Tahimik lang si Massimo habang hinihintay na makaharap si Zoe Montemayor. Ilang sandali pa ay medyo nanginginig ang mga balikat na tumigil ito sa harapan niya. "Y-youre here... Y-you are really here," pumipiyok ang boses na saad nito habang animo'y hindi makapaniwala na tinitingnan siya. "Araw-araw kong hinihintay ang araw na ito, anak... Ang araw ng pagbabalik mo. Naisip ko na kung sakali mang twenty nine years uli bago ka bumalik sa'min, okay lang. Tatanggapin ko. Maghihintay pa rin ako... Kasi kasalanan naman namin ng Daddy mo kung bakit ka nawala sa'min noon. Naging pabayang magulang kami. Kung hindi ko sana ako pumayag noon na isama niya kayo noon sa bangka at maglaot sa dagat, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kaya patawarin mo si Mommy, ha? Patawarin mo kami ni Daddy... This is a

