Nagising si Dianne sa mainit na hininga na tumama sa mukha niya. She opened her eyes with a smile in her lips already. "Good morning, baby." Ang guwapo at nakangiting mukha ni Massimo ang bumati sa kaniya, sabay halik sa mga labi niya. Lalong lumapad ang pagkakangiti ng dalaga. "Good morning, too," ganting bati niya rito. Dumukwang siya at humalik din sa mga labi nito. Hanggang sa nauwi sa mapusok na palitan ng halik ang simpleng kiss na iyon. "Enough. Hindi pa ko nagmumumog," natatawang saway niya sa binata at saka bumangon. Umunat siya at tumingin sa glass window na nakataas nang kaunti ang blinds. Maliwanag na pala. Kaya pala napansin niya na nakaligo na si Massimo. At mukhang katatapos lang dahil basang-basa pa ang buhok nito. Boxer shorts at sando pa lang din ang suot nito. "Sa

