Chapter 47

2606 Words
Desiree Larrson "Learn to love yourself first before others. Kasi in the end sarili mo lang din ang makakatulong sayo.." Napangiti ako ng mabasa ko ito sa isang tweet na tinag saakin. Ito yong isa sa mga answer ko sa tanong saakin last week sa TV Shows. Binaba ko ang tingin sa phone ko ng dumating na si Arvid. "Late ka na." sabi ko ng tumabi sya sa gilid ko. "Hana. Hindi ako pinapaalis." dahilan nya. Hinawakan ko na lang ng maigi yong suot kong summer hat nang umandar na yong boat na sinakyan namin papunta sa next shooting namin. Mabuti na lang ay cloudy day ngayon hindi masyadong mainit kaya malaya akong nag lakad lakad sa dalampasigan ng walang sumbrelo. "Ma'am Ree tawag na po kayo ni Direk. Mag start." sabi ng isang stuff. Mabilis naman ako tumango at sumunod na. Hapon na natapos ang shooting. Matataas na ang alon kaya yong iba ay napapatili ng may humahampas na alon saamin. Si Arvid at ako ay tahimik lang. Tahimik ako kasi iniisip ko pa kung sino yong pwede ko yayain na ma-date para sa Magic Ball next week. Nang makarating kami sa pampang ay agad ko nakita si Hana na kumakaway saamin. Pero agad naman napako ang tingin ko sa naka itim na lalake sa likod nito. Kumunot ang nuo ko. Lumapit din si Arvid saakin at nakita yong lalakeng nakaitim. "Your long time stalker oh." sabi nya tukoy sa naka-itim. "Creepy." sabi ko na lang ng tumakbo ito palayo saamin. Mahirap pumasok sa showbiz industry. Maraming pwedeng mangyari sayo. Oo sisikat ka pero pwede din malapit yong sarili mo sa kapahamakan. Tignan mo yong kanina. Stalker ko yon. Since nung unang pasok ko pa lang sa showbiz ay nakikita ko na yon umaaligid saakin. Nag try na ako ireport ito sa police pero wala naman akong makuhang matinong picture. Kung hindi man nakatalikod, nakasumbrelo. Pero sabi nga nila masasanay din ako. And now sanay na ako. Nag yaya sina Direk na mag restaurant muna kami. Kasama naman namin si Hana na nag punta doon. Mabuti na lang talaga at legal sina Hana at Arvid sa mata ng mga tao. Tanggap din naman si Hana ng mga fans ni Arvid kaya walang gulo. "Wala ka bang kinukuhang case ngayon Arvid?" tanong ko kalagitnaan ng pag kain namin. He's now a licensed lawyer. "May hawak na akong case. Actually pupuntahan ko iyon after nito. Sama ka Hana?" Ngumiti naman ng malapad si Hana "Yes cupcake!" pinisil naman sya ni Arvid sa pisngi nito. Sweet couple. Tumingin naman ako sa phone ko na biglang umilaw. Nakita ko ang message ni Drea. Manager Drea: Bitch! Pumunta ka asap dito sa office ko after mo dyan. May pag uusapan tayo. Hindi na ako nag reply pa at binalik na lang yong phone sa bag ko. Since may malaking flatscreen sa harap namin, saktong napunta sa news ito. Wala naman ako sa mood manood ng news kaya pinag tuunan ko na lang ng pansin yong pag kain ko. At kailangan ko na umalis. "Ano po pakiramdam nyo ngayon Mr. Evan Smith na isa na kayo sa pinakamayaman na business man sa buong mundo?" rinig kong tanong ng news caster. Bigla ako napahinto. Sakto namang tapos na ako kumain kaya tumayo na ako. "Saan ka pupunta? Tapos ka na agad Ma'am Desiree?" tanong ni Hana. "Yeah. May urgent meeting ako with my Manager." Tumango tango naman si Hana. Lumingon ako kay Arvid na nakatitig sakin. Alam kong narinig nya yong balita kaya sumenyas na lang sya na umalis na ako. Nag paalam muna ako kina Direk at sa mga stuffs bago nag diretso na sa sasakyan ko. Binuksan ko na yong makina saka agad na inapakan ang gas. Wala akong pakialam kung over speeding na ako. Wala sila sa pwesto ko ngayon. Pasalamat naman na walang nangyaring hindi maganda saakin pag kadating ko sa building nina Drea. Imbes sa office nya ay sa condo nya ako pinapunta. Dumiretso naman na ako sa elevator at pinindot kung anong floor ang condo nito. Bumukas ang pintuan ng condo nya na sya ang bumungad minsan kasi lalaki. "Hi! Come in. Hindi pa ako nakakapag ayos kaya.. yon" Nagdiretso ako sa sofa nya at naupo. Actually maayos naman condo nya, walang kalat. Sya lang ang nag iisip na meron. Umalis sya saglit sa harapan ko at may kinuhang box. Nag taka naman ako kung para saan yon. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang napaka gandang gown na kulay maroon. Kumikinang kinang pa ito. V cut for my cleavage. And its tube type. Hindi ko naiwasang mamangha sa ganda ng gown na hinarap nya saakin. "Gorgeous no? Well that's your gown for the upcoming Magic Ball." Kinabukasan maaga natapos ang pictorial ko sa isang sikat na magazine. Sa labas pa lang ay nakita ko na si Joaquin na nag hihintay saakin. Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga. I'm tired then may sasalubonh saakin na ganito? Lalampasan nya sana ito ng hawakan sya sa braso. "Ree let's talk please.." Inalis ko ang hawak nya sa braso ko at hinarap sya. "Wala na tayo Joaquin" malamig na sabi ko. Nag salubong ang kilay nito "Bakit ang bilis? Parang kanina lang pinapabili mo lang ako ng Mcdo Fries tapos makikipag break ka?" "Look Joaquin. Wag kang gumawa ng scene dito." sabi ko sabay lingon sa mga dumadaanan na napapatingin saamin. "Then give me an answer Ree! Minahal mo ba talaga ako? O totoo yong balita na mahilig ka lang talaga manlaro ng lalake?" natutunugan ko na ang galit nya. "I fall out love. That's it" tipid kong sagot sa kanya. "What? Fall out love saan? May ginawa ba ako?" Tinitigan ko sya ng mabuti "You know what, simulan mo na maniwala sa mga taong nag sasabing mahilig ako manlaro ng lalake.." Napahinto naman ito at tinitigan lang ako ng mabuti. Ngumisi ako saka tinaas ang suot na sunglasses. Kumaway ako sakanya at nag lakad na paalis. "You're unbelievable!" sigaw nito. Nakita kong napahinto yong mga dumadaan. Pero ako hindi huminto mag lakad. May mahalaga pa akong pupuntahan kaysa makipag argument sa Month of April ko. "Hindi na ako mag taka na susunod na lalaruin mong lalake. Ikaw na yong iiwanan!" May kung ano ako naramdaman sa kalalim laliman ng damdamin ko. Huminto ako saka huminga ng malalim. May anong nag bara sa lalamunan ko. Sa huli ay hindi na ako umimik pa sa sinigaw ni Joaquin at nag punta na sa lugar na taon taon ko binibisita. Huminto ako sa arko kung saan nakasulat doon ang pangalan ng lugar na iyon. 'Cemetery' Hindi na katulad ng dati ay nakakayanan ko na ihakbang ang mga paa ko na hindi tumutulo ang luha ko papunta sa puntod nya. Pero andito pa rin yong sobrang bigat sa dibdib ko. Nag sindi ako ng kandila saka tiniril sa gilid ng lapida nya. Mapait ako ngumiti ng hinawi ang isang dahon na humarang sa pangalan na nakasulat roon. 'Shaira Evannor Smith' Linunok ko ang anong nakabara sa lalamunan ko. "Hi baby ko.. kamusta ka na dyan? Pasensya na hindi nakakadalaw si m-mommy mo.." napasinghot ako ng may tumulo ng luha. "Namiss na kita anak.. sana gabayan mo pa rin si Mommy kahit nagiging bad na ako..." napatawa ako ng mahina "Guess what baby? Malapit na makilala si Mommy sa buong mundo.." "Kung andito ka lang anak. Hindi sana ganito si Mommy.. sorry Shaira ko.." At katulad ng dati ay doon ako nag pahinga, nag palipas ng oras. Kapag kaharap ko ang anak ko. Feeling ko bumabalik ako sa dati. Sana..sana na lang hindi sya nawala saakin ng maaga.. Third person Malalaking hakbang ang ginawad ni Evan papasok ng mansion nila. Nila ng pamilya nya. Galing sya sa isang conference meeting na naganap sa ibang bansa. "Daddy!" bungad agad sakanya ng maliit at matinis na tinig na nag mumula sa sala. Agad natanggal ang pagod na nararamdaman ng makita nya ang mala-manikang anak na tumatakbo palapit sakanya. Nag pakarga ito agad sakanya. "I miss you Daddy!" sabi nito sabay kiss sa cheeks nya. Napangiti naman si Evan "How's my princess? Hindi ka ba naging makulit kay Yaya?" hinalikan nya ito sa nuo. Ngumuso ang bulinggit at dahan dahan umiling iling "Yaya has fault too Daddy.." Siguro ay tinutukoy nito ang pag bawal ng yaya nito sakanya na wag mag babad masyado sa swimming pool nila. Mahilig kasi ito maligo sa pool nila. "Beatrice Klarisa Smith.." tawag nya sa buong pangalan ng anak. Mas lalo ngumuso ang anak nya saka niyakap na lang ang kanyang Daddy sa leeg at nag tago sa leeg nito. Nag lalambing. Napabuntong hininga na lang si Evan. Hindi nya magawang magalit sa anak sa sobrang pagiging malambing. "Okay okay. Just promise me hindi mo na aawayin si Yaya?" Tumango tango ito habang nakanguso pa rin. Nag tatampo pa. Bigla naman lumabas mula sa kusina ang babaeng blonde ang hair at nakangiti ng malapad ng makita silang mag ama. Agad na nag taas ng tingin ang anak nya "Mommy! Daddy's here na! Kiss!" Tumawa si Tania at sinunod ang anak. Humarap sya kay Evan na nakatitig din sakanya. Tumingkayad sya at hinalikan ito sa pisngi. "Good evening my husband. The dinner is ready na!" Kabaliktaran sa gusto ni Evan ang nirequest ng anak. Pero dahil request ito ng anak ay humalik din sya kay Tania at hinalikan sa pisngi. Pumalakpak naman ang anak nila na tuwang tuwa "Yey! Kiss Mommy and Daddy!" Napangiti na lang sya sa anak. Nag mamadali naman bumaba ito ng makitang nililigpit ng Yaya nito yong mga toys nya sa lapag. Pag kaalis ng anak ay yon ding pag hakbang ni Evan paalis kay Tania. Matutulog na sya. "Evan dinner?" tanong ng asawa. "Nag dinner na ako." cold ang boses nito. Nakaramdam naman ng takot si Tania kaya umatras na lang ng isang hakbang. At tuluyan na ito umakyat ng kwarto nito. Sa 5 years na mag asawa sila ay hindi na bumalik ang dating pakikitungo sakanya ng asawa. Galit pa rin ito sa ginawa ng kanyang ama sa tahimik na buhay nito. Tumunog ang phone ni Tania. Sinilip nya kung sino ito. Lumabas sya agad nang makitang ama nya ang tumatawag. "Hello Dad.." Desiree Larrson Nakaupo ako sa isang bench dito sa school. Hinihintay matapos si Hana. Hindi lang sya owner ng coffee shop kundi isa na rin syang elementary teacher. Hindi naman ako nag reklamo ng tinawagan ako ni Hana para mag pasundo sa school at pag katapos ay mag shopping para sa susuotin nya sa Magic Ball. Mabuti nga sya may ka-date na. Ako? Wala pa. Wala pang mapili. Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Umangat ang tingin ko sa classroom ni Hana. Tumakbo palabas ang mga maliliit na bata, nag uunahan na lumabas at pumunta sa mga sundo nila. Hindi ko naman maiwasan mapangiti, kaya hindi ako nag rereklamo para sunduin si Hana eh. Natutuwa ako sa mga batang maliliit na ito. Tumayo na ako at sinuot ang sunglasses na dala. Mabuti na lang at secured ang school na ito. Walang masyadong outsider. Dumiretso ako sa classroom ni Hana. Wala ng estudyante sa loob kaya hindi na ako kumatok pa at pumasok na. "Gusto ko makausap ang parents mo Beatrice. Hindi pwedeng sumama ka sa field trip without their consent.." Hindi pa pala tapos si Hana. May kausap pa itong estudyante nya. Hawak ni Hana ang papel na binigay nung babaeng bata. Lumabi ang bata parang maiiyak na. "They're both busy teacher.." Bumuntong hininga si Hana. Inakay na lang nya sa gilid nya ang bata na malapit na maiyak. Napangiti naman ako kasi kahit paiyak ito ay ang cute pa din. Namumula pa ang pisngi nitong maputi. "Sshh don't cry na okay? Don't worry I will contact your parents." Tumango tango naman yong bata saka pinunasan ang mata. Pag kamulat ay dumako ang tingin sakin. Bigla napalitan ng pag tataka ang mata nya. Ngumiti lang ako at kumaway. "Hi!" bati ko. Napansin naman ako ni Hana "Andito ka na pala Ma'am Desiree. Pwedeng hintayin muna natin masundo si Beatrice?" "Sure sure! No problem." lumapit ako don sa bata na nag ngangalang Beatrice. Nag tataka pa rin ang mata nitong nakatingin sakin. Innocent eyes. Pamilyar ang mata nya. Parang nakita ko na ito kung kanino. Napailing iling na lang ako. Minsan naman talaga mag kakapareho ang mata ng mga tao. Baka sa mga nakakasalamuha ko na. "What's your name pretty?" nakangiti kong tanong dito. Kinagat nito ang labi. Parang nahihiya. "Beatrice Klarisa." Natuwa naman ako dahil medyo hindi pa nya kaya ibigkas ng buo ang pangalan nya. "What a beautiful name. You're really pretty." gusto ko sana kurutin yong pisngi nito pero huwag na. Mamaya umiyak. "You're more beautiful po.." Napangiti naman ako ng malapad. Nag taas naman ito ng tingin dali dali sya umalis sa tabi ni Hana at kinuha ang bag na dala. Nakita ko ang babaeng nakauniporme ng pang maid. "Pasensya na po Ma'am medyo na-late sa pag sundo kay Beatrice. Pero salamat po sa pag bantay sa makulit na batang ito." sabi ng yaya nito. Ngumiti naman si Hana "Walang anuman po manang. Mag iingat po kayo." Habang nakakapit si Beatrice sa yaya nya tumingin sya saakin. Ngumiti naman ako sakanya. Umiwas naman ito ng tingin. Nahihiya siguro. "Mag teacher ka na lang sana Ma'am Desiree. Gustong gusto mo ang mga estudyante ko eh." sabi ni Hana nang makaalis na sina Beatrice. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Hana "May meeting pa ba kayo? O hintayin na kita sa kotse?" "Hintayin mo na ako Ma'am Desiree. Ayusin ko lang mga gamit ko." Tumango naman ako saka hinintay na sya. Tumunog ang phone ko. Nakita ko ang message ni Drea. My Manager: Meron ka ng date! Hinanapan na kita. I'll email to you his profile okay? Pogi yan kaya wag ka na umangal pa! Nag type naman ako Ako: I know. May tiwala naman ako sayo pag dating sa ganito. Thanks. Pumunta kami sa kilalang boutique na palagi namaing pinag kukuhaan ng mga pang event na clothes. I model their brands kaya may discount ako. Pero dahil si Hana ang mag hahanap. Sa pangalan ko nililista. "Ang mamahal naman dito Ma'am Desiree!" bulong ni Hana. Puro reklamo si Hana pero sa huli ay nakapili din sya ng maganda na bagay na bagay talaga sakanya. Daldal ng daldal si Hana nang palabas na kami ng boutique. Sanay naman na ako sa pagiging ganito nya. Tungkol naman kay Beatrice yong kinukwento nya. "Pero sa totoo lang hindi ko pa na-meet ang parents ni Beatrice. Hindi naman dumadalo ang isa sakanila sa mga meeting puro yaya nya lang. Kaya minsan naaawa ako sa bata.." "Kung nag kaanak ako. Hindi ko ipaparamdam sakanya yan." wala sa sariling nasabi ko. Natahimik naman si Hana lalo na ako. Ayaw mag side comment ni Hana kasi simula pa lang ay sinabihan ko na sila ni Arvid na walang mag oopen tungkol sa nangyari dati. Pero mukhang ngayon ay ako pa ang nag open. Napabuntong hininga na lang ako. "N-nabisita mo na sya Ma'am Desiree?" nag aalangan nyang tanong. "Oo. Kahapon pa." yon lang ang sinabi ko. Mabuti naman ay hindi na nag tanong pa si Hana. "Anyway meron ka ng date next week ma'am? Balita ko hindi lang mga bigating celebrity ang imbitado ah. Senators, kilalang tao and mayayamang business man ay imbitado." Kaya pala ang ganda ng gown na susuotin ko. Pinag handaan talaga ni Drea. Dumiretso na kami sa parking lot. Ako ang nag drive kaya hinatid ko na sya sa condo nya. "Mag ingat ka Ma'am Desiree! Salamat ulit" nakangiti si Hana na kumakaway saakin. Ngumiti lang ako ng tipid saka bumisina saglit bago pinaandar na pauwi sa condo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD