Hanna Mae Rivales Tinaas ni Beatrice ang gawa nyang artwork. Nag tanong kasi ako kung sino ang gusto mag share ng kanilang artwork sa harapan. Ngumiti ako at tinawag si Beatrice. Tumayo ito at nag punta sa gitna dala dala ang artwork na gawa. "Hello classmates! This is my artwork.." sabay pakita ng gawa nya. Tinuro nya ito. "My artwork theme is family!" Lumabi ito nang mabanggit ang word na 'family' parang may nag pipigil sa bata na ito ipag patuloy ang sinasabi. Pinagmasdan ko ang gawa nya. It's a simple art of family. Three people. Mother, Father and Her. Both holding hands with a big smile. "I made this because this is all I wanted in my life.." Alam ko na kahit guro lang ako ni Beatrice, hindi sya buo. Kulang sya sa pag mamahal, attention sa magulang. She's a sweet and bright