Perrie. “It’s been a while, Miss Ocampo…” magiliw na bati sa akin ni Mr. Emmett, at katulad noong unang gabi na pinaunlakan ko ang imbitasyon niya ay pinaghila niya ulit ako ng upuan. Nakaalalay pa siya sa aking likod hanggang sa makaupo ako. “You look good as ever,” pahabol na ani pa niya. Napatikhim ako bago kiming ngumiti sa kanya. “M-maraming salamat po, Sir…” Mabilis na umikot ang matanda pabalik sa kanyang inuupuan na nasa harapan ko lang. Nakangiti pa rin siya sa akin na tila masaya na nandito ako at kaharap niya. Ramdam ko ang nag-uumapaw na excitement niya at hindi ko alam kung kapareho sa naunang dahilan. Iba man ang restaurant na ito sa unang pinuntahan namin, pero wala rin namang pinagkaiba dahil bukod sa dalawang waiter na naghihintay na tawagin ay kaming dalawa lang n

