BLOOD 49
BUMALIK na muna si Kaden sa Illustra pagkatapos ng pag uusap nila ni Edriana. Dahil hindi alam ng mga kamag anak niya kong maayus ba niyang nagagawa ang misyon at hindi alam ng mga kamag anak niya kong anu ba yung nangyayare sa kanya sa labas ng Illustra. Minabuti niyang hindi umuwi sa mansyon ng mga Otis at umuwi na lamang muna sa nipa hut niya. Ang alam niya walang nakaka alam sa lugar na yun, maliban na lang sa mga nakaka kilala sa kanya. Pero isang nakaka gulat na bisita ang nakita niya habang naglilibot sa labas ng nipa hut, na kahit malayu pa siya sa lugar na pupuntahan kitang kita na niya ang dalagang naghihintay sa kanya.
Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad hanggang sa maka harap niya ang bisita. Naka tali ang buhok nitong makapal at kulot sa likod. "Naka balik kana pala?" Walang ka emo-emosyun nitong mukha at boses para lamang siyang nanalamin. Animoy si Victoria ang besryun niya bilang babae. Sandali siyang kinabahan ngunit hindi niya pina halata, hindi man niya alam kong bakit na andoon ang dalaga, malaman naman niya kong mag uusap sila sandali. "Alam ba ng mga Otis na andito ka?"
"Hindi pa nila alam na naka uwi ako."
"Akala ko babalik ka lang dito kong tapos na ang misyon ninyu?"
"May kailangan lang akong kunin sa ngayun at babalik din ako sa labas." Papasok na sana si Kaden sa loob ng hawakan siya ni Victoria sa pulso nang mahigpit at nakita niyang nag bago ang kulay ng mata nito na puros itim anh makikita. "Victoria?" Pilit niyang inaalis ngunit hindi niya magawa lalo na't hindi rin niya pwedeng itulak ang dalaga.
Nagbago ang buong paligid ni Victoria simula ng hawakan niya ang pulso ng binata. Animoy dahan-dahan nalusaw ang mga bagay na naka paligid sa kanya hanggang sa isa-isang mabilis na lumabas naman ang sinaryo ng lahat na nangyare kay Kaden habang nasa labas ito ng Illustra. Ang pakikipag talo nito sa dalagang nagngangalang Edriana, ang pagkukunwaring estudyante at lalo na ang pagkawala ng binigay niyang palaso sa binata. Ang espesyal na palaso sa lahat, dahil binigyan niya ng buhay ang palaso na yun at kapangyarehan na hanapin kong sinu ba ang kailangan nilang mahanap sa labas.
Agad niyang binitawan ang pulso ng binata at agad na tumingin kay Kaden, "na saan na ang palaso? Alam mong kailangan mo yun na saan na ang palaso?" Hindi maka tingin ng diretso ang binata kay Victoria, ang alam ng lahat magaling at mahusay siya ngunit hindi pa pala. Kaya niya din magpakita sa mga kamag anak niya dahil alam niyang madidismaya lang ito sa kanya. "Sagutin mo ako, Kaden." Seryosong tono ni Victoria, "na saan ang palasong binigay ko sayu?"
Huminga ng malalim si Kaden bago sumagot dahil alam niyang wala nang dahilan para sa itago pa ang lahat lalo na sa kaharap niyang nakaka kita ng mga nangyayare. "Wala siya sa akin, nakuha siya ng isang mortal at hindi siya naniniwalang kailangan na kailangan ko ang palasong yun kaya hindi ko pa yun nababawi hanggang ngayun kaya hindi ko pa alam kong sinu ang lider nila."
Napa sapo na lamang si Victoria sa kanyang mukha gamit ang dalawang palad niya dahil isa lamang problemang narinig niya. Dahil napaka importante talaga ng palaso na yun sa lahat, kaya niya ginawa yun ay para mapatay ang lider ng mga aswang sa labas. Ang palaso na yun ay makapag turo kong sinu sa labas ang pinaka lider, dahil kong mapapatay ang lider, doon din mamamatay at mawawala ang iba pa nitong kasama. "Si Edriana ang kumuha noh."
Hindi na siya na gulat na marinig ang pangalan ng dalaga kay Victoria dahil kaya nitong makita ang lahat kong kina kailangan. "Oo," mahina siyang saad at tama lang para marinig ng dalagang kaharap.
"Alam na ba niya na aswang ka?"
"Sa totoo lang alam niyang may halimaw sa paaralan nila, mga napapansin niya at ako pero hindi niya alam kong anu ba yung tunay na mga tawag sa atin."
"Ang mga mortal talaga, mga sagabal." Bulong ni Victoria sa kanyang sarili. Sandali pa silang nagkausap na kahit paanu nababantayan ni Kaden ng maayus ang labas ng Illustra. Nang may isang bagay siyang naalala bago tuluyang bumalik sa labas.
"Pwede bang wag mong sabihin sa iba na nagkita at nagkausap tayu. Lalo na sa mga kapatid at magulang ko. Babalik na lang ako pagnatapos ko na ang lahat, basta mong sabihin sa kanila baka isipin nila na mahina ako, ayaw kong magbago ang pananaw nila pagdating sa akin."
Naiitindihan naman siya ni Victoria, "alam mo hindi naman kailangan na malakas pa sa kanila, minsan ang pagiging malakas ay yung kayang ipakita ang kahinaan mo sa lahat. Alam ko maiitindihan ka ng mga angkan mo, pero kong yun ang gusto mo hindi ko na muna sasabihin na nagkita tayu."
Gumaan ang pakiramdam ni Kaden at napa ngiti sa unang pagkakataon. "Salamat."
Aalis na sana si Kaden ng tawagin muli ang pangalan niya ni Victoria. Pangungusap na nagpatigil sa kanya, "alam kong sumali ka sa misyon na ito ay para makalimutan si Camille, pero alam kong tinuruturuan mong mawala na siya sayu at sana lang intindihan mo na hindi ang katulad natin ay para sa mga mortal."
Nakaka binging katahimikan na naman ang namagitan sa kanila pero minabuting magkunwari na ayus lang ang lahat at hindi siya naapektuhan sa sinabe ng dalaga. "Hindi mangyayare yun, bakit muna naman nasabe?"
"Wala lang, paalala lang para sayu, sige mag ingat ka." Mas na unang lumisan ang dalaga bago pa man maka alis si Kaden. Nag umpisa na siyang maglakad at habang naglalakad naririnig niya ang tunog ng train na paparating dahil malapit ang isang istasyun ng train sa isang lagusan sa Illustra. Napa hinto siya sa paglalakad dahil sa kanyang iniisip, tama ang dalaga at dahil dun napa ngiti siya ng mapait. Paminsan minsan ay pumapasok sa isipan niya ang mukha ni Camille na naka ngiti.
Napa kuyom siya dahil pakiramdam niya nagkakasala siya sa kapatid niyang asawa ni Camille. Kailangan niyang makalimutan ang dalaga kaya sumali siya sa misyon pero hindi paren niya magawa. Anim na buwan na ang naka lipas na magpakasal ang dalawa, tuwang tuwa ang lahat maliban sa kanya dahil kailangan lang niyang magpanggap na masaya pa sa dalawa ngunit ang alam niya wala na siyang magagawa pa. Hindi rin siya kadesperado para pigilan ang dalawang nagmamahalan. Iniisip na lamang niyang magkakaroon din siya ng pagmamahal ng iba pero sa ngayun wala pa siyang mahanap.