"Thank you, Kuya Ton-Ton. Nakalaya na si Kuya Daniel." Nakikinig lang si Massimo kay Jeanica Anne habang may kausap ito sa cellphone pagkatapos umalis ng abogadong kasama nito, at siyang tumulong sa kaniya para makalaya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito sinasabi kung bakit tinulungan siya nito. Hindi rin siya nagtatanong pa. "It's Kuya Ton-Ton Monreal," kapagkuwan ay baling nito sa kaniya matapos itong makipag-usap. "He is a billionaire lawyer from Philippines. May connection din siya rito sa Italy." "I don't give a damn," malamig na tugon niya rito. "Wala kang pakialam sa taong tumulong sa'yo para makalaya?" Kinunutan siya nito ng noo. "Ganiyan ka ba kawalang puso at ka-ungrateful, Kuya Daniel?" "Because I'm sure there would be a price to pay." "Hindi gano'n si Kuya Ton-Ton. Ka

