Awaken 3

1535 Words
AWAKEN 3 TAHIMIK lang si Camille sa loob ng kotse habang nag mamaneho si Eulexis. Kumakain lang ang dalaga ng cookies dahil hindi niya kayang patayin sa gutom ang sarili. Sa dalawang oras na biyahe ay nakarating din sila sa pupuntahan nila, may apat na lalaking halos kaseng edad nilang pareho. Naka upo ang mga ito sa labas ng gubat na sinasabeng Illustra. Nag ka tinginan ang dalawa at huminto naman ang kotse sa mismong apat na binata. Unang lumabas si Eulexis at bago pa man siya tuluyang lumapit sa mga kaibigan. Tinignan na muna nia ang dalaga at pinag sabihan, "wag kang gagawa ng kahit na anung gulo. Basta hintayin mo akong tawagin kita at saka ka lumabas ng kotse." Hindi nag salita si Camille, "ayus ka lang ba, Cyrene?" "Anung Cyrene?" Iritadong tanung ng dalaga. "Pangalan mo diba," inosenteng saad ni Eulexis. "Hindi ako si Cyrene, ang pangalan ko ay Camille. Paanu mo ako tatawagin kong mabilis mong makalimutan ang pangalan ko?" "Walang problema, Cyrel." "Grr, ewan ko sayu lumapit kana sa kanila at kailangan ko nang maka balik agad sa amin." "Ok, Cynthia." Saka naman lumayo si Eulexis sa kotse at naglakad papalapit sa mga kaibigan. Napa kuyom na lamang si Camille dahil ngayun lamang siya naka harap ng isang nilalang na madaling maka limot ng pangalan at higit sa lahat aswang pa. Hindi niya alam kong maniniwala ba siya sa mga nangyayare ngayun sa kanya. Nang maka lapit na si Eulexis sa kanyang mga kaibigan ay nakipag apiran ito at nakipag fist pump. "Kumusta na pareng Eulexis?" Unang bati sa kanya ng kaibigan niyang si Drew na bahagyang matangkad sa kanya at mas matanda sa kanya ng tatlong taon. "Ayus naman ako mga kaibigan," wika ng binata. May umakbay naman kay Eulexis, "na gawa mo ba yung sinabe ni Drew?" Tanung ng nakaka batang kaibigan nilang si Marty at saka siya lumayo doon dahil nabibigatan siya sa pagkaka akbay nito sa kanya. "Na gawa ko nga," hindi na nagtaka na nagawa ng kaibigan nilang si Eulexis ang bagay na pina gawa nila. "Na saan na yung babae?" Tanung naman ni Bryan sa kanya. Binaling ni Eulexis ang ulo niya sa kotse at napa sulyap din ang mga kaibigan niya doon, inaalala niya kong anung pangalan ng dalagang kasama niya ngayun at ang tanging alam niya ay nag uumpisa lamang ito sa letrang 'C'. "Coline! Carrie! Anu ba ah, Candy!" "Anu ba talagang pangalan niya?" Hindi basta naka sagot si Eulexis sa tanung sa kanya ni Max. "Baka marami yung nakuha ni Eulexis, imbes na isa lang." Komento ni Bryan sa kanya at napa ngisi naman si Drew. "Hala, mukhang masaya ito." Sabe naman ni Marty. "Hindi, nag iisa lang siya," maya-maya lang ay lumabas na si Camille sa loob ng kotse at nag iisa lamang ito. Pinag mamasdan lang siya ng limang lalaki hanggang sa maka lapit siya at hindi naman maialis ang mata ng apat na kaibigan ng binatang si Eulexis. Matagal na pinag sawaan ng mga ito ang kakatitig sa magandang hubog ng katawan ng dalaga dahil hapit ang suot nitong uniporme at naka paa pa. Hindi rin nila maiwasang mabanguhan sa dugo ng dalaga. Lalapit na sana si Drew nang mabilis na humarang si Eulexis kay Camille. Hindi rin maiwasang matakot ang dalaga sa limang ka harap niyag binata na alam din niyang katulad din ni Eulexis dahil sa mga mata nitong nag babago ang kulay pga tinitigan. "Anu bang ginagawa mo?" Tanung ni Bryan kay Eulexis dahil sa biglang pag harang niya. "Tapos na diba, na gawa ko na yung pagsubok ko. Ibabalik ko na siya para na rin maka balik na tayu sa Illustra. Alam ko hinahanap na tayu ng mga magulang natin dahil wala tayu ng dalawang araw sa mga mansyon natin." "Wag kang matakot, Eulexis. Bakit ka ba natatakot, ikaw diba ang tagapag mana ng Otis? Kong ako sayu hindi ko na ibabalik ang babaeng yan at kakainin ko na lang kong anung masarap sa kanya." Wika ni Marty, hindi maiwasang mapa kapit si Camille sa damit ni Eulexis sa likod. "Hindi mo ba naamoy, ang bango niya at mas mabango yung dugo niya." "Alam naman ninyu na bawal ang gusto ninyung gawin sa batas ng Illustra lalo na pagkumain tayu ng tao." "Eulexis wala naman makaka alam," aniya naman ni Bryan na pilit inaabot ang dalaga sa likod ni Eulexis. Napa atras muli ang binata kaya napa atras ang dalagang nasa likod niya habang nagtatago. Ang bilis na naman ng pintig ng puso niya, hindi niya alam kong kaya nga ba siyang protektahan ni Eulexis sa apat na ka harap nila. "Walang gagalaw kay Christine!" Agad na tinulak ng binata ang dalaga para lumayo sa kanya. "Tumakbo ka sa loob ng gubat at magtago ka!" Agad na sinunod ni Camille ang sinabe sa kanya ng binata. Nag bagong anyo naman apat at si Marty naman ay sinundan ang dalaga. Alam ng dalagang malapit na siya ngunit bigla siyang na untog sa animoy salamin. Napa hawak siya sa noo niya at pinag hahampas ang kanyang nahahawakan. Hindi niya maintindihan dahil may malakas na pwersang nag tataboy sa kanya para hindi siya maka pasok. Lingid sa kaalaman ng lahat at lalo na si Camille ay hindi talaga siya makaka pasok sa loob ng Illustra dahil isa siyang mortal. May animoy salamin na naka harang sa buong paligid ang Illustra at pinapa pakita lamang ng salamin na yun ang dapat lang makita ng mortal na katulad niya. Makaka pasok lang ang immortal na katulad nila Eulexis sa loob. "Gusto mong maka pasok ah," na gulat na lamang siya nang hatakin siya papasok sa loob ng salamin na yun ni Marty. Dahan-dahan at animoy hinihila pa siya palabas ng tunay niyang mundo. Natumba sila pareho nang maka pasok na siya ng tuluyan, ibang iba ang itsura ng gubat na nasa loob ng Illustra. Mausok, makikita mo lamang ang animoy kulay berdeng usok sa paligid, napaka lamig at kakaibang uri ng mga puno. Agad siyang tumayo at tumakbo palayu kay Marty. Ngunit mabilis ang binata at agad siyang hinampas na tumama naman siya sa punong malapit doon. Unang tumama ang likod niya at bumagsak sa lupa. Hinang hina si Camille at hindi alam kong paanu na gamitin ang mga paa niya para maka tayu. Lumapit si Marty sa kanya at inayus ang kanyang pagkakahiga. Umiikot ang kanyang paningin at pumaibabaw naman sa kanya ang binata. "Mas maganda pala na ako lang mag isa, mahihina talaga ang mga katulad ninyung mga mortal." Ngisi nitong saad habang pilit na kinakalaban ni Camille ang sakit nararamdaman niya sa mga oras na yun.   MULA sa labas ng Illustra ay mag isang nakikipag laban sa mga kaibigan niya si Eulexis. Lahat sila ay nag bagong anyo kahit na bawal itong gawin sa labas ng Illustra ay wala naman silang magagawa at ni wala na silang pake alam kong kaibigan pa ba nila si Eulexis. Agad na umatake si Bryan at natamaan ang binata sa sikmura. Umatake na rin si Drew at Max na mas malaki kay Eulexis. Pero hindi nag patalo ang binata at agad na kinalmot ng mahahaba niyang kuko si Max sa mukha. Napa singhal ito sakit kaya na hihampas siya at tumilapon sa unahan ng kotse niya. Hindi normal ang bilis niya kaya nakarating agad si Drew kay Eulexis naka higa paren. Sisipain nito ang ulo ng binata pero na unahan siya kaya binalian ni Eulexis ang paa ni Drew. Pagkatapos nito ay agad na sinuntok ang puso nito para mawalan ng malay. Hindi niya gustong saktan ang mga kaibigan pero mga kaibigan niya nagpumilit sa kanya gawin ang bagay na hindi niya gusto. Agad na tumayo si Eulexis, hinatak papasok si Max sa loob ng Illustra at agad silang niyakap ng lamig ng Illustra na kinasanayan na nila. Hinampas niya ito para tumama sa malapit na puno at humabol din si Bryan sa loob. Agad niyang nakita si Marty at lumapit doon habang nasa ibabaw ni Camille. Sinipa niya ang ulo nito paraan para ito'y mapa layu sa dalaga. Lalapit pa ang mga ito kay Eulexis ngunit nagpapakiramdaman sila at nagpapatalasan ng mga tingin. "Malalaman ng lahat kong anung ginawa mo Eulexis!" Bulyaw ni Bryan sa kanya. "Kayu ang nag utos nito," sabe ni Eulexis at dahan-dahan bumalik ang kanyang anyo sa normal. Hinagarang na naman niya ang kanyang sarili sa naka higang dalaga. "Sa tingin mo pag nag sabe ka ng totoo maniniwala sila, ikaw ang nagdala ng babaeng yan dito at makikita yan sayu. Ikaw ang masisi at hindi kami." "Walang akong pake, lumayo kayu sa akin. Baka kayu ang maparusahan, pag nangyare yun lahat tayu madadamay at hindi kayu kakampihan ng mga magulang ninyung gumawa ng batas dito sa Illustra." Hindi na hinintay ni Eulexis ang sasabihin ng mga kaibigan at agad na kinarga ng animoy sako si Camille sa kanyang balikat na wala pareng malay. Lumabas sila ng Illustra at sinakay sa kotse niya ang dalaga. Sa kabilang daan siya dumaan na hindi siya mahahalata ng kahit na sinu, nilamon ang kotse niya kong saan sakay ang dalawa ng salamin naka balot sa buong Illustra at nag laho na lamang sa mundo ng mga mortal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD