Desiree Larrson "Ree! Tingin dito!" sigaw ng photographer saakin. Bumaling ako atsaka ngumiti sa pag clicked ng camera. Pagkatapos, lumingon ako ulit sa pwesto ni Evan Smith. Medyo nawala ang ngisi sa labi ko nang makitang wala na sya doon. Winaksi ko ang iniisip atsaka nag focus sa pag pose sa harap. The important here is, his attention with me. Iba sa pakiramdam na pinapanood nya ako kanina. Nabubuhayan ako. Ilang pose at clicked pa ng camera bago nag break. Palakpak ng mga nanunuod kasama na si Drea doon, pagkatapos. May lumapit saakin at inabot ang roba. Kinuha ko ito at sinuot habang lumalapit kay Drea. "Very good bitch." si Drea atsaka humalukipkip "May one hour break ka before mag shoot again. Any plans?" I stopped from brushing my hair. "Mag gagala gala siguro dito. You?"