AWAKEN 7
ANG Illustra ang lugar para sa mundo ng mga aswang, engkanto at mga mangkukulam. Binuo ang Illustra noong nakaraang dalawampung taon, pagkatapos ng kasamaan ng nga Grace Clan bumaba ang kanilang ranking sa pinaka dulo. Mas nangunguna ang Otis Clan at sumunod naman ang Jimenez sa pamumuno ni Violet ng mag isa. Nagtulong tulungan ang mga Swiss Clan na mabuo ang barrier na sasakop sa buong Illustra at ang ibig sabihin ng Illustra ay 'bagong mundo' lalo na nang mangyare ang hindi inaasahan na pangyayare sa dalawang angkan na malaki sa kanila.
Malaki ang sakop ng Illustra at kong nasa labas ito ng mundo ng mortal para lamang itong misteryong gubat na hindi gustong pasukin ng mga mortal ngunit hindi nila alam isa pala itong salamin, isang mahiwagang salamin. Ang mga mansyon ng bawat angkan ay naka palibot na bilog sa loob ng Illustra, at ang bawat lugar ng angkan sa labas ng kanilang mansyon ay meron namang maliliit na bayan para sa kanilang mga miyembro ng angkan.
Kahit na nangunguna ang Otis sa lahat mas pinili nilang maging tagapamagitan sa lahat ng bagay sa Illustra ang Swiss Clan, ang nasabeng angkan ay may sampung miyembro ng counselor kong saan madalas na hinihingian ng tulong ng bawat naglalakihang lider ng angkan. Dahil doon maraming nabago sa buhay ng bawat isa sa kanila nag karoon ng batas sa buong Illustra na kailangan sundin ng bawat isa. Nag karoon din ng guild ang isang uri ng edukasyon na meron sila na may tatlong lebel.
Una ang Page, uri ito ng lebel na katumbas ng pag aaral ng mga elementaryang mortal. Pangalawa ang Loti, ang lebel na katumbas naman ng sekondarya ngunit may kasabay na itong pagsasanay ng kanilang lakas ayun sa angkan na kinabibilangan nila. Ang pangatlo o pang huling lebel ang Syro, ito ang pang huling lebel na kailangan nilang pag aralan ang nakaraang nangyare sa mga ninuno nila at kong paanu ito nag umpisa. Pagkatapos nun papapiliin sila kong gusto nilang manatili sa kanilang angkan o lilipat sila sa iba. Sa mga estudyanteng magtatapos sa Syro na walang pinili ay kailangan nilang ipagpatuloy ang kailangan nilang malaman sa angkan nila at kong pipili silang lumipat kailangan naman nilang pumunta sa pinaka huling antas ng pag aaral na kailangan nilang malaman sa kanilang lilipatang angkan.
Meron din silang espesyal na seremonyang ginagawa sa mga batang taga Illustra pag umabot sa edad na 18. Bibigyan ito ng mga basbas ng mga councelor dahil sa 18 pababa ay hindi pa talaga sila ganap na immortal. Mapababae man o lalaki, ito ang kanilang hinihintay ang basbas na maging tuluyang immortal na sila.
Pledge of Sanctuary, ang tawag sa batas nila at ito ang mga sumusunod na batas na kailangan nilang sundin:
1. Bawal kang lumabas sa perimeter ng Illustra.
2. Bawal gumamit ng itim na salamangka sa labas at loob ng Illustra.
3. Bawal kang umibig, makipag kaibigan o makipag usap sa isang mortal.
4. Bawal magpapasok ng isang mortal sa perimeter.
5. Higit sa lahat, bawal gawing katulad natin o bumuhay ng mortal.
Kong sinu man ang lalabag sa kasuduang nilagdaan ng mga na unang miyembro ng angkan, bata man o matanda, babae man o lalaki. May pananagutan sa kanilang gagawin, ang bawat isang nilalang na nakatira sa Illustra ay paparusahan ng pagkatanggal ng alaala at papahirapan ng habang buhay.
Kaya nila ginawa ang batas na yun ay para maprotektahan ang bawat isa at hindi na mangyare ang ginawa ng Grace clan noon. Ngunit pina pili ang bawat miyembro dati ng Grace sa angkang gusto nila kaya wala nang Grace clan na nabubuhay sa panahon nila.
TUMIGIL sa kakasalita si Madison nang mapansin niyang nagsasayang lang siya ng laway habang iba naman ang iniisip ng kanyang kausap. Si Eulexis ang dahilan kong bakit gusto niyang lumipat sa Otis clan dahil may tinatago siyang pagtingin sa binata. "Hindi ka naman nakikinig," wika niya.
"Anu?"
Nasa gitna sila ng hardin sa likod ng mansyon, doon may malawak at malaking hardin. Napaka haba ng animoy higaan ng mga bulaklak at sa dulo nito ay may makikitang maze na gawa din sa mga bulaklak na rosas na kulay asul. "Sabe na nga ba, hindi ka nakikinig."
Bahagyang nahiya si Eulexis dahil sa inaasta niya, iniisip paren niya ang dalaga kong paanu niya ito maibabalik sa mundo ng mga mortal. "Anu nga uli yun?"
Hindi maiwasang mapa irap ang dalaga, "ang sabe ko, kong gusto mo bang malaman kong anu ba ang pinag uusapan nila ngayun?"
"Anu ba yung pinag uusapan nila?"
"Tungkol sa Illustra," buntong hininga ni Madison.
Naoa kunot noo sang binata, nagtataka kong anu ba ang problema ng Illustra at kong bakit kailangan pa itong pag usapan. "Anung meron?"
"Ganito kase yun, may ibang angkan na hindi gusto ang pamamalakad ng batas natin dito. Gusto nilang baguhin yun at yun naman ang binalita ng mga magulang ko sa magulang mo. Gusto nilang matanggal ang iilang patakaran at batas na meron tayu. Na isip kase ng iba na dapat diba malaya tayu at ayaw na mangyare ang nangyare sa pamilya mo noon. Pero kong magpapatuloy ito parang nasasakal na naman tayu at hindi nagiging malaya."
Sandaling tumigil si Eulexis at ang dalaga, "para saan naman yan?" Hindi paren maintindihan ng binata ang ibig sabihin ng pag uusapa na yun.
"Ganito kase yun, Eulexis. Paanu kong may lumabag sa batas, matatangalan siya ng alaala hindi ba ang sobrang bigat ng parusang yun. Kaya na isip ng iba na kong pwedeng wala na lang batas, gusto ng lahat na pangunahan ninyu yun total kayu ang pinaka mataas na angkan at tutulong naman ang lahat ng angkan lalo na ang angkan namin."
Sandaling napa isip uli ang binata, "kailan mag uumpisa?"
"Sa ikasampung pagkikita natin."
Napa isip ang binata na masyadong matagal at magandang katuparan yun para maibalik na niya si Camille sa labas ng Illustra ngunit matagal pa. Pagkatapos ng pag uusap na yun ay agad naman na umalis ang pamilya ni Madison at nasa isip paren ni Eulexis ang bagay na pinag usapan ng magulang niya kasama ang pamilya ng dalaga. Nang maka balik siya sa kanyang kwarto saka naman niya natadnan ang kambal na kapatid niya.
"Gising na ba si Cassandra?"
"Aba ewan ko, tinignan ko din ng ilang beses yung pinag taguan mo sa kanya. Maalala ko lang, na kumusta ang pag uusap ninyu uli sa Prix?"
Saka naman kiniwento ng binata ang pinag usapan sa kanila ni Madison at ang mga nalaman nito. Pati na rin kong paanu niya na kilala si Camille at kong paanu ito nakarating aa Illsutra. "Anu nang plano mo?" Tanung ni Sid nang marinig niya ang buong kwento.
"Inisiip ko kong pwedeng padaliin ang nabibilang pagkikita nila mama at magulang niya para magpakasal na kami. Sa ganun, pwede nang maalis ang batas at---"
Bigla naman nag salita si Kaden habang nag lalaro paren mag isa ng chess, "sa tingin mo ba magandang plano yan?" Nag ka tinginan si Sid at Eulexis bago muling tumingin sa kanilang kapatid. "Sa tingin mo ba papayag ang mga council kong sakaling makasal na kayu, wag kang basta-basta magpa dalos-dalos kaya ka napapahamak."
"Tama si Kad, hindi natin siguradong mangyayare nga ang plano nila kahit na kasal na kayu. At saka papakasal ka sa taong hindi mo mahal at gagamitin mo lang sa kagustuhan mo?"
"Pero yun lang ang paraan para mailabas ko si Clare," mariin na saad ni Eulexis.
"Marami pang paraan, hindi ka lang nag iisip." Wika naman ni Kaden, pakiramdam naman ni Eulexis lalong nauubusan siya ng oras at nawawalan na siya ng paraan.