AWAKEN 8
"Ang hirap naman ng sitwasyon mo, ikaw kase sumasama sama ka kila Drew yan tuloy pare-pareho kayung madadamay pag nalaman nila."
"Ang kinakatakutan ko yung magiging reakasyun nila mama at papa sa ginawa ko."
"Ang bobo mo kase."
"Ang sama muna naman sa akin Kaden."
"Ganun ka naman talaga."
"Tama na nga yan," naririnig ni Camille ang mga ingay at boses lalaking. Dilat na siya ngunit madilim paren ang nakikita niya.
"Na saan ako?" Tanung niya sa kanyang sarili. Unti-unti siyang umupo habang hawak-hawak ang likod na kumikirot pa sa sakit. Naramdaman niya ang kumot na naka takio sa buong katawan niya. Kinapa kapa din niya ang paligid at kong anung matitigas na bagay ang nararamdaman ng kamay niya.
Dahan-dahan siyang tumayo at pinapakiramdaman kong may iba ba siyang matatamaan lalo na ang kanyang ulo. Kinapa naman ng paa niya ang sahig habang nag lalakad at tuloy-tuloy lang hanggang sa maka lapit siya sa pinto. Ngunit na untog siya doon at natumba. Napa tingin ang magkakapatid sa silid kong na saan si Camille. Lumapit sila sa pinto at pinakinggan muli kong magkakaroon ba uli ng ingay galing doon.
Kinapa kapa muli ni Camille ang pinto at pinipilit buksan. Saka lang pumasok sa isip niya ang nakaraang nangyare bago siya mawalan ng malay at ngayun naka kulong siya sa isang lugar na hindi niya alam. Nag histerikal siya, "tulong! Tulungan ninyu ako!" Pag iingay at pagkalampag niya sa pinto para lang marinig siya. Agad naman na binuksan ni Eulexis ang pinto at gulat na gulat naman ang dalaga nang makita ang tatlo sa harap niya. "Sinu kayu? Anung ginawa ninyu sa akin, bakit ninyu ako kinulong? Whaaaaa! Tulong!"
"Kuya baka magising yan ni mama at papa," wika ni Sid. Agad naman na hinila Eulexis ang dalaga at pilit tinatakpan ang bibig.
"Anu ba wala kaming gagawin sayu, tumahimik kana muna!"
Tanging si Kaden lang ang walang pake alam sa nangyayare at pinapanood lang ang tatlo na naghahabulan sa loob ng kwarto nang maka wala si Camille kay Eulexis. "Tumigil kana muna Cassy!"
"Hindi ako si Cassy!" Habang nag hahabulan sila ay ginamit na ni Sid ang bilis niyang kumilos, agad na hinatak ni Sid ang dalaga at hindi sinasadyang na ibato sa kama. Nahinto ang magkakapatid at lumapit naman si Eulexis kay Sid.
"Anung ginagawa mo?"
"Hindi ko naman sinasadya," humarap na si Sid kay Camille, "sorry miss hindi ko naman sinasadya. Pero sana pakinggan muna man kami, namomoblema kami sayu."
Nagmadaling bumaba si Camille sa kama at isa-isang pinag mamasdan ang tatlong binatang ka harap. Hingal na hingal siya, ang pagkakaalam niya aswang at immortal si Eulexis lalo na siguro ang dalawang pang bago sa kanya. "Kayu pa talaga ang magkakaproblema sa akin, kong hindi lang ako kinuha ng lalaking yan!" Sabay turo kay Eulexis, "hindi ako magiging problema ninyu, di sana nasa amin ako ngayun o kaya nasa trabaho ko. Akala ko ba ibabalik muna ako!"
"Yun na nga ang problema," sambit ni Eulexis na may pag aalala sa kanyang mukha.
"Miss, iba kase ang mundo namin kesa sayu. Nalaman kase ng council na may mortal na naka pasok sa mundo namin at higit pa doon hindi ka basta makaka labas dito."
Takang taka si Camille, magigising na lamang siya sa isang kwarto at susunod na sasabihin sa kanya na may problema. Hindi rin niya maintindihan ang mga pinag sasabi nito sa kanya, iniisip din niya kong saang planeta ba siya ngayun. "Anung ibig ninyung sabihin?" Imbes na si Eulexis ang mag paliwanag kong di si Sid ang gumawa nun lahat. Hindi paren maintindihan ni Camille ang pinag sasabe nito at ang tanging lang niyang naintindihan ay hindi siya makaka uwi sa araw na yun.
Naalala niya ang mga kapatid na naghihintay ng pasalubong niya, magulang niyang kailangan pang mag bayad ng kuryente, tubig at upa sa bahay. Iniisip din niya kong hinahanap ba siya ni Dale na kasintahan niya dahil mukhang wala siya ngayun sa trabaho. Napa sapo na lang ang mga palad niya sa mukha niya at napa upo sa kinatatayuan nang matapos ang paliwanag ni Sid.
Lumuluha siyang naka tago ang mukha sa kanyang palad, "sorry." Napa taas naman ang mukha niya nang marinig na mag salita si Eulexis, agad siyang tumayo at lumapit sa binata.
"Sorry lang kaya mong sabihin pagkatapos mong gawin toh sa akin, problema mo toh pero nadamay lang ako. Hindi mo alam kong gaanu ako kailangan ng pamilya ko ngayun pero wala ako sa tabi nila. Tapos sorry lang, wala kang kwenta. Nangako ka sa akin, nangako ka! Na ibabalik mo ako pagkatapos ng pagkikita ng mga kaibigan mo, pumayag ako. Kase naniwala ako sayu," namamaos na ang boses ni Camille, "kailangan ko nang umuwi sa amin!"
Hindi alam ni Eulexis kong anung sasabihin niya lalo na nang makitang umiiyak ang dalaga, napaka walang kwenta niya, kumbinsido siyang ganun nga siya at na tama ang dalaga. Maririnig na lamang sa silid na yun ang iyak ni Camille habang nasa harap ng binata, kahit din si Sid ay naawa sa dalaga.
Napa tingin sila sa pinto nang may kumatok doon ng pagka lakas-lakas. "Eulexis! Buksan mo nga ang pinto, bakit maingay dyan?!"
"Si papa," sabay na wika ni Eulexis at Sid.
"Lagot kayu," aniya naman ni Kaden.
Kumalampag na naman ang pinto, "walang nag lock ng pinto sa pamamahay na ito!"
Nasa tapat si Camille ng pinto at isang malakas na pwersa para masira ang pinto. Nang laki ang mga mata ng dalaga nang makitang lilipad pa tungo sa kanya ang kalahati ng pintong nasira. Napa pikit si Camille dahil alam na niyang tatama na ito sa kanya anumang oras. Pero maka lipas ng isang minuto nang walang maramdaman na sakit sa katawan, pag dilat niya naka harang sa kanya si Eulexis at nakikita lamang niya ang likod nito. Mabilis na hinarang ng binata ang katawan niya sa dalaga para hindi ito matamaan, naka harang naman ang braso niya sa mukha para hindi naman ito mapuruhan.
"Anu bang ginawa mo, Dylan?" Tanung ni Eunice sa kanyang asawa nang makapasok ang mag asawa ng tuluyan sa loob. "Anu bang nagyayare dito?" Pinag mamasdan ni Eunice ang tatlong anak niyang lalaki at bigla naman lumabas si Camille sa likod ni Eulexis.
"Sinu yan?" Tanung ni Dylan sa tatlo na hindi agad naka sagot at nagpapakiramdaman. Higit sa lahat may natatakot, kinakabahan si Camille dahil nag iisang mortal siya sa lahat at pina lilibutan siya ng mga nilalang na hindi niya inaasahan.
Nag ka tinginan ang mag asawa bago muling tinignan ni Eunice si Camille muli. Nag tataka ang mag asawa kong bakit may dalaga sa loob ng silid ni Eulexis. Ngayun lang din niya nakita ang mukha ng dalaga ngunit may isang bagay na biglang pumasok sa kanyang isipan. Nang laki ang mga mata niya at lumabas sa kanyang bibig ang kanyang nasa isip.
"Siya yung mortal na naka pasok sa Illustra."
"Anu?" Gulat na gulat si Dylan at agad na umakyat ang galit sa ulo ni Dylan na hindi inaasahan nasa bahay pala nila ang mortal na pinag hahanap. Napa kuyom ang kanyang mga palad, "kayung apat pumunta kayu aa black room, may importante tayung pag uusapan."