Pagdating ni Dianne sa Alessandro SPA ay bahagyang nagtaka siya kung bakit parang magiliw sa kaniya ang halos lahat ng tao na nakasalubong niya. Sa entrance pa lang ay todo bati at ngiti na sa kaniya ang mga guwardiya. Samantalang hindi naman ganoon ang trato ng mga ito sa kaniya kahapon. Na para bang napaka-special niya. Ngunit inisip na lang ni Dianne na baka dahil empleyado at magiging kasamahan na siya ng mga ito sa nasabing kumpanya kaya ganoon na lang kung kagiliwan siya. Sa 28th floor dumiretso si Dianne. Sinalubong siya ng nakangiting mukha ni Miss Russo. Kung magiliw na ito sa kaniya kahapon, hindi hamak na mas magiliw pa ito sa kaniya ngayon. "Good morning!" masiglang bati niya rito at saka nagpakawala ng isang friendly smile. "Good morning, Miss Dela Cruz. Welcome to Alessa

