Point of view - Emily Dela Cruz - "Hoy! Ano bang ginagawa nyo sa kanya?" Nakatakip ang aking mga braso sa aking mukha habang nakaluhod sa isang putikan dito sa likod ng aming eskwelahan. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa dati kong buhay at pinarurusahan ako nang ganito. Simula no'ng ako ay bata pa, madalas akong pagtawanan ng aking mga kaeskwela dahil sa makaluma kong pananamit. Hanggang sa ako ay tumuntong sa sekondarya, ganito pa rin ang aking nararanasan. Matapunan ng maruming tubig, batohin ng mga kaeskwelang walang magawa sa buhay. Tanggalan ng upuan habang ako ay paupo pa lang. Ang nais ko lang naman ay makapag tapos ng pag-aaral. Pero bakit ganito ang nangyari sa akin? "Ayos ka lang ba?" narinig ko ang isang tinig ng babae sa aking harapan. Hanggang ngayon ay ramdam ko

