“Thank you po rito, Ate Carlotta! Ang gaganda po lahat!” Tuwang-tuwa si Pia habang binubuklat isa-isa ang mga damit na binili ni Carlotta para sa kanya. Pati ang mga mata niya ay naniningkit sa sobrang saya. Nakaupo siya sa kama habang nasa kandungan niya ang ilang piraso ng mga bagong damit. “Bagay na bagay ‘yan sa ‘yo, baby girl. Paglabas mo rito sa ospital, masusuot mo na ‘yan kapag namasyal tayo!” Nakaupo si Carlotta sa hospital bed sa tabi ni Pia. Siya ang nagtitiklop ng mga damit na natingnan na ng kapatid ko. Sa tuwing dumadalaw ako rito sa ospital ay lagi ko ring kasama si Carlotta. Simula noong maoperahan ang kapatid ko ay wala rin siyang palya sa pagbisita. Minsan nga ay sinasabihan ko siya na matulog na lang muna at magpahinga sa condo dahil parati pa rin namang may pasok

