AWAKEN 4
NAKA pikit ang dalagang nag ngangalang Victoria sa loob ng bilog na naka palibot na sinding kandila sa kanya. Diretso ang upo at nagdadasal sa kanyang isipan gamit ang kakaibang lenggwahe. May makapal, mahaba, kulot na buhok na may kulay pula at natatakpan din ang noo nito ng kanyang bangs. May mga ibang kandila din sa iba't ibang bahagi ng madilim na kwarto na tanging ilaw sa kandila ang nang gagaling na liwanag. Maliit lang ang kwarto at madalas siyang na andoon para maka kita ng mga mangyayareng hindi alam ng buong taga Illustra o mga bagay na na nangyare na. Anak siya ng isa sa tatlong magagaling na mangkukulam at manghuhula sa Swiss na si Astra.
Dahil dalawang mga lalaki ang anak ng dalawa pa sa mga kasamahan ni Astra kaya mag isa na lamang ang anak niya sa mga sumunod sa yapak ng tatlo. Ilang minuto ang hinintay niya nang maramdaman niyang nasa ibang lugar na siya, may mga naririnig siyang yapak at sigaw ng isang dalaga. Dahan-dahan niyang dinilat ang ang mga mata.
Napa sulyap siya sa buong paligid at palinga linga animoy hinahanap ang mga yapak na naririnig niya. Kahit na alam niyang nasa ibang dimensyon siya ng lugar nararamdaman niya ang lamig sa lugar na yun. Kabisado na niya ang buong Illustra, alam niyang malapit siya sa luwasan kong saan kabilang mundo na at tinatawag nila itong mundo ng mga mortal. Dinala siya ng ritwal niya sa gitna ng gubat at mabilis niyang naramdaman ang paglagpas ng isang dalaga sa kanya.
"Tulong! Tulungan ninyu ako!" Pagsusumamo ng dalaga at sinundan niya ito. May binatang humahabol sa kanya at ang isa naman ay halimaw. Ang halimaw ay gusto siyang lapain at saktan. Ang isa naman ay gusto siyang tulungan ngunit parehong halimaw ang tingin sa kanya ng dalagang yun. Hindi niya nakikita ang mga mukha nito ngunit naririnig niya ang mga boses. Masyadong madilim at kong pipilitin niya na makita ang mga ito ay mag babago ang magiging takbo sa mga mangyayare kaya hindi na niya pinilit pa.
"Wag ka nang umiyak! Andito ako para tulungan ka!" Aniya ng binata habang hinahabol ang dalaga.
"Awrk! Awooo!" Pagtatawag ng halimaw sa iba pa niyang kaibigan.
"Lumayo kayu sa akin!" Dahan-dahan naging mahina ang sigaw ng dalaga hanggang sa mag liwanag at dinala naman siya sa ibang dimensyon. Ngunit sa pagkakataon na ito sa kanyang pag dilat, isang madilim na lugar at tanging mga boses lang ang naririnig niya.
"May dalawang tadhana sa batang yun ang naka takda. Isang masama at isang mabuti. Pero parehong magdadala ng hindi magandang bagay sa kanyang angkan sa bagay na mangyayare sa buhay niya."
Bumalik muli ang kanyang sarili sa tunay na lugar kong na saan siya, namatay din ang sindi ng mga kandila dahil sa malakas na hangin at napa dilat siya. Makikita ang pulang bumalot sa buong mata niya at bumalik din sa normal na kulay itim. Alam na niya ang ibig sabihin ng pina kitang imahe sa kanya ng ritwal na ginawa niya. "May isang mortal na naka pasok sa Illustra," bulong niya sa kanyang sarili.
GABE na nang makarating si Eulexis sa mismong harap ng mansyon ng mga Otis. Alam niyang malalagot na naman siya sa kanyang magulang at katakot takot na tanung ang saaalubong sa kanyang ina. Sa buong biyahe tila'y nakalimutan niyang may kasama pa pala siyang iba. Lumabas siya ng kotse at sumalubong naman sa kanya sumunod sa kanyang si Sidney na kakambal ni Kaden. Mas kasundo niya si Sidney na susundan ang kanyang mga biro kesa sa palaging seryosong si Kaden.
May mapang asar itong ngiti hanggang sa maka lapit ito sa kanya, "kuya lagot ka na naman kay mama galit na galit dahil bigla ka na lang nawala kahapon. Saan ka ba nang galing?"
Biglang naalala ni Eulexis ang kalokohang ginawa nila ng barkada niya saka naman niya naalala ang dalagang kasama niya. Hindi siya nag pa halata sa kapatid na may tao sa loob ng kanyang kotse. Agad siyang lumapit para yayain ang kapatid sa loob, "halika na sa loob Sid para---"
"Teka," sabay hiwa ni Sidney sa kamay ng kanyang kuya nang aakbayan siya nito.
Lalong kinabahan si Eulexis, minabuti din niyang isara ang jacket na suot para hindi makita ang galos sa kanyang katawan. Bahagya siyang lumayo sa kapatid nang umakto itong aamuyin siya, "anung ginagawa mo?"
Inamoy amoy paren siya ni Sidney, "may kakaiba sa amoy mo, parang amoy ka ng mortal o nagkakamali lang ako." Napa ngisi na lamang si Eulexis at tumawa tawa.
"Weird mo na ngayun ah, para ka nang si Kaden." Gustong magdahilan ni Eulexis sa kapatid pero alam niyang kaseng talino nito ang kakambal kahit na mag ka layu ang ugali nito.
"Oo nga kuya ang weird, mahina yung amoy sayu parang malapit lang dito sa paligid natin." Saka naman sinundan ni Sid ang amoy na mabangosa kanyang ilong at ngayun na lamang niya ito na amoy. Dahil na amoy niya lamang ito nung nagkaroon siya ng klase tungkol sa mga mortal na kailangan nilang matutunan ang pagkakaiba ng amoy ng tao at katulad nilang mga aswang.
Lakad ng lakad si Sid hanggang sa huminto siya sa bintana ng kotse ni Eulexis at doon niya nakita ang dalagang walang malay. Gulat na gulat siyang humarap sa kuya niyang takip-takip ang mukha. "Wag mong sabihin naka patay ka ng mortal?"
Laking gulat naman ni Eulexis sa tanung sa kanya kaya inalis niya ang kamay sa mukha at lumapit kay Sid. "Baliw! Buhay pa yan, mahabang kwento pero pwede ba tulungan mo ako kong paanu ko siya maipapasok sa loob ng mansyon."
"Kuya, alam mong hindi tayu pwedeng maki salamuha sa mga mortal at makaka sama yun sa mg katulad natin. Baka mamaya o kaya bukas may mag puntang taga Swiss sa atin at tanungin ang pamilya natin tungkol sa babaeng yan."
"Alam ko, alam ko. Pero tulungan mo muna ako paki usap lang. Wag na wag mong sasabihin sa iba, ibabalik ko naman siya sa mundo niya. Hindi ko lang siya magising kaya dinala ko siya dito." Sandaling natigilan si Sid at nag isip, "bakit ka natigilan?"
"Lumabas ka sa perimeter ng Illustra?" Wala nang dahilan para magtago ng mga bagay-bagay si Eulexis kaya tumango na lamang siya. "Anu!?"
"Alam kong lagot ako nito, tulungan mo muna akong ipasok si Cindy sa loob para ligtas siya."
"Kilala mo siya?"
"Ah oo, siya si Cinderella."
"Sabe mo Cindy?"
"Ah basta tulungan mo akong maka pasok sa mansyon si Celine sa loob." Takang taka si Sid sa kapatid niya sa mga binabanggit na pangalan nito ngunit alam naman niya kong bakit. Pareho nilang binuhat si Camille na wala pareng malay at sa sikretong daan sila dumaan para maipasok ang dalaga sa mansyon. Takot na takot si Eulexis sa pwedeng mangyare sa kanyang pagsuway pero hindi na siya pwedeng umatras sa gulong pinasok niya ngayun.