Dinala siya ni Beatrice sa isang dressing room na halos mapuno ng nagagandahang gown. Sanay naman si Dianne na makakita at makasuot ng ganoon kagaganda at kamamahal na mga damit. Kaya hindi niya mawari kung bakit nalulula at na-e-excite pa rin siya. "Pumili ka na lang dito ng magugustuhan mo at isukat mo na rin," nakangiting wika sa kaniya ni Beatrice. "This is all yours at bayad na ito ni Massimo. So no worries." Napalunok siya. "Binayaran niyang lahat ito para sa'kin?" "Yeah." Natatawang tumango si Beatrice. "Basta lahat daw ng sa tingin ko ay babagay sa'yo." Hindi siya nakaimik. Alam naman niya na barya lang sa yaman ni Massimo ang halaga ng mga damit na iyon. Pero bakit kailangan pa siya nitong paggastusan ng ganoon kamahal? Ipapakilala ba talaga siya nito na asawa mamayang gabi?

