BLOOD 48
DUMATING na naman ang bagong araw kay Edriana na kailangan niyang gumising, maligo, mag almusal at pumasok sa eskwelahan. Pag siya naman ay nasa kanyang eskwelahan makikipag batian sa mga ka schoolmate, papasok sa klase, maghihintay ng lunch break, makikipag kwentuhan sa kaibigan, papasok uli, maghihintay kong may party na pupuntahan at uuwi sa bahay. Yan ang palagi niyang ginagawa, wala nang katapusan na araw-araw niyang gawain ngunit nagbago ang lahat. Kasama na sa araw-araw niyang ginagawa ang pagtingin sa mga mata ng makaka salubong niya o di kaya'y bantayan ang bawat paligid kong andyan ba ang weirdong binata.
Nakasalubong niya ang barkada niya na magkakasama at pinilit niyang maging ayus sa harap nito para hindi na ito mag alala sa kanya. "Good morning guys."
"Wow, back for being cheerful." Aniya ni Cyrel.
"Dati na akong cheerful namang araw na hindi ako ganun."
"Talaga lang huh, anu yung kahapon." Sarkastikong sambit ni Paolo.
"Wag na lang natin yun pag usapan guys." Sabay-sabay silang naglakad patungo sa una nilang klase habang nagkukulitan ng maka salubong nila ang grupo ng hinahangaan niyang si Ian. Agad siyang kina labit ni Paolo si Edriana at sabay turo sa grupo nila Ian. Saktong naka tingin din ang grupo ni Ian at lalo na ang binata sa mismong mga mata ni Edriana. Na hinto siya sa paglalakad at na iwanan na rin siya ng mga kaibigan. Ngunit na hinto din ito ng makitang naka tayu sa likod nila ang dalaga at naka hinto.
Gulat na gulat si Edriana at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Animoy tumahimik ang buong lugar niya at ang mga grupo lang ni Ian ang nakikita niya. Tanging malakas na kabog ng dibdib ang nagpapabingi sa kanya. Pati ang palaso na palagi niyang dala animoy bumibigat sa kanyang bag. Bumalik siya sa realidad ng may tumawag sa kanya at humatak pa abante. Nawala na rin ang grupo ni Ian at nang tignan niya ang mga ito sa likod halos na kumpulan na ng mga ka schoolmate din niya. "Anu bang nangyayare sayu?" Tanung ni Paolo sa kanya.
"Kase---" natigilan siya ng biglang pumasok ang sinabe sa kanya ni Kaden na walang dapat maka alam kong di siya lang, napa isip siyang baka madamay ang kaibigan niya sa weirdong nangyayare sa kanya.
"Ed, Edriana." Nawal muli siya sa pag iisip ngunit nagtatalo ang utak niya sa mga nangyayare at gulong gulo hindi siya makapag isip ng maayus.
"A---ang gwapo kase ni Ian sa suot niyang damit," pagsisinungaling niya at gusto niyang maging maayus sa harap ng mga kaibigan niya. "Sorry."
Napa buntong hininga si Paolo at napa ngisi, "alam ko naman na crush mo si Ian ng sobra pero wag naman tulo laway, titig na titig ka kase sa kanya, ganyan ka ba kapatay na patay sa kanya?"
Ngumisi na lamang siya at kunwaring na hihiya pero sa totoo lang naiinis siya na nagkagusto siya sa isang halimaw. Tumungo na lamang sila sa klase nila at na andoon na rin ang iba nilang kaibigan. Ilang minuto ang paghihintay ng mag umpisa na ang klase, mula sa pinaka hulihang upuan at malapit sa bintana ang dalaga naka upo. Nakikinig siya sa klase habang naka tingin sa labas ng bintana. Sa tabi ng gusali nila at malapit sa mismong classroom nila may malaking puno doon kong saan may kumpulan ng mga malalagong dahon.
May umiilaw na dalawang maliit na bagay naka tago sa mga kumpulan ng mga dahon sa puno. Sa bilis ng pangyayare biglang lumabas ang isang halimaw na may mapupulang pares ng mata, na lulundag sa bintana kong saan malapit si Edriana at agad na napa balikwas ang dalaga sa pagkakaupo. Dahil sa ingay na ginawa niya sa buong klase ay agad na nag sitinginan ang mga ka klase at lalo na ang guro niya. Napa sulyap si Edriana sa buong klase sa mga mata nitong takang taka naka tingin sa kanya. Muling bumalik ang tingin niya sa malaking puno ngunit wala na ang halimaw, kasabay nun ang kabog, taas baba ng dibdib niya at pinag papawisan din siya ng malamig.
"What are you doing, Ms. Ceriales?" Mataray na tanung ng baklang guro niya.
Agad na naka isip ng dahilan si Edriana bago pa man niya masabe ang katotohanan at masabihan pa siyang baliw. "Naka tulog po ako," sabay kagat sa kanyang labi.
Napa ngisi ang baklang guro niya, "what do you think of being honest? Your not exception, so GET OUT! NOW!"
"Pero sir hindi ko po---"
"I said get out!" Hindi na siya lumingon pa sa mukha ng mga ka klase na pinagkakatuwaan siya at lalo na sa mga awa ng mga mukha ng kaibigan niya. Kinuha niya ang bag at lumabas ng klase. Paglabas niya nakita naman niya ang pasilyo na napaka tahimik at sarado ang mga pinto ng mga classroom. Dati gustong gusto niya ang mag isa sa napaka tahimik na lugar ngunit parang ngayun ay natatakot na siya lalo na't may nalaman siyang alam niyang hindi maniniwala sa kanya ang lahat.
Maglakad na sana ng may umakyat sa palapag nila isa itong binata at alam niyang isa ito sa mga madalas na kasama ni Ian. Mula sa malayu agad na naglaho ang balat nitong tao at magbago ang anyo bilang halimaw. May mahahaba itong legs at braso na may kapayatan. Maitim sobrang itim na animoy abo ang kulay ng katawan at nanglilisik na mga pulang mata sa kanya. "Naku naman, ilang uri ba ng halimaw ang kailangan kong makita?" Agad siyang tumakbo paitataas dahil hindi rin naman siya makakababa dahil iisa naka sarado sa isang daan at naka harang naman sa isang daan ang halimaw na ngayun ay humahabol na sa kanya.
Gusto niyang kunin ang palaso na baka mailigtas uli siya nito ngunit dahil mas kailangan niyang iligtas ang sarili ay hindi niya magawa. Lalo na't mabilis humabol ang halimaw ngunit kinakaya niya na hindi siya maabutan. Halos magkadarapa pa siya hanggang sa maka rating siya sa rooftop na hindi pa tapos ang harang. Tinulak niya ang pinto at malakas siyang tinulak ng halimaw papalabas doon sa hindi inaasahan nagpagulong gulong siya sa lakas ng pagkaka tulak at lumagpas ang katawan niya sa sahig.
Walang harang ang rooftop kaya pwede siyang mahulog ngunit humawal agad siya sa mga bakal na naka usli. Hinang hina at hirap na hirap na naka hawak doon. Hanggang sa biglang pumasok si Kaden sa rooftop at agad na pinatamaan ng tatlong palaso ang ulo nito. Agad na naglaho ang halimaw na naging abo at tinulungan na maka akyat ang dalaga sa rooftop. Akala ni Edriana ay yun na ang katapusan niya at nang makit kong sinu ang tumulong sa kanya ay naka hinga naman siya ng maluwag.
Napa sandal ang likod niya sa mga bakal at sumulyap sa naka tayung si Kaden. Kinuha nito ang palaso sa lapag at nilagay sa likod. "Guardian angel ba kita?"
Napa taas ang isang kilay ng binata habang naka tingin kay Edriana, "ang layu ko para maging anghel, lalo na kong anghel mo ako."
"Kj, masama ba magtanung? Tanung lang naman ah?" Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila.
"Napapansin muna sila," aniya ni Kaden.
"Bakit ako lang? Bakit ako napapansin ko yung mata nila bakit yung iba kong kaibigan hindi?"
"Ang mga katulad namin ay naka tago sa malaking salamin, ngunit may mga normal na nilalang na gustong masira ang salamin na yun. Ang ibig kong sabihin pag may nalaman ka sa isang bagay na gusto mong matuklasan lalabas at lalabas ang lahat. Parang may mist na nagsasabe sa mortal na ayus lang ang paligid ngunit pag may isang mortal ang maka basag ng salamin o maka silip sa mist lahat ng alam niya ay lalabas. Katulad ng nangyayare sayu ikaw pa lang ang nakaka alam kaya lahat ay lumabas kaya totoo."
"Hindi ba ilusyon ang lahat?"
"Hindi." Tumayo na ang dalaga, ngayun lang niya na pansin na matangkad ang binata at halos ang tangkad niya ay nasa balikat lang ng binata. "Isa pa, ayaw nilang may isang nakaka basag ng salamin kong saan sila nagtatago o maka silip sa mist pipilitin nilang patayin ka."
"Kailangan ko na bang matakot?" Sarkastikong tanung ni Edriana at titig na titig sa mukha ni Kaden. Maputla ang binata ngunit may mapupulang labi. Tama ang laki ng pangangatawan at seryos kong magsalita. Nagbabago din sa tatlo ang kulay ng binata ngunit nagtataka siya kong bakit nakaka usap pa niya ng maayus ang binata gayon na alam niyang kapareho lang ito ng mga halimaw na naka harap niya.
"Depende kong gusto mong magpalamon sa takot mo."
"Bakit ka andito?"
"Sabe ko sayu hangga't nasasayu ang palaso ko, katulad ng mga halimaw na naka paligid sayu, hahabol ako."
"Kailangan ko na din bang matakot sa sinabe mo."
"Aba ewan ko sayu." Mula sa baba rinig na rinig ni Kaden ang ring ng bell hudyat na sa pangalawang klase. "Umalis kana dito hangga't na andito pa kesa sa wala kang kasama."