Hanna Mae Rivales
Nag second look pa ako sa mirror para makita kung tama na iyong make up ko. Napangisi ako ng nag mature ang mukha ko sa ginawa ng make up artist na dinala ni cupcake ko. Ngumisi ako. Inlove na naman saakin iyong loko na iyon.
"Kung nag artista ka ma'am baka mapantayan mo na sina Sir Arvid nako!" sabi ng bakla.
"Hindi na kailangan. Okay na ako sa buhay ko. Masyado magulo ang mundo ng showbiz sis!"
Nag side view pa ako para makita ang na-emphasized na panga ko. Ngumiti muna ako bago tumayo at sinuot ang gown. This is my first time to attend a Magic Ball! Medyo kinakabahan pero mabuti pa nga si Ma'am Desiree ilang beses na kaya hindi na kabado sa mga click ng mga camera.
Parang dati.. umiling ako. Kailangan na kalimutan ang mga nangyari nung nakaraan.
Napalingon kami sa nag bukas ng pintuan. Pumasok doon ang pinakagwapong nilalang sa buhay ko. Ngumiti sya ng makita ako. Kilig pa rin ako hah.
"Can I have a little moment with my Queen?"
Namula naman yong bakla saka pumalakpak "Nako Sir Arvid! Sure! Sayong sayo muna po ang magandang dilag na ito" ngumisi muna yong bakla saka nag lakad na palabas.
Tumawa ako ng lumapit sya saakin at tinitigan ako ng mabuti. "Ganda ko no?"
He chuckled "Matagal na."
"Eh bakit pakipot ka pa nung college tayo hah? Pinag mukha pa akong baliw na baliw sayo!"
"Baliw na baliw ka naman talaga saakin ah?"
Ito kamo! Masyado ako nilalaglag!
Humawak sya sa bewang ko. Siningkitan ko naman sya ng mata "Your hands mister!"
Tumaas ang kilay nya "Is it bad? We're couple, its normal babe."
"Masisira gown ko eh!" ngumuso ako. Umiling iling lang sya. Ngumisi ako saka pinag masdan ang kabuoan nya. Ang gwapo nya talaga. Ang bango pa nya. Parang hindi na kailangan maligo!
"Anyway susunduin pa ba natin si Ma'am Desiree?"
"No. May date na sya."
Kinagat ko ang labi ko "Another man?"
Tahimik ito tumango, nanahimik na rin ako. Kahit gusto namin pigilan si Ma'am Desiree sa ginagawa nya ay hindi namin kaya. Sa 5 taon na kasama namin sya, naiintindihan namin sya bakit sya naging ganon. Bakit bigla na lang sya nag iba. She suffered too much.. at walang nakakaalam iyon.
"Nakausap mo na ba si Sir Evan?"
Umiling sya "Not yet. Sa limang taon na pag tatangka kong kausapin si Evan hindi matuloy tuloy. Parang ang hirap nya kausapin ngayon. Palaging may bantay. Bodyguards to be specific."
Tumango tango ako. Totoo ang sinabi nya. Parang bula na bigla nawala at nag bago ang lahat. From Ma'am Desiree na sobrang hinhin at bait ay ngayon parang inborn na naging party girl and playgirl. Si Sir Evan naman parang mas naging seryoso pag katapos makasal kay Ma'am Tania. Ang alam ko ay namatay ang Ama nito pero ilang buwan pa lang ay nag pakasal na kay Ma'am Tania then ayon mga nangyari. Wala na kami ibang marinig about sakanya kundi business hanggang sa sya na ngayon ang pinaka maunlad at sikat na business man sa buong mundo.
Hindi ko mapigilan malungkot. Bakit ang unfair ng mundo? May mga tao ba talagang pinag tatagpo pero hindi talaga tinadhana?
"Hey babe.. bakit ang lalim ng iniisip mo." hinapit nya ako sa bewang.
I sighed "Nanghihinayang lang ako kina Ma'am Desiree and Sir Evan. I was there when they slowly achieving their happy ending. But it turns out.." hindi ko na natuloy niyakap na lang ako ni Arvid.
"Sshh. I know. We know. Ramdam natin na meron pa. Kaya nga tinutulungan natin si Desiree diba?" he looked at me.
Tumango ako. Sa totoo lang. Unang taon pa lang ay nag plaplano na kami na kausapin si Sir Evan para kausapin si Ma'am Desiree. I know napaka impossible na mangyari pero gusto naming mag kabalikan na sila. Kahit may asawa na si Sir Evan. At sa tingin namin iyong asawa ni Sir Evan na si Ma'am Tania ang humaharang saamin palagi.
Desiree Larrson
"Ronnie right?" I asked the man beside me. Tumango lang sya at tahimik na nag phone. Napaismid naman ako. Ibang iba ang nakuha ni Drea na partner saakin ah. Sobrang tahimik.
Sumilip na lang ako sa bintana at pinanuod ang mga tao na nag lalakad. Papunta na kami sa hotel na pang nyanyarihan ng Magic Ball. Hindi ko naman na in-check kung anong hotel ito pero ang usapan ay sikat at malaking hotel ito.
"Kailangan pa ba kita hawakan sa bewang mamaya?" biglang sabi ng partner ko.
Kumunot ang nuo ko sa liningon sya "Baguhan ka lang ba?"
He just shrugged his shoulder and looked at me.. bored. Gusto ko na tawagan si Drea sa kinuha nyang partner. Oo sobrang gwapo nga pero bakit ganito? Hindi ako nakakita ng pag mangha ng makita nya ako ang partner nya unlike my previous partner na nag papicture pa saakin.
I blow my bangs "Saan ka ba nakuha ni Drea?"
"Drea? Seriously nag audition lang ako. Tinawagan ako I thought nakapasok ako pero hindi. Tinawagan lang ako para i-partner sa isang artista for Magic Ball. And its you." mahabang paliwanag nya pero ganon pa rin sya. Parang bored na bored sa buhay.
Umirap na lang ako sa hangin. I understand, baguhan lang sya.
"Yeah. Since partner tayo we should act like a couple."
Kumunot ang nuo nito "That's disgusting."
"What?"
"You're not Stella, so why should I treat you like what I want to treat Stella so much?"
Mas lalo ako naguluhan sa sinabi nya. May pumasok sa isipan ko.
"Are you one of her fan?"
Umiling ito "Not just her fan."
Napa-facepalm ako. O Drea kailangan mo mag paliwanag saakin bakit ganito ang nakuha mo.
"Pero maganda ka naman kaya okay na."
Bumuga na lang ako ng hangin saka nginisian sya. I gave my killer smile. Pero walang talab sakanya dahil lumabas na sya at umikot para pag bugsan ako. Sana lahat ng lalake ganyan kay Ronnie. Faithful. Napailing iling na lang ako sa naisip.
Tinanggap ko ang kamay na binigay ni Ronnie at ngumiti ng matamis sa mga camera at news caster na nag aabang. Nasa gilid lang sila ng red carpet kaya hindi sila nakalapit saakin.
"You look gorgeous with your gown Ree! Bagay kayo ng partner mo today. Is it your new boyfriend?" tanong ng isag newscaster.
Nakahawak si Ronnie sa bewang ko. Matangkad sya at malaki ang pangangatawan kaya kahit naka heels ako ay mas matangkad pa rin sya saakin. Ngumiti ako ng matamis.
"Yes."
Sa sinabi ko ay nag kagulo ang marami at mas lalo dumami ang nag click ng camera nila. Suminghap din si Ronnie sa gilid ko. Ngumiti lang ako sakanila bago naglakad na papasok. Marami pa ako naririnig ma tanong pero hindi ko na binalikan pa.
"Ree how about Joaquin?"
"Ree totoo bang nag sigawan kayo ni Joaquin last week?"
"Ree panakip butas ba yang kasama mo?"
Bahala kayo mag isip kung ano ang sagot. Bago kami makapasok ay may pinasuot saamin ng bracelet. Hindi na kami nag tanong pa kung para saan iyon. Nang makapasok na kami sa loob ay nawala na ang mga maiingay.
"Hindi mo dapat sinabi yon." mariin na sabi ni Ronnie.
Hinarap ko sya "Welcome to the world where fake news are the best!"
Bumuntong hininga na lang ito. May lumapit saamin na dalawang matanda. Ngumiti ako agad ng makita na yong President at Vice President iyon ng channel na pinag tratrabahuhan ko.
"Good evening Ma'am and Sir. You two are gorgeous with your clothes"
"You're more gorgeous Ree." ani ng President na lalake. Hindi ko pinansin ang tingin nito na may laman.
Ngumiti naman ng malapat ang Vice President namin na babae "Thank you Ree. Oh your new boyfriend?" tanong nito sa katabi ko.
Tumikhim si Ronnie at naglahad ng kamay. "It's my pleasure to you Ma'am and Sir. Ronnie Monsalvez.." pakilala nya.
"Monsalvez? Are you related to Mr. Luke Simeon Monsalvez. The famous Attorney?" tanong ni President.
Ngumiti si Ronnie saka umiling "I don't know him Sir."
Tumango ang mga ito, may tumawag sakanila kay nag-excuse sila saglit saamin.
Agad ko nakita sina Arvid at Hana na nakangiti sa gawi namin. Kumaway si Hana saka lumapit saamin. Lumingon sya kay Ronnie saka nginitian. Tumikhim naman si Arvid saka pinulupot ang kamay sa bewang ng girlfriend. Possesive hah.
"Hi! I'm Hana. Friend ni Ma'am Desiree." lahad kamay ni Hana kay Ronnie.
Tinanggap naman ito ni Ronnie "Ronnie Monsalvez.."
"Arvid Hurrent Demarent. Hana's girlfriend." sabat naman ni Arvid na kinataas ko ng kilay.
Arvid didn't know that this man is solid faithful to Stella.
"Monsalvez? The famous Attorney?" manghang sabi ni Hana.
Ngumiti lang ng tipid si Ronnie saka nag iba ng topic "Shall we go now to our table ladies?"
Ngumiti ng malapad si Hana bago kinawit ang braso kay Arvid na masama na ang timpla sa mukha. O cmon Hana. Nag seselos boyfriend mo!
"Oh yes. Halika n—"
"Mauna na kayo. May pupuntahan lang kami ni Hana." sabi ni Arvid.
"H-huh?" nagtataka tumingala si Hana kay Arvid. Hindi na sya sinagot pa ni Arvid at hinila na sya nito.
Nag kibit balikat na lang ako "He's also a Attorney." tukoy ko kay Arvid.
Hindi pa nag komento si Ronnie dahil parang wala lang naman sakanya iyon. Nag lakad na kami sa table namin. Habang nakaupo ay panay ang ikot ng tingin ni Ronnie. May hinahanap. Hinayaan ko na lang.
"Ree!"
Napalingon ako sa tumawag saakin. Nakita ko iyong ka- co model ko na lumalapit saakin.
"Emma.." bati ko pag lapit nya. Nakipag beso beso sya saakin.
"How are you? Balita ko wala na kayo ni Joquin ah?"
Si Emma yong tipo ng model na friendly pero plastic. Matagal ko ng alam na naging ex nito si Joquin. Pero wala naman akong pakialam dahil umpisa naman hindi ko sya kaibigan. Maganda sya. Bumagay sakanya ang black na black nyang short hair na binagayan pa ng red lipstick nya.
Tumango ako saka uminom ng wine sa harapan ko. Ngumisi naman sya ng malapad. If I'm not mistaken hindi pa ito nakakamove on kay Joaquin. Kaya nakikipag close saakin dahil gusto sumagap ng balita. Umirap na lang ako ng palihim. Kilala ko na ang mga taong ganyan.
"Aww sad! Sayang bagay na bagay pa naman kayo.." pinalungkot nya pa ang mukha nya. Bigla naman sya napalingon sa lalakeng katabi ko. Tumaas ang kilay nito saka napa- oh ang bibig.
"Your new?" tanong nya sakin hindi matanggal ang titig kay Ronnie.
"Yeah. Why?"
Kinagat nito ang labi habang nakatingin pa rin kay Ronnie. Namangha siguro kay Ronnie. Well sorry girl pero taken na yan sa sariling panaginip nya. Mukhang napansin kami ni Ronnie kaya kunot nuo ito lumingon kay Emma na kinapula ng pisngi nya. Hindi naman nag stay ang tingin ni Ronnie sakanya saka bumaling sakin, lumapit at bumulong.
"May pupuntahan lang ako sa kabilang table." paalam nya.
"Okay go." sabi ko naman.
Tumayo ito sa pag kakaupo. Nakita ko si Emma na halos mapanganga ng makita nya ang kabuuan ni Ronnie.
"Excuse me, ladies" paalam nya at umalis na.
"Wow! He's damn handsome! Bakit ang galing mo mamingwit Ree?"
Tinitigan ko sya saka ngumiti "That's life."
Mabuti naman ay umalis na ito kaya na-solo ko na ang table ko. Marami naman akong kakilala dito pero hindi ako masyado nakikipag socialize. I'll just wait for them na makalapit saakin.
Napalingon ako sa pag balik ng dalawang mag kasintahan. Namumula ang mag kabilang pisngi ni Hana habang medyo magulo ang buhok ni Arvid. Gusto ko mag salita pero pinigilan ko na lang ang sarili.
"Where's Ronnie?" tanong ni Arvid pag kaupo.
"Nag punta sa ibang table. May kinausap. Bakit natagalan kayo?"
Liningon ko si Hana na namumula lalo na nag iwas ng tingin. Si Arvid naman ay tumaas lang ang sulok ng labi. Tuwang tuwa na pinapanood si Hana.
"Tinuruan ko lang ng leksyon."
"H-hoy Arvid!" sigaw ni Hana.
"Oh bakit hindi mo ako tinatawag na cupcake.. parang kanina panay tawag mo sakin.."
"Arvid!!!" hinugot na ni Hana yong buhok ni Arvid. Alam kong masakit iyon pero nakangisi pa rin si Arvid.
Napailing iling na lang ako. Pero hindi ko maiwasan na mapangiti.
"Good evening ladies and gentlemen. After some minutes, we will start our program." biglang sabi ng announcer sa gitna. Napahinto saglit ang mga taong nag uusap.
Natapos ang ilang minuto ay nag simula na ang program. Nakinig lamang kami. Pumalakpak sa mga speech. Marami pang ang nangyari bago in-announce na ang pwede mag sayaw ng kani-kanilang partner. Pero unlike ng dating Magic Ball. Meron itong twist.
"Ano kaya ang pasabog nila?" bulong ni Hana.
"Are you excited? We will let you dance your partner pero ang twist ay nakapatay ang ilaw. Kapag huminto ang tugtog ay kailangan nyo lumipat ng partner. Parang cotillion lang no? Ayaw nyo yon Bring Back Memories" biro ng announcer. Natawa naman ang ilan.
"What? Paano mo makikita itong next partner mo?" tanong ni Emma.
Natawa ang announcer "Oh yes I forgot. Yong bracelet na suot nyo na binigay sainyo kanina. Umiilaw yan kapag madilim. Red for ladies and Blue for gentlemen. Are you ready?"
Kaya pala may pa-bracelet pa silang binigay saamin kanina. It makes sense.
Suminghap ang marami ng biglang namatay ang ilaw. Pero naka kita naman kami ng mga kunting dots sa dancefloor. Pero kahit ganon ay hindi mo pa rin talaga makita yong kasama mo.
Nag play na sila ng tugtog. Narinig ko ang familiar na kanta na tumindig sa balahibo ko.
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when
I'm afraid to fall watching you stand alone..
"Can I have this dance with you?" narinig kong sabi ni Ronnie. Nakita ko ang umiilaw nyang kamay na nakalahad at umiilaw.
Hindi na ako sumagot pa at kinuha na ito. Nag punta na kami sa dancefloor. Sinabit ko agad ang kamay ko sa mag kabila nyang balikat at sya ay sa bewang ko. Nag sayaw kami ng marahan. Slow dance.
Pumikit ako kahit wala naman pinag bago ang dilim na nakikita ko kapag nakamulat. Feel ko lang pumikit ngayon at damhin ang peace sa napakadilim na paligid at sa napaka gandang kanta.
Biglang huminto ang tugtog hudyat na mag papalit na kami ng partner.
"Be careful Ree." bulong ni Ronnie saka napunta na sa iba.
Ako naman ay huminga ng malalim. Nakahinto lamang ako doon, nakatayo at nanunuod sa mga kulay ng red at blue bracelets na nag tatabi. It seems everybody already have a partner. And me.. nothing. But its alright.
Dahil tahimik pa ay nakarinig ako ng hakbang mula sa entrance.. palapit sa direksyon ko. Bigla na lang ako napahugot ng malalim na hininga. Bakit parang iba ang nararamdaman ko. Hindi ko sya makita o maaninag. Tanging yong blue bracelet lang nya ang nakikita ko.
Huminto sya sa harapan ko. I bit my lip. Saka tiningala sya kahit sobrang dilim. Alam kong matangkad sya. Dahan dahan ay tinaas ko ang kamay ko papunta sa balikat nya. Yun ang naging go signal nya para ilagay naman ang kanya sa bewang ko.
Napasinghap ako ng may naramdaman akong pamilyar na elektrisidad sa katawan ko. He's familiar, he's manly scent is so.. familiar. Napalunok ko. Tuloy ang kabog sa dibdib ko.
At natuloy ang tugtog na naudlot.
Evan Smith
"Are you sure you want to attend alone?" tanong ni Tania sa likod ko.
Seryoso akong nag aayos ng kurbata sa harap ng salamin. Hindi ko sya pinansin at nilagpasan na sya. Late na ako sa Magic Ball na dadaluan ko. I'm their guest. Kahit ayaw ko pumunta ay kinakailangan. It's still a business afterall.
"Evan pansinin mo naman ako.." narinig ko ang panginginig sa boses nya.
I sighed. "Yeah. Hindi ko tatapusin ang program. Uuwi din ako agad."
Bigla nagliwanag ang mukha nito at niyakap ako. "Thanks! Abot ka sa Anniversary Date natin ah?"
Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa kawalan. Kung sya itong kayakap ko baka kanina pa ako nakangiti. Pero hindi. I already lost my happiness from the day I married this woman.
"My bodyguards are watching you Evan." ani nya ng nag lalakad na ako paalis ng mansion.
Tumuloy na ako sa loob ng kotse. Hindi ako ang nag-d-drive. Hindi dahil ayaw ko, kundi ayaw nila.
5 years. My 5 years are like a hell for me. 5 years ako nakakulong sa isang kasal na hindi ko kaya matakasan. Sa kasal na hindi ko gusto. Sa limang taon na iyon marami ang nag bago.
Isa na doon ang plano namin nina Kael. Kalagitnaan ng buhay mag asawa namin ni Tania, pusigido akong mag hukay ng kanilang libingan. Calvin and Ashton digs information about Bernard Rosveille and their dirty business. Malapit na kami matapos. Malapit na ako makawala. Pero sa isang iglap ay nawala.
Nanganak si Tania. Parang biglang bula na nawala ang plano namin ng makita ko ang anak ko kay Tania ng niluwal nya ito. Binigay nya si Beatrice Klarisa.. my daughter. Parang nawala na lang ang plano ko ng makita ang anak ko. Umatras ako, pinatigil ko ang pag iimbistiga.
My daughter needs me. Kaya ang balak ko na sana wala pang isang taon na bumalik kay Desiree ay nawala. Maybe this is a sign na hindi kami ni Desiree para sa isa't isa that I should focus to my daughter. She's too young para ma-expose sa ganitong problema.
Kahit nagalit sakin sina Kael ay nirespeto nila ang desisyon ko.
Bernard Rosveille is an evil. Naalala ko ang sinabi nya saakin nung bininyagan si Beatrice.
"Subukan mo umalis at tumakas Evan. Hindi lang yong dati mong asawa ang mawawala sa mundong ito. Kundi ang anak mo.." he smiled evilness
"Are you still a human? Apo mo si Beatrice!"
"Apo ko sya. Kadugo ko sya. Pero may dugo mo din sya. It's easy to kill it." parang wala lang sakanyang sabi.
Hindi ko alam ano ang isasagot ko. Basta ang alam ko he's a heartless druglord! From that day hindi na ako nag tangka pa na mag plano para tumakas kasama si Beatrice and just accept the faith.. na hanggang dulo nakakulong na lang ako.
"We're here Sir Evan." sabi ng isang bodyguard ko.
Lumabas na ako. Kahit kalagitnaan na ng gabi ay marami pa ring mga camera man at newscaster na nag hihintay sa gilid ng red carpet. Muli silang nag kagulo ng makita ako.
"Mr. Smith! Mr. Smith we have some questions for you"
Ngumiti na lang ako at nag taas ng kamay. Hindi ko sila pinansin at lumapit na sa entrance.
"Good evening Mr. Smith! Please wear your bracelet" binigay nito saakin ang isang bracelet.
"Para po iyan sa mala-cotillion na nangyayari ngayon sa loob. Suotin nyo na po, baka makahabol pa kayo. Blue ang kulay ng sainyo at Red ang sa babae. This will be your guide for searching a partner. Enjoy!"
Tumango tango na lang ako saka sinuot na ito. Bumukas na ang pintuan. Dilim ang bumungad saakin. Napatingin ako sa bracelet ko na umilaw ng Blue. Tumaas ang isang kilay ko. Interesting huh.
Nag lakad na ako hanggang sa makapunta ako sa isa pang pinto. Binuksan ko ito at pumasok. Sinalubong ako ng katahimikan. Pero katulad ko ay marami akong nakitang bracelet na umiilaw. Red.. Blue..
Hanggang sa napako ang tingin ko sa harapan ko. Red bracelet. Hindi katulad ng iba ay nag sasanib na ang Red at Blue. Maybe she's partner. Humakbang ako palapit sakanya. Dahil tahimik ay narinig ko ang malalim nyang pag hinga. Nilagay na nya ang kamay nya sa balikat ko. Napahinto ako ng may naramdaman akong pamilyar. Hindi ko alam bakit tumitig lang ako sakanya kahit hindi ko kilala kung sino sya. Unti unti ko nilagay ang kamay ko sa bewang nya.
Napasinghap sya. Bago may nag play ng tugtog. Nag simula na kami mag sayaw habang sumusunod sa tugtog. Hindi ko alam bakit titig na titig ako sa babaeng nasa harapan ko.
Fuck Evan what happened to you? Ngayon na lang ata na nag kainteres ako sa isang babae.
Nag sayaw lang kami. Inikot ko pa sya. Kahit hindi namin makita ang isa't isa ay parang saulo namin ang bawat katawan namin. Parang may mali..
Until the light's on.
I met her eyes.. innocent eyes.