Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising si Dianne na malungkot. Napanaginipan niya kasi ang mga magulang niya. Pati na rin ang pamilya Montemayor. Ramdam niya sa kaniyang puso ang labis na pangungulila niya sa mga ito. Parang sinasakal ang puso niya sa pagka-miss sa mga ito. Hanggang sa namalayan na lang niya na tumutulo na pala ang mga luha niya. Humihikbi pa siya na hindi niya mapigilan. Nagtaka pa siya sa kaniyang sarili dahil matagal-tagal na rin ang panahon na naging emosyonal siya nang ganoon dahil lang sa isang panaginip. Dahil ayaw ni Dianne na magising si Massimo sa iyak niya kaya tumagilid siya at bahagyang nagtakip ng unan sa mukha. Ngunit mayamaya lang ay naramdaman ng dalaga na may matipunong braso ang yumakap sa kaniya. "Hey, are you crying?" nag-aalalang untag nito sa kaniy

