. " Hindi ko na ulit napigilan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. "Our son, Serenity. Our son!" Madiin niyang pagtatama sa akin. Ramdam ko ang paglapit niya. Nang makalapit ay agad niya akong hinawakan ng mahigpit sa magkabilang balikat at unti-unti akong itinayo. "What exactly happened?" Kinuwento ko sa kanya ang balak ko sanan

