Awaken 16

1293 Words
AWAKEN 16 GUBAT, isang malawak na gubat ang nakikita ni Victoria sa kanyang ritual na ginawa, mababang d**o at nag tataasan na puno. Dugo, amoy dugo ang na aamoy niya sa gubat kong saan siya naka tayu, hindi siya pamilyar sa lugar kong na saan siya ngayun pero alam niyang isa sa mga gubat ito ng Illustra. Lumuhod siya at tinignan ang kulay pulang mansta sa mga dahon. Hindi ito katulad ng dugo nila, kong di isang dugo ng mortal. Tumayo muli siya, sinundan ang patak ng mga dugo sa dahon at may naamoy din siyang dugo ng hayop na humahalo sa dugo ng mortal. 'Pang linglang,' sabe ng kanyang isipan. Simula nang nalaman nilang may naka pasok na mortal sa Illustra, sunod-sunod na ang nakikita niyang bisyon tungkol sa mortal na yun kaya nasusubaybayana niyang nasa loob paren ito ng Illustra, at nararamdaman niyang may tumutulong sa mortal na naka pasok. Yun ang gusto niyang malaman, kong iisa lang ba ang tumulong o buong angkan ng isang aswang, pumasok din sa kanyang isipan ang pagtatanung kong sinung angkan naman ang sakaling tumulong para makapag tago ang mortal. Nag bago ang lugar at nakita naman niya ang kanyang sarili na naka tayu sa isang modernong mansyon. May usok na hanggang tuhod ang taas at napa sulyap siya sa pamilyar na mukha sa tabi, si Dylan. Ang alam niya matanda na ang lalaki ngunit bata pa ito, ibig sabihin dinala siya ng ritual niya sa nakaraan. Naka hinto ang mga ito at siya lamang ang gumagalaw. Hanggang sa kinumpas niya ang mga palad para mag si galaw ang bisyon. Nagtatalo ang mga ito tungkol sa naka taling kapalaran ng bata, na si Eulexis ngunit sanggol pa ito, nakita din niyang pinapa libutan ni Cherry, Astra na kanyang nanay at si Mari na mga bata pa ang itsura. 'Nagtatalo sila sa kapalaran ng bata?' Nag bagong muli ang bisyon na nakikita niya at alam niyang nasa nakaraan paren ito. Ka harap ng kanyang ina, dalawa pa nitong kasama ang hari, reyna ng Swiss at  pati na rin ang mag asawang Otis sa isang silid. "Dalawa ang magiging kapalaran ng anak ninyu Mr. At Mrs. Otis. Ang anak ninyung si Eulexis ay pipili sa dalawang kapalaran na naka tali sa kanya, isang mabuti at masama. Nasa sa kanya na kong mapupunta siya sa mabuti ngunit kahit na anung pili niya sa mabuti, mangyayare at mangyayare paren ang masama dahil pareho itong naka tali sa buhay niya." 'Hindi kaya ang binatang yun ang dahilan kong bakit may naka pasok na mortal dito? Pero ngayun ko lang nabasa ang bisyon para sa kanya.' Didilat na sana siya dahil alam niyang matatapos na ang ritual ngunit may apat na mukha ang nagpakita sa kanya, ang anak ng nila Cherry, Mari at ang iba nitong kaibigan na taga Swiss din. Mga mukha nilang galit na galit at gutom na gutom. Nakita pa niya ang isa na hinatak sa kamay ang mortal para tuluyang maka pasok ito sa harang. *** Dumilat si Victoria at nagmadaling lumabas sa silid. Naka salubong pa niya ang nag iisang anak na babae nila Mr. at Mrs. Swiss na lider ng kanilang angkan. Naka tirintas ang buo nitong buhok at naka suot ng long sleeve dress na kulay itim. Nag bigay galang siya sa tagapag mana ng Swiss pero alam niyang hindi ito mapapa sa kanya dahil nakikita rin niya ang kapalaran ng dalaga. May maamong mukha ang dalaga na nag ngangalang Ren Alen, "nagbabasa ka naman ng bisyon mo sa ritual?" Ngitung tanung ng dalaga sa kanya. Hindi pa sila nagkakaroon ng pag uusap ng matagal dahil ilag si Victoria sa ibang aswang lalo na sa nga matataas ang tungkulin o di kaya'y sa mga aswang na madalas niyang makitaan ng bisyon katulad ni Ren Alen. "Opo." "Alam kong nakikita mo ang bisyong tungkol sa akin, gusto ko sanang sabihin mo." Na gulat si Victoria ngunit hindi halata sa kanyang pormal na mukha. Ayaw niyang sinasabe ang bisyon sa iba maliban sa kanyang ina at sa dalawa nitong kaibigan. Kaya din ayaw niyang makipag kilala o makipag kaibigan kahit kaninu dahil sa kakausapin siya para sa mga bisyon na pa tungkol sa kanila. "Patawarin ninyu po ako pero may kailangan pa po akong puntahan, saka na lang po natin pag usapan ang bagay na yan." Nilagpasan na niya si Ren Alen na hindi man lang tinitignan ang mukha. Kumaliwa siya sa isang pasilyo at saka bumaba sa malaking hagdan. Tumungo siya sa pinaka unang palapag ng mansyon at saka pumasok sa isang silid. Sa silid na yun ay puno pa ng mga silid din at mga naka hilerang pinto. Huminto siya sa pang limang pintong nakita niya, saka ito binuksan at hindi na kumatok pa. Napa balikwas ng bangon ang binatang naka higa sa kama na may gulat na gulat na ekspresyun sa mukha nang basta lamang siya pumasok. Napa mura pa ito bago tuluyang nag salita, "anung ginagawa mo dito Victoria!?" "May hindi ka sa akin sinasabe Marty." "Eh anu naman kong ganun," sandaling napa isip at napa ngisi si Matry, "ah siguro nakita mo ako sa bisyon mo, sabe ko na nga at may gusto ka sa akin. Ayus lang naman yun sa akin, pero sorry hindi kita type, hindi ko type yung mga katulad mo. Weird." "Hindi ako nakikipag biruan sayu, Marty. Kong nakita man kita sa bisyon ko yun ay tungkol sa mortal." Na tahimik at naging seryoso ang mukha ng binata sa kanyang narinig. Isang bagay na tinatago na niya simula nung hindi na nila nakita si Eulexis at naging tahimik sila dahil alam nila kong sinu ang nagpapasok sa mortal na pinag hahanap. "Umalis kana dito," mariin na saad ng binata, saka umalis sa kama at tumayo. "Oo, aalis din ako dito, sasabihin sa mama mo at sa lider ng Swiss na ikaw ang dahilan." "Sige! Subukan mo, ganyan ka ba talaga. Isusugal mo ang sarili mong ka angkan dahil lang sa mali mong bisyon." "Anung sabe mo? Hindi mali ang bisyon ko at kahit na kailan hindi pa ako nagkamali. Ikaw ang dahilan kong bakit naka pasok ang mortal dito sa Illustra, kitang kita ko yung kamay mo at sabay kayung pumasok sa lagusan. Hindi pa ba sapat na ebidensya yung nakita ko." "Victoria, hindi lahat ng magaling sa mahika katulad mo, ritual o maka kita ng bisyon ay tama. Pwede yang magulo, may mas malinaw pang bagay o imahe ang kailangan mong pag tuunan para masabe mong tama." "Hindi pa ako nagkamali sa pag gawa ko ng ritual at mas lalong hindi pa ako nag ka mali sa nakita ko!" "Yun ang akala mo! Porket ba palagi kang mag isa para makita ang bagay ay magaling kana! Hindi tayu perpekto, kaya yang bisyon na tungkol sa akin ay mali. Mali! Marami pang bagay para masabe mong tama ang lahat ng nakikita mo, hindi ka sigurado." Natahimik ang dalawa, ngayun lang niya nalaman na komplikadong sabihin ang bagay na alam niya sa sangkot sa nakikita niyang bisyon sa mga ito. "Gusto mo ng maraming pruweba, pwes gagawa ako ng marami at alam kong lahat ng yun ay tungkol sayu. Kahit anak ka man ng isa sa mga council alam kong hindi ka nila papaboran dahil walang espesyal sa batas na meron tayu." Agad na lumabas si Victoria, na iwang tulala si Marty na naka tayu at naka tingin paren sa pinto kong saan naka tayu kanina si Victoria. Isa lang pumasok sa kanyang isipan, ang patayin si Victoria, kahit na pareho sila ng angkan, gusto rin niyang isama ang binatang si Eulexis at kong sinu pang makaka alam sa bagay na tinatago niya. Sa ngayun kailangan niyang maka usap ang mga kaibigan kong papabor sa kanyang gustong mangyare. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD