Point of view - Dave Montes - Pinagpatuloy ko ang aking pagsunod kay Emily. Kung minsan ay nagtatanong na siya at tila nagdududa sa aking mga kinikilos, ngunit kailangan kong ipagpatuloy ang aking ginagawa. Ang totoo, hindi ko alam kung ginagawa ko pa rin ito dahil sa hiling ni Kathleen o ginagawa ko ito dahil sa kagustuhan ng aking sarili. May kung ano sa aking damdamin ang nais kong alamin at maliwanagan. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang aking nararamdaman, dahil paunti-unti, tila may nagbabago sa aking damdamin na kailangan kong bigyang pansin. Nang tawagan ko si Emily kanina, ang sabi niya ay may nais siyang puntahan ngayong araw. Muli akong nagsabi sa kanya na nais kong sumama sa kung saan man siya pupunta. Noong una ay ayaw niyang pumayag, ngunit dahil sa ako ay map

