Point of view
- Raven Beringer –
"So, RnJ is an underground business?" saad ko sa isang lalaki na nakaupo sa aking harapan.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sumama ako sa crew na nakausap ko kanina. At sa tingin ko, pinagsisisihan ko ang aking ginawa. Akala ko ay may makukuha akong sagot kapag sumunod ako sa kanya.
Nandito kami ngayon sa tinatawag nilang head office at kausap ang lalaking sa tingin ko'y may-ari ng kalokohang business na RnJ Services.
"Maybe yes, maybe not," tugon sa akin nito.
Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya. Halatang may pagka-tricky ang ugali, may hawig din siya roon sa lalaking nakaiwan ng calling card sa may baywalk, iyong lalaki na may pulang bandana.
"By the way, just to give you a brief summary about our business — RnJ services is a husband for hire business. It caters to the needs or requests of highly financially capable woman —"
"Okay, gets ko na," pagputol ko sa kanyang sinasabi. "To cut the story short, nagpaparenta kayo ng mga lalaki sa mga desperadang babae na kaya at handang magbayad, am I correct?"
"Precisely."
"Ano namang pakialam ko roon?"
"Simple, you need us."
"For what?"
"I know everything about you, Raven."
Napalunok ako nang mariin nang banggitin niya ang aking pangalan.
Teka, sinabi ko ba ang pangalan ko sa kanya? Okay, this is creepy.
"How did you know my name?"
"Pwede bang patapusin mo muna ako sa pagsasalita?" aniya.
Natahimik ako nang makita kong magseryoso ang kanyang mukha. Parang may kung ano sa kanya ang biglang nagpapasunod sa akin.
Sinandal ko ang aking likod sa malambot na upuan upang ma-relax ang isip ko, saka ako nakinig sa kanya.
"I am the owner of RnJ Services, Ricardo is the name. We offer big investment na kailangan ng lumulubog nyong kompanya."
"Pati iyan, alam mo? stalker ka ba?"
"Fifty million dollars. Take it or leave it?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sinabi niya ang halagang iyon. Isang malaking halaga na talagang makatutulong sa akin.
"You're going to invest a big money?"
"Yes, but it is not for free. Be a husband for hire to earn that money. Siyempre hindi ako mag-iinvest kung walang kapalit, hindi ba?"
"Bakit ako? How did you know about me?"
"Its simply because, I saw you struggling. I want to give you a hand." Saka siya nagbigay ng mapanglokong ngiti.
Hindi ko maisip ang salitang husband for hire sa akin. Ako? aarkilahin bilang husbando? isipin ko pa lang, kinikilabutan na ako.
"What if I was hired by an old woman?"
"It's part of your job, wala kang karapatang tumanggi sa kliyente." Kinuha niya ang baso ng alak na nakapatong sa lamesa, saka nilagok ang laman nito. "Anyway, I'm not forcing you to accept my offer. Kung ayaw mo, you can step out of my office."
Marahas akong tumayo at padabog na kinuha ang jacket na nakasabit sa aking upuan. Sinimulan kong maglakad patungo sa pinto ngunit bago pa man ako umalis, muli akong tumingin sa kinaroroonan ni Ricardo.
"Baka mas malaking halaga pa ang makuha ko kung isusuplong ko kayo sa pulis dahil sa illegal nyong gawain," saad ko sa kanya saka ngumiti.
"Then go on, give it a try."
Nakakakilabot ang tingin niyang iyon. Hindi naman siya multo o halimaw, hindi ba?
Bago pa ako mabaliw kaiisip, mabilis akong lumabas sa kanilang gusali at nagtungo sa parking lot.
***
Nang ako ay makarating sa aking opisina, hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa isip ko ang RnJ, para siyang multo na biglang sumusulpot sa utak ko. Dahil ba sa fifty million dollars na sinasabi niya? Imposimble, napaka-imposible naman no'n.
Inayos ko ang aking pagkakaupo sa leather chair, saka nilapat ang aking mga daliri sa laptop na nakapatong sa aking table.
Sinimulan kong mag-type at i-search ang pangalan ni Ricardo. And to my surprise, nanlaki ang aking mata nang makita ang mga business niya. O masasabi kong front business niya bukod sa RnJ Services na nagpapa-arkila ng mga lalaki.
Isa ang Blue Marlin Restaurant sa pag-aari niya, ang Hermes Hotel, Hercules Sparadise, Strings of Faith Dating Agency, Viajero Travel and Tours, Café Viaje del Cielo, and La Diva Art Gallery.
Madalas ko nang marinig ang mga ito pero hindi ko akalain na si Ricardo pala ang may-ari. No wonder malakas ang loob niya na mag-offer ng ganoon kalaking halaga.
Kaya pala hindi siya natatakot na isuplong ko siya sa pulis dahil isang malaking pader pala ang babanggain ko.
"Sir Raven, kailangan nyo po itong makita."
Naputol ang aking mga iniisip nang biglang bumukas ang pinto. Mabuti na lang at mabilis ang aking kamay at nailipat ko agad ang naka-flash sa screen ng laptop ko.
"Didn't I tell you to knock before you enter my office?" iritable kong saad sa aking assistant.
"Sorry, sir. Kasi po, isa-isa nang nag-reresign ang mga empleyado natin. Isa-isa na rin pong nag-pupull-out ang ating mga investor, I think dapat na po itong malaman ng inyong ama," sunod-sunod niyang paliwanag.
"No! Matanda na si daddy, baka makasama sa kalusugan niya kung mag-isip pa siya ng kung ano-ano."
"Pero, sir."
"Ako na ang bahala, I'll find a way."
Tila nababakas sa mukha ng aking assistant ang pagkabagabag. Alam ko dahil ramdam ko rin sa aking sarili.
"Noted po, sir. May tiwala po ako sa inyo. Pero if ever, worst case scenario, magpapaalam na rin po ako sa inyo kung papayagan nyo akong... mag-resign." Nanlaki ang aking mata sa sinabi ng aking assistant. "Sir, alam ko pong matagal na akong nagsisilbi sa kompanyang ito, pero mayroon po akong asawa't anak. Kailangan ko po ng traba-"
"Walang mawawalan ng trabaho. 'wag kang mag-alala."
"Yes, sir."
Matapos niyang yumuko, lumabas na siya sa aking opisina.
Malalim akong napabuntong hininga. Pakiramdam ko ay bitbit ko ang buong problema ng mga empleyado. Pakiramdam ko ay kargo ng aking konsensya ang kinabukasan nila, pati na rin ang kompanya.
Anong malas ba talaga ang nakakabit sa akin? Una ang career ko, ngayon naman ang kompanya ng daddy ko.
Napahilamos ako ng aking mukha dahil sa inis na nadarama ko. Sinandal ko ang aking ulo sa headrest ng leather chair. Hindi ko na alam ang gagawin, nawawalan na ako ng ideya.
Napatingin ako sa paligid ng aking opisina at naalala ang lahat ng paghihirap na ginawa namin ng aking ama upang maitaguyod ang kompanya na ito. At ngayon, nalalapit na ang paglubog nito.
Sa pag-ikot ng aking tingin, hindi sinasadyang tumama ang aking mata sa screen ng aking laptop at nasulyapan ang bagay na nasa search bar kanina.
RnJ services, husband for hire?
Mabilis kong iniling ang aking ulo upang mawala ito sa isip ko.
Hindi ako magbababa ng pride para sa isang nakakadiring trabaho... Pero para sa mga empleyado ko at sa kompanyang ito, susubukan ko, susubukan kong maging arkiladong husbando.
***
Kinaumagahan, mabilis akong nagtungo sa opisina ng RnJ. Hindi ko akalain na lahat ng sinabi ko ay bigla kong kakainin, hindi ko lang kinain, nilunok ko pa.
Agad kong nakausap ang babae sa front desk at agad kong hinanap si Ricardo. Mabuti na lang at nandoon siya, tila inaasahan niyang babalik ako.
Sumakay ako sa elevator at nagtungo sa kanyang opisina. Nang buksan ko ang malaking pinto, agad ko siyang nakita na nakaupo sa malaking leather chair na may malaking glass table sa harapan.
Marahan akong naglakad patungo sa direksyon niya, at sa bawat paghakbang ng aking paa. Tila naririnig kong pinagtatawanan ako ng aking sarili dahil sa kalokohang papasukin ko.
Nang sa wakas ay makarating ako sa harapan niya, umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tapat ng glass table.
"So, what brought you here, Raven?"
"Let's get into business," tugon ko.
Ngumiti siya sa akin, saka ko nakita ang paggalaw ng kanyang kamay at may kung anong folder ang dinukot sa ilalim ng kanyang lamesa.
"Ito ang financial reports ng RnJ Services at draft ng kontrata. Kung sakaling gusto mong basahin."
Kinuha ko ito, tiningnan, at mabusising sinuri, totoo nga, malaki ang kinikita ng RnJ Services. Maganda ang records nila. At kung tungkol naman sa pagiging husbando, masasabi kong mahigpit sila.
Akala ko ay basta lang na husband for hire ang trabaho na ito, 'yong tipong kahit anong gustong gawin ng kliyente ay maaari nilang gawin sa husbando, pero mali ako, protektado ang kanilang mga empleyado at masasabi kong ayos ako roon.
Bawal ang s*x and romantic feelings towards your client.
Madali lang ito para sa akin, dahil wala naman akong hilig sa babae.
New identity ang ibibigay sa akin. At dapat mananatiling sikreto ang totoo kong pagkatao, pati na rin ang lahat ng impormasyon tungkol sa RnJ.
Okay, it's easy. Walang problema.
Sa lahat ng nakasaad sa kontrata ay ayos lang sa akin. Pati ang physical training, seduction process, at kung ano-ano pa, sa tingin ko ay kaya ko naman.
Bakit ba ganito ka-arte ang kontrata na ito?
"Are you done?" saad ni Ricardo habang nakatingin sa akin.
"Yes, and one more thing."
"What?"
"Investment lang ba ang kaya nyong i-offer?"
"Oh, I know what your thinking at alam kong itatanong mo iyan."
"What do you mean?" Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi.
This time may isang bagay siyang kinuha sa kanyang drawer at marahang nilapag sa lamesa.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang bagay na iyon, isa itong litrato at ang litratong iyon ay ako, ito ay ang mga panahong kumakanta pa ako sa entablado.
"This is you, right?" nakangiti niyang saad.
"Saan mo nakuha iyan at paano mo nalaman?"
"'Wag ka nang maraming tanong, Raven. Ngayon, para mas ganahan ka sa trabaho, I will offer your lost fame."
Mariin akong napalunok at alam kong nababakas sa mukha ko na naguguluhan na ako.
"Be our husband for hire in exchange of investment and fame. Babalik ka sa entablado at muling aawit, at the same time masasalba ang kompanyang iniingatan mo. Great offer, right?"
"Paano kung hindi ko magawa nang tama ang pagiging husbando?"
"Simple lang." Sumandal siya sa kanyang leather chair at prentong nakaupo rito. Pinag-intertwined niya ang kanyang mga daliri, pinatong sa kanyang binti, saka ngumiti nang tila may binabalak bago muling magsalita, "lahat ng bagay na pinirmahan mo ay mawawala. Investment, fame, everything and the worst, magbabayad ka ng penalty at danyos."
Sabi ko na nga ba, its a tricky offer at nais niya lang talagang mapasunod ako. Pero nandito na ako at hindi ko na kailangan pang umurong. Kung sa bagay, wala naman akong problema sa kontrata.
"Okay, sige. Magiging husband for hire ako."
"Good, then you're choosing a continuous contract, am I right?"
"Yes."
Matapos kong sabihin ang bagay na iyon, pinirmahan ko ang mga papeles na nasa aking harapan. In a span of time, sa tulong ng ibibigay niyang investment, makakakuha ako ng iba't ibang malalaking investor kapag muling tumaas ang aking kompanya. At kapag nagawa ko na iyon, kahit i-pull-out niya ang pera niya sa akin, natapalan ko na ang malaking kawalan na iyon. At least hindi ganoon kalaki ang danyos.
Napangiti ako sa aking sarili, para akong nakikipaglaro ng chess sa lalaking kaharap ko.
Matapos akong pumirma, kinuha na niya ang papeles at muling tiningnan ang bagay na pinirmahan ko, upang masuri ito. Matapos iyon ay sinarado na niya ang folder at muling bumalik sa akin ang kanyang atensyon.
"Since you have to hide your identity, mahihirapan tayo sa pagbabalik mo sa entablado bilang mang-aawit." Hinawakan niya ang kanyang baba na tila nag-iisip. "Hindi pwedeng malaman ng future client mo na isa kang singer. Do you have any suggestions kung paano ito mapagtatakpan?" sunod-sunod na saad ni Ricardo.
"Hindi naman kailangan ng mukha sa pagkanta, boses lang ay ayos na. I'm willing to wear mask on my performance."
"Nice suggestion, mysterious effect. I like it!"
Nakita ko ang paggalaw ng kamay ni Ricardo at isang pulang button ang pinindot niya sa kanyang tabi.
"Johnny, come here," utos niya.
Mayamaya pa, isang lalaking kalbo, matangkad, maputi, at tila isang corn star ang pumasok sa loob ng opisina ni Ricardo.
"He is Johnny, my best pal. He will tour you around and will guide you throughout your training process. You have to broaden your knowledge about RnJ," pagpapaliwanag ni Ricardo.
Nagpakita naman ako ng kawalang interest sa mga bagay na gusto niyang ipagawa. Ang nais ko lang ay pumasok na agad ang investment nila sa amin.
"So, kailan ma-cre-credit ang investment nyo sa Beringer Group of Companies?" pagtatanong ko.
"Easy, buddy. Wala ka pa ngang ginagawa." Nakaramdam naman ako ng pagkainis sa sinabi niya.
"Ipasa mo muna ang training mo at magkaroon ng license, saka natin pagusapan iyan."
At dahil alam ko namang wala akong magagawa. Tumayo na lang ako saka tiningnan ang lalaking kalbo.
"Johnny, right?" saad ko.
"Yes, nice to meet you."
Nilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan. Tiningnan ko lang ang palad niya saka binalik ang aking tingin sa kanyang mukha.
"Let's get this started, I don't want to waste my time," malamig kong tugon, saka naglakad palabas sa opisina ni Ricardo.