Point of view
- Kathleen Nicole Vergara –
Nanginginig ang aking katawan. Nanlalaki ang aking mga mata. Hindi ko magalaw ang aking paa at ang aking labi ay nanatiling nakabukas dahil sa bagay na hindi ko nais makita, ngunit patuloy kong minamasdan.
Halos mabaliw ako sa aking nasaksihan. Tila durog na durog ang buo kong pagkatao. Tila ang lahat ng masasayang alaala ay bigla na lang nawala at nalusaw, napalitan ng galit at sakit.
Hindi ko sinasadyang ihakbang paatras ang aking paa, dahilan upang makagawa ako ng ingay na kumuha sa atensyon ng dalawang taksil.
Unang napalingon sa akin si Emily na ngayo'y nanlalaki ang mata nang ako ay makitang nakatayo sa pinto. Sunod ang aking taksil na fiancé na tila pupungas-pungas ang mata.
Tuluyang bumukas ang pinto nang mabitawan ko ang kahon ng sapatos na hawak ko. Hindi ko na alam kung ilang butil ng luha ang nilabas ng aking mga mata habang tinitingnan ang hubad nilang katawan. At kahit nanginginig, pinilit kong sumigaw at ibukas ang aking bibig.
"Mga hayop kayo!"
Hindi ko napigilan ang aking sarili, mabilis akong lumapit sa kinaroroonan ni Emily. At namalayan ko na lang, lumipad na ang aking kamay sa kanyang mukha dahilan upang bumagsak siya sa sahig.
"Kathleen, tama na!" sigaw ni Dave na ngayo'y nakahawak sa aking magkabilang braso.
Marahas kong kinuha ang aking kamay at pinaulanan ng sampal ang mukha ng hayop na lalaking ito. Hindi ko alam kung ilang sampal ang ginawa ko sa kanya. Ang alam ko lang, nakahiga na siya sa kama at pilit tinatakpan ang kanyang mukha upang harangan ang mga sampal na pinauulan ko sa kanya.
Napansin ko naman sa gilid ng aking mata ang dahan-dahang paglakad ni Emily palabas ng kwarto habang nakatapis ang isang kumot sa kanyang katawan.
Mabilis kong tinapakan ang dulo ng kumot na nasa sahig, dahilan upang mapaupo siya. Saka ko hinablot ang kanyang buhok at sinabunutan ang malanding babae na ito. Nakapatong ako sa kanyang ibabaw habang pinauulanan ko siya ng sampal.
"Patawad, Kath. Patawad!" sunod-sunod na sigaw ni Emily.
Pero wala na akong pakialam.
Hanggang sa maramdam ko ang isang kamay na pumigil sa aking braso sa patuloy na p*******t kay Emily. Nang tingnan ko kung sino ito. Nakita ko si Dave na tila nahihilo pa, dahil nakahawak siya sa kanyang ulo at nakapikit ang isang mata na tila nasasaktan.
"Kathleen, maniwala ka. Wala akong alam dito," saad ni Dave na mas nakadurog sa aking puso.
"Walang alam? Wala kang alam na may nakapatong na babae sa’yo?" Tumayo ako upang magtama ang aming mga mata. "That's bullsh*t, Dave!" sigaw ko.
"Kathleen, please. Makinig ka naman!"
"No! Ayoko nang makinig sa kasinungalingan mo, sa kasinungalingan nyo!" sunod-sunod kong sigaw.
Padabog akong lumabas ng silid at mabilis na lumabas ng condo. Sumakay ako sa aking sasakyan. Hindi ko na napigilan ang damdamin na gustong-gusto nang sumigaw. Gustong-gustong magwala.
Niyuko ko ang aking ulo sa manubela, saka hinayaan ang sunod-sunod na luha na tila isang ilog na hindi ko alam kung hanggang saan mauubos.
Hindi ko na rin alam kung paano ako nakauwi. Ang alam ko lang, sunod-sunod akong tinatanong ni mommy kung ano ang nangyari, pero umiyak lang ako at dumiretso ng aking kwarto.
"Kathleen, what happen? Bakit ka umiiyak?" rinig kong tanong ni mommy habang kinakatok ang pinto.
"Mom, just leave me alone. Hayaan nyo po muna ako."
"Pero, Kath."
"Mom, Please!"
Tila naintindihan naman ni mommy ang gusto kong iparating.
Nanatili lang akong nakaupo sa aking kama habang nakayakap ang aking mga braso sa aking tuhod. Nakayuko lamang ang aking ulo sa mga ito at hinahayaan ang pagdaloy ng luha sa aking mata.
Napakasakit pala? napakasakit na mahuli mo ang taong mahal mo na may iba.
Bakit, Dave? Kating-kati ka na ba? Hindi mo na ba mahintay ang kasal natin? Bakit sa dinami-rami ng tao, bakit best friend ko pa? Bakit?
Hindi ko na alam at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kaiiyak. Nang imulat ko ang aking mata, nasulyapan ko ang singsing sa aking daliri. Nagsimula na namang bumigat ang aking balikat. Muli na namang bumalik sa aking dibdib ang sakit ng aking nakita.
Mabilis kong tinanggal ang aking singsing at binato sa kung saan, saka sinubsob ang aking mukha sa puti kong unan.
Sunod-sunod ang tunog ng aking cell phone at ang mga mensahe ay galing kay Emily at Dave.
Ang mga hayop, hinding hindi ko hahayaang mapaikot na naman nila ako. Kailan pa nila ako niloloko? Kailan pa?
Kinuha ko ang aking cell phone saka ito binato, dahilan upang mabasag at mamatay ang cell phone ko.
***
Ilang araw din ang nakalipas, nanatili lang ako sa loob ng kwarto. Nalaman na rin nila mommy at daddy ang nangyari sa amin ni Dave. Pina-blotter nila sina Emily at Dave sa loob ng subdivision upang hindi sila makalapit sa akin at sa aming pamilya. Ngunit para sa akin, hindi pa ito sapat.
Ilang buwan, araw at panahon ang lumipas. Kahit araw ng linggo ay hindi na ako sumasama sa pagsimba. Halos buong buhay ko ay nagbago. Pakiramdam ko, binagsakan ako ng langit at lupa. Pakiramdam ko namatay na rin ang aking puso.
Isang bagay lang ang nakapagpapakalma sa akin sa tuwing ako ay nasa loob ng silid. Ang awit ni Ford, ang boses niya ay tila isang lullaby sa aking tainga. Napakasarap sa pakiramdam sa tuwing naririnig ko ang boses niya, na tila niyayakap niya ako habang hinahagod ang aking ulo at sinasabing, magiging ayos din ang lahat. Pero kapag tapos na ang musika niya, lahat ng pait at alala ay nanunumbalik.
Dahil sa mga nangyari sa akin, nangamba ang aking mga magulang na tuluyan akong mauwi sa depression. Kaya naman, pinayuhan nila akong pumunta sa Australia at manatili muna sa aking lolo at lola. Nandoon din ang aking mga pinsan at ang gusto kong trabaho bilang fashion designer ay naghihintay rin sa akin doon.
Masaya ako dahil nais nila akong tulungan. At alam ko sa aking sarili na nais ko ring lumayo at makalimot. Kaya pumayag ako sa kanilang gusto.
Walang magagawa ang pagmumukmok ko. Walang magagawa ang mga luha ko. Hindi naman maitatama ang mali ng pag-iyak ko.
Tuluyan akong nawalan ng balita tungkol sa dalawang taksil. At hindi na rin nila ako kinukulit ng mga mensahe mula nang pumunta ako sa Sydney. Nanatiling tahimik ang aking buhay sa loob ng ilang buwan.
Ngunit hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan. Dahil hanggang ngayon, patuloy ko pa rin tinitingnan ang f*******: ng dati kong nobyo na si Dave.
***
Lumipas ang tatlong taon, masaya ako sa buhay ko rito sa Sydney. Pero hindi ko maipagkakaila na may kulang pa rin sa aking puso.
Upang maibsan ang aking kalungkutan, madalas akong bumili ng dalawang kape at kung ano-ano pang bagay na para sa couple. Pinopost ko ito sa aking social media account upang makita ng Ex ko na mayroon na akong bagong nobyo. Kahit ang totoo, imagination ko lang ito. Defense mechanism ng aking sarili.
Alam kong para akong baliw, dahil tatlong taon ko na itong ginagawa. Pero kasi, ang sakit pa rin e. Kahit matagal na, masakit pa rin.
Kinuha ko ang aking cell phone at nagtingin sa Newsfeed ko. Nag-log out ako at pinasok ang dummy account ko upang makita ang update sa dati kong nobyo.
Para akong shunga, 'di ba? parang niloloko ko lang ang sarili ko, Mahal ko e.
Ngunit nanlaki ang aking mga mata nang makita ang wall ni Dave at ang picture na naka-tag sa kanya. Bumigat at muling nadurog ang aking puso nang makita ang announcement nina Emily at Dave para sa kanilang engagement.
Ito ang gusto ko, 'di ba? Sadista yata talaga ako.
Dahil sa inis at sakit na aking naramdaman, kahit alam kong baka hindi naman nila tinitingnan ang wall ko.
Wala sa isip na nag-post ako sa aking f*******: account ng wedding ring na may caption na "Happily Married."
Ang sarap sa pakiramdam nang ma-post ko ang bagay na iyon, pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag. Ngunit bigla na naman akong kinabahan nang sunod-sunod na tumawag sina mommy at daddy.
"H-Hello, mom?" pautal kong sabi.
"Sino 'yang lalaking yan? Bakit hindi mo pinakikilala?"
"W-Wait, magpapaliwanag ako."
Ngunit sunod-sunod ang talak ni mommy, kaya naman hindi na ako nakasagot. At habang kausap ko siya sa telepono. Nakita ko ang notification ng comment sa post ko.
Nag-iwan ng isang komento si Dave rito, saying.
Congratulations, Kathleen. I hope to meet your husband, soon.
Ikinalaki ito ng aking mata, pati ang buong angkan ng aking pamilya ay nais makilala ang imaginary kong asawa.
The f*ck, saan ako kukuha ng aasawahin? May nabibilhan ba no'n? Kung mayroon, please tell me now!