BLOOD 50
HINDI na muna pumasok si Edriana sa mga natitira pa niyang klase pagkatapos ng pangyayare na yun at nagdahilan na may sakit siya sa nurse para makapag tago siya sa clinic. Hindi na rin niya inisip na mag snack o mag lunch break, alam niyang hinahanap siya ng mga kaibigan hanggang mga oras na uwian na pala nila. Minabuti rin ni Edriana wala nang masyadobg estudyante pag umuwi siya, na isip niya na bukas na lamang siya magpakita sa mga kaibigan. Konh sakaling malaman ng magulang niya ang ginagawa niya ay malamang magagalit ang mga ito sa dalaga.
Nagpaalam na siya sa nurse at saka dahan-dahan na lumabas sa clinic. Naka luwag naman ang paghinga niya na walang tumawag sa kanyang pangalan na kahit na sinung ka kilala kong di ang mga bumabati lang na iilang estudyante. Naka rating din siya sa parking lot at nakita niyang naka tambay pa doon ang grupo ni Ian sa isang sports car na kulay blue. Kumabog ang dibdib niya lalo na't alam na niya ang mga katauhan ng mga ito. May iilan namang babaeng naka pansin sa kanya na binubuksan ang four by four na kotse niya.
Nagmadali siyang sumakay at pina andar ang kotse. Naka labas siya ng paaralan ng maayu hanggang sa makita niya na naka sunod na pala ang kotseng kulay asul sa kanya. Napa mura siya habang nagmamaneho habang pa silip-silip sa side mirror. "Bakit nila ako sinusundan? Papatayin na ba nila ako? Hindi toh pwede," bulong niya sa kanyang sarili. Gusto niyang pabilisin ang pag mamaneho ng kotse ngunit iba ang makina na meron ang kotseng dala niya kaya hindi ito maari. Tanging palagi niyang dinadaan pag nauwi siya ay ang daanan kong saan sa magkabilang gilid nito ay mga nagtataasang kakaibang hugis ng puno, malapit din doon ang isang bangin at dagat.
Napa sulyap muli siya sa side mirror, takang taka kong bakit nag bukas ang pinto sa likod ng kotse at lumabas doon ang halimaw na may pakpak na ngayun lamang niya nakita. Isa, lumabas pa ang isa, at isa pa hanggang sa lima nang halimaw na lumilipad sa ibabaw ng bulang asul. Biglang bumagal ang kotseng asul at umatras hanggang sa matirang lumulipad padin ang limang halimaw. Mga hubad ang mga ito at may mahahabang paa at kamay. Payat, kulay abo ang kulay ng katawan, isang pares ng pulang mata, nakaka diring mga ngipin at matatalas na kuko na animoy kutsilyo. Pinag papawisan na si Edriana ng malamig hanggang sa dambahin ng isa ang kotse ni Edriana. Malakas ang impact nito halos yumogyog ang kotse ng dalaga.
"Ahhhhhh! Tulonggggg!" Hanggang sa hindi na ito umaandar sa lupa kong di sa eri na. Pinag tulong-tulungan ng limang halimaw ang four by four hanggang sa ilipad ito sa tapat ng dagat. Lulang lula ang dalaga kong gaanu kataas siya ngayun. Hanggang sa bitawan na siya ng mga ito, dahan-dahan, animoy tumigil ang oras ni Edriana habang sigaw ng sigaw sa loob at iniisip kong anu ba ang nagawa niya habang pabagsak na siya sa tubig. Ang alam lang niya nag umpisa ito sa paghahanap ng isang binata sa kanyang palaso at nangyare na ang lahat ng yun na hindi niya inaasahan. Malakas ang impact ng kotse na animoy bumagsak din sa lupa na tanggal ang ibang maliit na parte nang dumikit ang kotse sa tubig.
Napa pikit si Edriana sa pagkakabagsak at agad na pinasok ang kotse niya ng tubig dahil bukas na bukas ang mga bintana nito. Agad siyang gumawa ng paraan at baka maisama siya sa pinaka ilalim ng dagat sa kotseng yun. Nagmadali siyang tinanggal ang seat belt at sinukbit ang bag sa likod. Ngunit ang problema hindi na din niya mabuksan ang pinto sa may driver seat. Pinipilit din niyang sipain habang nasa tubig at naglalabasan ang mga bula pagkumikilos siya. Ginawa din niyang lumusot sa bintana ngunit hindi rin siya kasya.
Napa isip siya, 'kong minamalas nga naman, dito na ba ako magtatapos?' Hanggang sa makita niyang nasa labas ng kotse, malapit sa unahang bahagi ng kotse si Kaden. Hindi niya alam kong paanu at kailan nalaman ng binata kong na saan siya pero paulit ulit siyang nagpapasalamat sa utak niya. Imbes na pagbuksan siya ng binata, isang suntok ang ginawa nito sa salamin na kina gulat niya dahil may c***k agad ang salamin. Manghang mangha siya kahit hirap na hirap na siya sa pagpigil sa paghinga ng ilang minuto at baka hindi na niya makaya pa.
Hanggang isa pang uling suntok ang ginawa ng binata na nakapag bigay uli ng mga c***k sa salamin at wala lang sa binata ang paghinga sa ilalim ng tubig habang ginagawa ang bagay na yun. Hanggang sa isang suntok uli ang ginawa ng binata at nasira na ng tuluyan ang salamin sa unahan ng kotse. Walang ano'y hinatak ni Kaden si Edriana para maka labas sa loob. Hinawakan ni Kaden ang dalaga sa bewang at siya mismo ang lumangoy sa kanilang dalawa.
Hinabol ni Edriana ang paghinga ng maka labas ang ulo nila sa tubig at lumangoy ng lumangoy ang binata hanggang sa makarating sila sa mabatonh lugar na malapit sa isang madilim na kweba. Napa higa doon sa panghihina si Edriana at walang pake alam kong anu ang mga tumutusok na matatalas na bato sa kanyang katawan. Ngunit ang binata ay napa lingon sa paligid at eri dahil biglang nawala ang limang halimaw na gumawa nun sa kanya, hanggang sa may mapansin si Kaden na may kakaiba sa hangin na alam niyang hindi yun maganda.
Agad niyang hinatak na naman patayu si Edriana, "t---eka anung ginagawa mo?"
"Hindi pa tapos, tumakbo ka sa gubat kase hinahanap ka nila."
"Huh?" Takang taka si Edriana sa pinag sasabe ni Kaden ngunit wala na siyang na papansin.
Hanggang sa may isang halimaw na may pakpak ang lumitaw ng di kalayuan sa kanila, "dalia na!" Animoy kontrolado ni Kaden ang katawan ni Edriana dahil sa isang utos pa lang nito ay agad itong tumakbo. Pina tamaan ni Kaden sa eri ang halimaw ngunit naka ilag ito, ginawa uli ni Kaden ngunit ganun uli ang nangyare. Inis na inis siyang nilabas ang boomerang galing sa bulsa at agad na hinihagis sa eri. Paikot ikot ito sa eri ang boomerang hanggang sa tumama ito sa paa ng halimaw at nalaglag sa tubig. Galit na galit ang halimaw at lumipad patungo kay Kaden. Yun na ang pagkakataon niya para tamaan ang halimaw hanggang sa tumagos ang palaso niya sa katawan nito at naging abo ang katawan nito.
Napa sulyap siya sa gubat kong saan pumasok si Edriana at agad na tumakbo para masundan ang dalaga. Takbo lang ng takbo si Edriana at pasikot sikot sa gubat dahil hindi niya kabisado ang lugar. Malakas na hangin ang dumaan sa ibabaw ni Edriana at lingid sa kanyang kaalaman sinusundan na siya ng isa mga ito. Tinabig ang kayang katawan ng halimaw gamit ang pakpak at nagpagulong gulong siya sa lupa. Pero kahit ganun ay agad siyang bumangon, sa mga oras na yun isa lang ang nasa isipan niya ang maka takas.
Napa sandal siya sa katawan ng punong malapit sa kanya at nakita ang pagbabagong anyo ng halimaw ng lumapag ang paa nito sa lupa. Wala itong kahit na anung saplot hanggang sa makilala niya ang babaeng ka harap na isa ito sa mga kasama ni Ian at ka schoolmate din pala niya. Bago pa man ito maka lapit sa kanya ay agad siyang kumaripas ng takbo ngunit mas mabilis ang aswang na kaharap niya kaya na harangan siya kong saan siya papunta at hinawakan ang leeg niya.
Unti-unti'y dumidiin ang pagkakasakal sa kanya hanggang sa maramdaman niyang wala na ang paa niya sa lupa. Hindi siya maka hinga, lalong bumibilis ang pintig ng pulso at dibdib niya. Sa bilis ng pangyayare ay agad siyang bumagsak sa lupa nang may isang palaso ang tumama sa ulo nito kaya siya nabitawan dahil abo na lamang ang halimaw na kanina'y kaharap niya. Nakita niyang si Kaden ay papalapit sa kanya ng may dalawang kamay ang sabay na humatak sa kanya para maka layu sa binata.
Hawak siya ngayun ng tatlo pang natitirang aswang at agad na hinanda ni Kaden ang sandata niya sa mga ito ngunit sa pagkakataon na yun kailangan niyang mag ingat para hindi masaktan ang dalagang mortal na hawak ng mga ito. Halos hindi maka hinga si Edriana dahil sa kaba at takot na hawak siya ng tatlong halimaw. Ang sama ng tingin ni Kaden sa tatlo at siya namang kina sisiyahan ng mga ito.
"Bitawan ninyu siya," seryosong sambit ni Kaden.
"Hoy bitawan daw natin ang mortal," sabe nung nasa kanan sa dalawang kasama at animoy biro ang sinabe ng binata na sabay nilang pinag tawanan. Wala ding saplot ang mga ito ngunit sa mga mukha si Kaden naka tingin.
"Hangal! Isang mortal ililigtas mo! Anu ka nasisiraan ng bait?" Saad ng nasa gitnang babae na siyang pinaka matangkad sa tatlo.
"Hindi ako nakikipag biruan."
"Bakit akala mo, nakikipag biruan din kami? Baliw hindi! Kong ako sayu sabay-sabay na lang natin kainin ang dalaga. Total pare-pareho lang tayu, kong gusto mo sa iyu sa ibang paraan alam muna." Aniya naman ng babae sa kaliwa ni Edriana.
"Anu?" Nangangatog na tanung ni Edriana ngunit hindi siya napansin ng mga ito.
"Kong ako sayu---" hindi na naka tapos ng sasabihin ang babae sa gitna at agad na naging abo dahil sa palaso ni Kaden na agad na tumagos sa ulo nito. Gulat na gulat ang dalawa at walang ano'y mabilis na lumapit kay Kaden. Parang hangin sa bilis at halos matumba si Edriana ng bigla siyang bitawan ng mga ito. Agad na nagtago si Edriana sa malaking puno sa likod niya at doon niya pina nood kong paanu makipag laban si Kaden sa dalawa pang halimaw.
Hindi nagpatalo si Kaden sinipa niya ang isa at agad na pinana naman ang isa sa sikmura katulad ng iba naging abo din ito. Mabilis na hinila ng natitirang aswang ang pana, palaso ni Kaden at tinapon sa kong saan. Walang nagawa si Kaden kong di gamitin ang buo niyang lakas sa kamay niya. Na unang umatake si Kaden kinuha niya ang kamay ng babaeng aswang at mabilis itong binali patalikod. Napa singhal sa sakit ang babaeng aswang wala na itong magawa kong di ang magpatalo kay Kaden, sa sobrang bilis ni Kaden halos hindi na kita pa ni Edriana ang ilan pang pangyayare hanggang sa wala nang malay ang aswang.
Kamuntik na ring magbago si Kaden habang nakikipag laban at agad na sumulyap kay Edriana na lumabas na pagkakatago. May isang bagay ang namuo sa dalaga ang pagkatakot kay Kaden sa mga oras na yun. "A---anu ka ba talaga?"
Lalapit sana si Kaden ng biglang umatras si Edriana at na iintindihan yun ng binata. "Aswang ako." Lalong kinabahan ang dalaga dahil silang dalawa na lamang ang natitira sa gitna ng gubat na yun.
"Katulad ka rin nila, kakainin mo rin ako?"
"Katulad nila akong halimaw peto hindi ko sila katulad na kakainin ang lamang loob ng katulad mong mortal."
"Bakit nila ako hinahabol?"
"Dahil gusto ka nilang patayin, sabe ko sayu papatayin nila kahit na sinung mortal ang maka alam sa sikreto nila." Dahan-dahan nawala ang takot ni Edriana sa binata at pinag mamasdan ang pagdampot sa mga palaso nitong ginamit kanina. Sandaling napa titig si Kaden kay Edriana at tuluyan na siyang lumapit. "Kailangan munang umuwi, ihahatid na kita."
Tumalikod ang binata at umupo sa harap ng binata. Takang taka naman si Edriana at na iisip na magpapahinga na muna ang binata. "Anung ginagawa mo?"
"Sakay."
"Huh?"
"Sabe ko sakay."
Sandaling nag isip si Edriana at kailangan niyang sumakay sa likod ni Kaden. Huminga muna siya malalim at saka sumakay sa likod ng binata. Yumakap siya mula sa likod at yinakap naman ng legs niya ang bewang ng binata.
Hanggang sa maka tayu si Kaden ng maayus, naramdaman niyang hinawakan siya ngayun ng binata sa legs na walang malisya sa binata ang ginagawa niya at inayus pa ng kaunti hanggang sa isang mabilis na hangin ang naramdaman niya. Napa yakap siya ng mahigpit dahil baka malagalag siya. Para sa kanya natalo pa ni Kaden ang mga mabibilis na bagay sa mundo.