Pinagbuksan ni Massimo si Dianne ng pinto ng Limousine nang makarating sila sa tapat ng pinakamahal na hotel sa buong Italy. Ito mismo ang nagbukas para sa kaniya at hindi ang driver nito. Nagtaka ang dalaga nang makitang may hawak itong puting shawl at walang ano-ano na ipinatong sa balikat niya at itinali iyon sa harapan. Sinadya nitong takpan ang cleavage niya na halos lumuwa na. Bumagay naman iyon sa suot niya pero nagtataka lang siya kung bakit nito ginawa iyon. "Dapat lang na takpan iyan dahil siguradong makakakuha iyan sa atensiyon ng lahat ng mga kalalakihan sa party mamaya. At ako lang ang puwedeng makakita niyan," kaagad na paliwanag nito sa tonong nangangatuwiran nang mapansin ang pagtataka niya. "It's for my eyes only, baby. Remember that. Okay?" She rolled her eyes. "Magp

