Awaken 5

1691 Words
AWAKEN 5 "Anu nang gagawin natin?" Tanung ni Sid nang mailapag nila ang dalaga sa kama ni Eulexis. Napa kamot sa batok ang binata, na lagi niyang ginagawa pag nag iisip o nahihiya. "Kuya," tawag muli sa kanya ng kapatid. "Anu bang pwedeng gawin kay Cory? Hindi ko alam, ang mas maganda eh kuhaan mo siya ng damiy sa silid ni Lexi o kaya ni Tina. Bago mo yun gawin maligo ka nang mawala yung amoy niya sa katawan mo, malamang magtataka yung mga yun." "Teka? Hindi dapat ako kasali dito, baka isipan nila mama at papa na kasabwat ako. Babalik na ako sa kwarto ko at bahala ka na diyan." Mabilis na hinarang ni Eulexis ang katawan niya sa pinto para hindi maka alis ang kapatid. "Tulungan muna man ako," pagmama kaawa ni Eulexis kay Sid habang kabadong kabado na ito at hindi alam ang gagawin. Napa atras si Sid at sandaling tinignan si Camille saka muling tinignan ang kanyang kuya. "Anu naman mapapala ko sa pag tulong ko sayu?" Napa sabunot naman si Eulexis sa kanyang ulo, "anu ba yan Sid, hindi ka naman katulad ng kakambal mo na hihingi ng pabor pag tumulong diba. Kaya sige na tulungan muna ako, hihintayin kita---sinu yun?" Pareho silang napa sulyap sa pinto nang marinig nilang may kumatok. "Aba ewan ko!?" "Itago mo si Celine," agad na lumapit si Sid kay Camille pero na tigilan sila nang marinig nila uli ang katok at pagpapakilala nito. "Si Kaden ito." Nagkatinginan ang dalawang magkapatid habang tahimik sila, "papapasukin ba natin siya?" Tanung ni Sid na ang bilis na rin ng pintig ng puso. "Takpan mo muna si Carla," utos ni Eulexis na ginawa naman ni Sid. Lumapit naman si Sid sa kuya niya at saka binuksan ang pinto. Bumungad sa kanila ang mukha ng kakambal na walang makikitang emosyun sa mukha. Minsan lang ito makipag usap sa mga kapatid dahil mas gusto nitong mapag isa, mag laro ng paborito nitong chess, mag archery sa gubat at makikita mo siyang palaging nasa silid aklatan para matulog doon. Kaya bahagya silang na gulat nang makita nilang nasa harapan, hindi nila alam kong may kailangan ba ito o anu. Sa apat na magkakapatid pinaka matalino at tahimik si Kaden. Ngumiti si Eulexis bago nag salita, "anung kailangan mo Kaden?" "Bumalik kana pala," napa sulyap naman ito kay Sid na pinag papawisan. "May tinatago ka." Bahagyang na gulat si Eulexis kong para sa kanya ba ang sinabe ni Kaden pero alam nitong naka tingin kay Sid. Kahit na hindi masyadong nag sasama ang kambal, nagkakaintindihan sila sa maraming bagay kaya alam nila kong may tinatago ito o kaya nag sisinungaling. Sa kaso ni Kaden at Sid, namumula si Sid pag alam niyang may tinatago siya na si Kaden lang ang nakakaintindi. "Naku wala," pag sisinungaling ni Sid. Pumasok nang tuluyan si Kaden sa loob at sinara ang pinto. Pinag mamasdan lang siya ng dalawa, may kakaiba din siyang naamoy sa dalawa at mas malakas sa buong paligid ng kwarto ng kanyang nakakatandang kapatid. "Amoy mortal?" Napa kunot noo siya at hinahanap kong saan nang gagaling yun. Napa ngisi naman si Eulexis, "baliw ka ba? Wala nga kaming naamoy," pero alam ni Eulexis na hindi siya makakapag sinungaling. Pilitin man niyang itago ay hindi naman niya magawa. Hindi na nag salita pa ang magkakambal hanggang sa maka lapit si Kaden sa higaan. Tinanggal niya ang kumot na naka takip sa buong katawan ni Camille. Hindi na siya nagulat pa o nag sisigaw na may mortal sa loob ng mansyon at higit sa lahat sa mundo nila. Humarap siya sa kakambal niya at sa kanyang kuya. "Anung ginagawa ng mortal sa mansyon natin? Sinu ang nag dala sa kanya dito?" Hindi na nag salita pa si Sid at tinuro ang kanyang katabi na si Eulexis gamit ang hintuturo. "Maawa naman kayu sa akin oh, tulungan ninyu ako." "Anung kalokohan na naman ang ginawa mo? Isa na naman ba ito sa laro ng mga tropa mo." "Hindi ko na sila kaibigan, basta wag na ninyung itanung. Tulungan na ninyu ako, ibabalik ko naman siya at saka mahabang kwento kong ikwento ko pa sa inyu." "Bahala ka sa buhay mo, kaya muna yan. Malaki kana," aalis na sana si Kaden nang si Sidney naman ang humarang sa pinto. "Tulungan na natin si kuya, maawa ka naman sa kanya. Wag kana muna mag sasabe kay mama o kahit na sinu hanggang na andito ang babaeng yan. Mahirap na," paliwanag ni Sid. "Problema na niya yan." "Pero problema ng pamilya natin toh pag nalaman nilang nasa atin ang babaeng ito. Malamang alam na ng Swiss na may naka pasok na mortal sa Illustra lalo na nasa bahay natin siya." Sandaling nag isip si Kaden at alam niyang mangyayare nga ang iniisip ng kakambal niya, "anu bang kailangan nating gawin?" Naka hinga ng maluwag nang alam na ni Eulexis na matutulungan siya ng mga ito, "ganito kase ang gagawin. Mang hiram muna tayu ng damit para kay Carol at---" "Sinu naman ang magbibihis sa kanya, aber?" Napa isip din si Eulexis at Sid. "Oo nga noh, babae siya at mga lalaki tayu." Napa iling si Sid, "hindi pwede." "Saan ba ninyu balak itago ang babaeng yan?" Seryosong tanung muli ni Kaden. "Mas maganda kase kong na andito siya sa kwarto ko, ako na bahala basta wag na muna ninyu sasabihin sa kahit na sinu. Kong ako sayu Sid maligo ka para mawala yung amoy niya, ako na bahala sa kanya. Siguro hintayin na muna natin siyang magising at pag nagising na siya saka na lang natin siya hiraman ng damit." Pagkatapos ng pag uusapa na yun ay agad naman na sinunod ni Sid ang sinabe ng kuya niya at bumalik naman si Kaden sa kanyang kwarto na nag iisip paren na madalas naman niyang gawin. Sinara ni Eulexis ang pinto at nilock nang maka labas na ang kapatid. Nag hanap siya ng pwedeng pag taguan ng dalaga at pa ikot-ikot siya sa kanyang silid animoy na babaliw. Agad niyang binuksan ang pinto ng isang silid kong saan naka lagay lahat ng bahgay na hindi na niya ginagamit. Inaayus niya ang mga nag kalat na libro at laruan sa sahig. Nilagay niya ang tatlong kumot na pinag patong-patong saka naman niya dinala si Camille na wala pareng malay para ihiga. "Ayus kana siguro dito?" Sinara niya ng mabuti ang pinto ng silid na yun at nilock. Pagkatapos nun ay agad siyang naligo ng halos dalawang oras at tinago din ang damit na suot niya nung araw na yun. Ilang minuto nang maayus niyang wala nang magiging amoy sa kanyang kwarto ng isang mortal ay agad siyang lumabas. "Yan ayus na," bulong niya sa kanyang sarili nang mailock niya ang pinto ng kwarto pero hindi niya na pansin naka tayu sa kanyang likuran ang ina at naka pamewang pa. "Anung ayus na, Mr. Otis?" Agad na napa harap ang binata sa kanyang ina at gulat na gulat. "Mama naman, ginulat ninyu ako." Hindi pinansin ng kanyang ina ang sinabe ng binata, "ngayun ka lang umuwi? Hindi mo ba alam na nag aalala na kami sayu at bigla kana lang nawala sa gabe ng pagtatapos ninyu sa Guild." Ang Guild ay merong tatlong lebel at ito ay uri ng edukasyon sa lahat ng mga taga Illustra. Lahat kailangan pumasok sa guild pag nag ka edad ka na ng sampung taon, kaparehas ito ng pag aaral sa mga mortal pero mas higit pa ang kanilang pinag aaralan ayun sa angkan na pinang galingan nila. Kailangan nilang sanayin ang talino, lakas sa pakikipag laban at mga iba pang bagay para sa darating na panahon na kakailangan nila ito. "Mama naman, nag gala lang kami ng mga kaibigan ko." Tila humina ang boses ni Eulexis nang banggitin niya ang salitang kaibigan. "At saka mama, wag ka nang mag alala. Malaki na ako kaya ko na ang sarili ko at---" na hinto naman sa kanyang paliwanag ang binata nang makitang naging malungkot ang mukha ng ina. Bahagyang pumuputi na ang ibang parte ng buhok nito sa ulo, nagkakaroon na rin ng kulubot sa mukha si Eunice na ina ni Eulexis ngunit makikita paren ang kagandahan nito ng kabataan pa niya. "Ganito kana ba porket tapos kana sa Guild at malaya kana? Hindi muna kailangan ang pag aalala namin, magulang mo ako hindi yun maaalis sa akin. Porket ba ikaw ang mag mamana ng Otis Clan." Pinag masdan lang ni Eulexis ang kanyang ina na nagtutubig na ang mata. "Mama, sorry hindi naman yun ang ibig kong sabihin." Nalungkot na rin siya dahil sa kanyang na gawa at lalo na pag nalaman nitong may ginawa siyang labag sa batas ng mundo nila. "Sorry," maraming ibig sabihin ng kanyang paghingi ng patawad lalo na ang ginawa niya ngayun na isa pinaka malaking kalokohang hindi na niya mababago. "Sige na, bumaba kana doon at maghahapunan na." Napa ngiti naman si Eulexis alam niyang hindi siya kayang pagalitan ng ina niya ng matagal. Umakbay siya sa kanyang ina at nilambing lambing. Nang maka baba naman sila ng hagdan ay laking gulat naman nila ng may mga bisita pala sila. Mga taga dala ng balita galing sa mga Swiss dahil sa suot nitong damit na may emblem sa kanang dibdib. Nag iisa lamang itong pumasok sa mansyon at nasa labas ang mga kasamahan. Na andoon ang ama ni Eulexis na si Dylan na matanda na rin, ang kanyang kapatid na si Kaden, Sidney, Marlexi, si tito Kenneth niya at ang anak nitong si Tina. "Anung kailangan ninyu?" Seryosong tanung ni Dylan sa bisita. "May pinadala pong balita para sa lahat ang Swiss sa mga pangunahing angkan, Mr. Otis. May nakuha po kaseng impormasyon ang Swiss na may mortal na naka pasok sa loob ng Illustra. Ngayung gabe po ay kailangan isara ang bawat lagusan sa buong Illustra para malaman kong sinu ang tumulong sa mortal na yun para maka pasok at kong anung dahilan. Yun lang po at maraming salamat." Natigilan si Eulexis sa balitang kanyang narinig at pumasok na naman ang isa pang problema kong paanu niya tuluyang maibabalik si Camille sa mundo ng mga mortal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD