Awaken 2

1292 Words
AWAKEN 2 NAGISING sa ingay si Camille na nang gagaling sa radyo ng kotse, nararamdaman din niya ang pangangalay ng balikat sa matagal na pagkaka upo at dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata. Nakita na lamang niya ang kanyang sarili na naka upo sa passenger seat, naka seat belt, hindi na rin niya suot ang sapatos ngunit naka uniporme paren siya at wala siyang nararamdaman na masakit sa kanyang katawan dahil ang naalala niya may nilalang na bigla na lamang sa kanyang humarang. Siya lang rin mag isa sa loob ng kotseng naka hinto sa isang pampublikong palengke. Nakikita niya ang paroon't parito ng mga tao, lalaki babae, dalaga, binata, matanda, bata, napa daan man doon o namamalengke lang. Busing busi ang lahat at ang iba naman ay nag mamadaling naglalakad. Tirik na tirik na ang araw sa mga oras na yun. Alam niyang may kumuha sa kanya, ngunit nag tataka siya kong bakit siya pa, napa isip siyang isa lamang itong kidnap pero mahirap lamang sila at minsan lang makakain ng masarap pag tuwing sweldo lang niya. Umakyat na naman ang kaba sa kanyang dibdib, ang daming tanung sa kanyang isipan, kong mamamatay na ba siya o papahirapan. Makikita pa ba niya ang pamilya o kahit ang kasintahan niya, lahat yun sumagi sa kanyang isipan. Napa isip din siya kong anu ba ang kailangan niyang gawin, walang bantay sa kotse o tao man lang kong di siya lang. Ito na ang oras para maka takas siya, agad niyang inalis ang seat belt at dahan-dahan na binuksan ang kotseng hindi man lang naka lock. Kahit paanu ay naka hinga siya ng maluwag dahil makaka takas siya agad at maka hingi ng tulong pabalik dahil hindi niya alam kong anung lugar ang pinag dalhan sa kanya ngayun. Nang mabuksan na niya ng tuluyan ang pinto sa mabilis na pangyayare narinig niya ang mabilis na pagbukas ng isang pinto at naramdaman na lamang niyang may matalim naka tutok sa likod ng ulo niya. "Subukan mong tumakas at baka hindi kana tuluyang maka balik sa inyu," pagbabanta ng boses lalaki sa kanyang likod. Hindi niya alam kong paanu siya kikilos nang hindi siya masasaktan. Tinanggal naman ng binata ang naka tutok na kutsilyo sa ulo ni Camille at saka hinatal ang suot nitong damit papasok muli sa loob. Nang maisara muli ang pinto at passenget seat saka naman lumabas ang boses sa bibig ng dalaga, "anung kailangan mo sa akin!? Pakawalan muna ako, kong kailangan mo nang pera kunin mo sa bag, mahirap lang ako at saka kailangan pa ako ng pamilya ko!" Naka pikit siyang nag sisigaw sa loob ng kotse dahil sa takot. Ni ayaw niyang makita kong anu nga ba ang itsura ng lalaking kumuha sa kanya. Sinara naman ng binata ang pinto sa driver seat at saka binato ang plastic laman ang binili niyang pagkain para sa dalaga. Dumilat naman ang dalaga at tinignan ang plastic na lumapag sa legs niya. Pinag masdan lang niya ito at saka binuksan ang plastic. Bigla naman siyang nag taka sa plastic ng jelly ace, kahon ng cookies, isang bar ng chocolate at chips. Napa kunot noo siya at hindi niya maintindihan ang mga nangyayare kong na kikidnap ba siya o anu. Pina andar na rin ng binata ang kotse niya para maka alis na sa lugar na yun. "Kainin muna lahat wag lang yung jelly ace," napa sulyap naman siya sa binatang nag salita. May kulot itong buhok, matangos na ilong, makinis na mukha at higit sa lahat maputla. Sandaling napa sulyap ang binata sa kanya at nakita niya ang pag iiba ng dalawang kulay sa mata saka naman muling bumaling sa pagmamaneho. Dahil sa bilis hindi alam ni Camille kong totoo ba yunh nakita niya o guni-guni lamang. "Sinu ka ba? Saan mo ako dadalhin at bakit mo ako kinidnap?" Lakas loob niyang tanung sa binata. Hindi niya ring maiwasang hindi matakot dahil sa kakaibang aura ng binata. "Wala naman akong gagawing masama sayu." "Pero bakit mo ako kinuha? Masama diba ang pag kidnap, sinasabe ko sayu wala kang makukuha sa pamilya ko. Mahirap lang kami, kaya pakawalan muna ako." "Hindi naman pera habol ko sayu, marami kami niyan." Parang nasampal naman si Camille sa sinabe ng binata tungkol sa pera kaya sandali siyang natahimik. "Wala akong gagawing masama sayu, may kailangan lang akong tapusin at ikaw ang kailangan ko." "Pwes, anung kailangan mo sa akin?" "Ok, ganito kase yun. Kami ng mga kaibigan ko ay may pagsubok na binigay sa akin kahit ako naninibago. Bawal kaseng lumabas sa perimeter ng Illustra." "Illustra?" Ngayun lang narinig ni Camille ang salitang yun. "Lugar ba yun?" "Oo lugar yun, lugar ng mga katulad namin." Napa kunot noo si Camille at nagtataka kong anung klaseng nilalang ba ang kasama niya ngayun. "Iniwan ko sila sa labas ng perimeter ng Illustra para hintayin ako kasama ka. Sabe nila na kailangan kong magdala ng babaeng mortal. Pagkatapos nun ibabalik rin kita kong saan kita nakuha at parang walang nangyare." "Mortal? Malaman kase diba mortal ka rin? Magkakatulad tayung lahat." "Hindi lahat, akala ninyu kayu lang ang nakatira sa mundong ito kahit na sa totoo lang ay may nabubuhay na katulad namin." Napangiwi si Camille at hindi na iintindihan kong anu ba ang ibig sabihin ng binata, "huh?" Nag lakas loob paren siyang mag tanung. "Anu ka ba?" "Immortal, yung sinasabe ng lahat na engkanto o mas madaling sabihin na aswang. Isa akong aswang at marami kami, lahat nag sama-sama." Agad na nagulat si Camille sa kanyang narinig, hinahanap niya kong nagbibiro ba ang binata sa kanya. Saka niya pinag babato ang laman ng plastic na pagkain, "aswang ka! Ibaba muna ako! Maawa ka sa akin! Payat ako walang kang mapapala sa akin!" "Aray---teka! Anu ba---nakaka inis!" Bigla naman niyang hininto ang kotse dahil sa mga pinagbabatong pagkain sa kanya. Wala na ring maibato si Camille kaya siniksik na lamang niya ang sarili sa kina uupuan niya. Umakyat na naman ang takot sa kanyang dibdib at pagbigat ng kanyang paghinga. Hindi guni-guni ang pag iiba ng kulay ng mata ng binata nang humarap na itong tuluyan sa kanya. Nagiging asul, lilac at babalik sa normal nitong kulay na brown. "Inuulit ko wala akong gagawin sayu, kailangan ko lang tapusin itong pinapa gawa nila sa akin. Hindi kita kakainin kaya wag kang matakot at hindi ko iinumin ang dugo mo dahil hindi ako katulad ng mga kinatatakutan ninyu sa telebisyon." "Pakawalan muna lang ako, wag na lang ako ang ipakita mo sa kanila." Hindi maiwasang mapa iyak ang dalaga dahil sa takot na baka ito na ang huling oras ng buhay niya. Para sa kanya na isang normal na tao ay hindi basta-basta maniniwala sa halimaw na kaharap niya ngayun kahit na mukhang tao pa ito katulad niya. Napa hilamos na lamang ang binata sa kanyang mukha, "ok ganito magkakaroon tayu ng deal. Bibigyan kita ng pera wag ka lang umiyak at wag ka lang matakot. Kahit magkano at ibabalik kita ng buo basta pumayag ka lang sa gusto ko. Isipin na lang natin na pagsubok sa ating dalawa ito." Huminga siya ng malalim ang binata at muling tinignan ang inosenteng mukha ng dalagang ka harap niya, "ako pala si Eulexis Otis, hindi ko hahayaan na may mangyareng masama sayu." "Pang hahawakan ko ang mga sinabe mo, Eulexis." Lumabas naman ang mapang lokong ngiti ng binata, "ikaw anung pangalan mo?" Nag aalangan pang magpakilala ang dalaga pero nangako na ito sa kanya at hindi paren niya kailangan maniwala ng tuluyan. "Camille," dahan-dahan niyang pinunasan ang luha niya. "Ok Catherine---" "Camille," pang tatama sa kanyang pangalan. "Yun nga ang sabe ko, magtiwala ka sa akin." Hindi sumagot si Camille sa sinabe ng binata at hinayaan na lamang niyang magmaneho muli ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD