Awaken 23

1518 Words
AWAKEN 23 ILANG minuto pa silang naka tayu pareho sa pasilyo at hanggang sa pinili ni Camille na basagin ang nakaka binging katahimikan sa pagitan nila ng binata. "Ok." Sumulyap sa kanya ang binata at na andoon paren ang lungkot sa mga mata nito. Pero para kay Eulexis na nasabe na rin niya sa dalaga ang lahat ng gusto niyang sabihin. "Wala naman akong sinabeng bawal o hindi pwede. Ang akin lang---" bumaba ang tingin ni Camille sa mga kamay ng binata na ngayun lang niya na pansin. Hindi niya maiwasang mag alala sa mga benda sa magkabilang kamay ng binata. Agad niya itong kinuha, "---anung nangyare dito?" "Wala toh," binawi ni Eulexis ang mga kamay niya sa dalaga, ayus na sa kanya na sabe na niya ang lahat. Para sa kanya wala na ring kwenta ang pinag handaan niya. "Bumalik kana sa silid mo at matulog." Tumalikod na ang binata at na unang naglakad ngunit napa hinto ito ng marinig ang pagdadabog ng dalaga. "Anu ba talaga? Ang sabe mo may nararamdaman ka sa akin, yung nararamdaman mo sabe mo pagmamahal. Hindi kita maintindihan, binibigyan mo lang ako ng sakit sa puso at utak ko!" Isang metro na ang layu nila sa isa't isa hingal na hingal si Camille pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng yun. "Matulog kana lang." "Anu ba?" Animoy nang hihina na si Camille at ang kanyang mga tuhod. "Ayokong sabihin ito kong ganyan ka lang, kase kahit din ako nahihirapan ako sa nararamdaman ko sayu. Mahal din kita," napa sapo si Camille sa kanyang mukha ka sabay ng nagbabadyang tumulong luha. Agad siyang nilapitan ni Eulexis ng hindi niya alam dahil sa pagkakatakip ng kanyang kamay. Nang maka lapit ang binata agad niyang tinanggal ang takip sa mukha ng dalaga at saka binigyan ng halik sa labi. Unti-unti napa yakap si Camille sa batok ng binata at ganun naman si Eulexis sa bewang naman ni Camille. Lalo pang hinapit ni Eulexis ang bewang ni Camille para lalo silang magkadikit. Ilang minuto ang tinagal ng halik na yun, na doon nila pinaramdam ang hindi nila tuluyang masabe. Parehong hingal na hingal ang dalawa ng lumayo si Eulexis sa dalaga at pinunasan ang mga luhang nasa pisngi nito. "Wag ka nga iiyak sa harap ko," saka hinawakan ang kanang kamay ng dalaga. "Ikaw kase may kasalanan nito," paos na saad ng dalaga at saka inangat ang pagkakahawak sa kanya ng binata, "para nga saan ang benda ng kamay mo?" "Malalaman mo rin, inaantok kana ba? Sa tingin ko kailangan mo nang magpahinga." Umiling iling ang dalaga, "hindi pa ako makaka tulog nito." Napa ngiti naman ang binata at saka binigyan ng halik muli sa labi ang dalaga ngunit mabilisan. "Ok, may pupuntahan tayu." "Saan naman, hindi ba delikado sa labas?" Kunot noong tanung ng dalaga. "Pag ako kasama mo, hindi ka mapapahamak." Sabay na silang naglakad na dalawa habang hindi binibitawan ang mga kamay nila. Kumanan sila sa isang pasilyo at huminto sa pinaka dulo. Tinulak ng binata ang pader doon at saka nag bukas. May pababang hagdan at bahagya lang ang liwanag na andoon. Hindi paren maiwasan ni Camille na mamangha sa mansyon ng mga Otis lalo na sa mga sikretong pinto at daan nito. Inalalayan ni Eulexis ang dalaga sa pagbaba hanggang sa makarating sila sa labas ng mansyon at sa mismong gubat na sila naka labas. "Wow, yun pala yun." Saad ng dalaga at hindi na lamang pinansin ni Eulexis ang sinabe ni Camille bagkus napa ngisi na lamang ito. Palibot na naman sa kanila ang nagtataasang dami na abot hanggang tuho at naglalakihang puno. Tumagal ng limang minuto ang paglalakad at pawala na ng pawala ang d**o sa paligid. Lalong lumalamig sa paligid nila Camille at kakaibang simoy ng hangin. Hanggang sa makarating sila sa isang malawak na ilog. May animoy entablado pang lalakaran at sa dulo nun may naghihintay na bangka para lang sa dalawa. Tahimik silang naglakad at sumakay doon. Ang binata ang naging tagasagwan at ang dalaga naman ang animoy turista sa lugar na pupuntahan. Hindi maiwasang magtaka ang dalaga, "saan ba talaga tayu pupunta?" "Maghintay ka lang, excited ka ba?" "Medyo pero lalo akong maexcite kong malalaman ko kong saan tayu pupunta." Tumawa ng mahina si Eulexis, "hayyy naku." Ilang minutong naghintay ang dalawa hanggang sa malaman ng binata na malapit na sila kaya napa ngiti siya, "malapit na tayu, tumingin ka sa mga puno na madadaanan natin." Nagpalinga linga si Camille sa mga punong malapit sa kanila. Kasabay ng kakaibang pagkakabuo sa mga puno ang mga naka sabit na bola na gawa sa purong salamin, may ilaw sa loob ang mga bilog na na salamin at may mga bulaklak. Manghang mangha si Camille sa mga ilaw na yun na nagbibigay ng liwanag sa gubat at kakaibang ganda sa buong lugar animoy naging park sa magkasintahan ang lugar. Huminto sila bangka sa pinaka dulo, nagmadaling bumaba si Camille na halos kamuntik na niyang ikalaglag ito. Lalong lumawak ang ngiti nito ng makita ng malapitan ang mga bolang salamin. Lumapit siya sa mga ito, napaka dami at hindi mabilang. May mga tubig sa loob para lang mabuhay ang mga bulaklak sa loob at may maliit na ilaw. "Na gustuhan mo?" Yumakap ang binata sa kanya habang naka talikod. Alam ni Camille na allergy siya sa bulaklak ngunit ginawan ng paraan ni Eulexis para malapitan ni Camille ang mga bulaklak na yun na hindi mababahin. "Oo naman," humarap siya sa binata na hindi rin maitago ang ngiti sa mukha. "Paanu nangyare yun?" Naalala pa ng binata kong ilang salamin na bola ang nabasag niya, laking pasalamat na lamang siya at tinulungan siya ng isang White na tumulong sa kanya na magawa ang lahat ng yun. "Sa totoo lang ilang beses akong nagkamali sa pag gawa ng mga bolang salamin para lang magawa ko lahat yan." Saka lang napagtanto ni Camille kong bakit may benda ang binata sa kamay at kong bakit nawala ito ng ilang araw. "Sorry kong hindi ko sinabe sayu gusto ko kaseng masurprisa ka at saka sorry kong hindi madami yung na gawa ko." "Nakukulangan ka ba dyan? Ang dami nila, pwede ba akong magdala ng kahit isa?" "Sayu lahat yan, ikaw na bahala kong anung gagawin mo sa mga yan." "Ganda nila. Salamat, hindi mo alam kong gaanu mo ako napa saya." Agad na hinalikan ni Camille si Eulexis, bahagya pang na gulat ang binata at agad na sinagot ang halik na binibigay sa kanya ng dalaga. Pagkatapos nun ay naghanda ng sapin ang binata at humiga sila pareho doon ng dalaga. Habang naka higa si Eulexis sa isang braso niya at isa naman para sa dalaga. Pinapanood nila ang nag niningning na bituin sa kalangitan. Walang sabe na bumaibabaw ang binata sa dalaga. "Anung ginagawa mo?" Hindi maiwasan na ma-awkward ang dalaga dahil sa kanilang posisyon. "May sasabihin lang ako, alam mo ba lahat ng nilalang sa mundo may sariling bituin at kayamanan. Yung iba hinahanap pa nila sa malayu yung kayamanan nila, pero ako nasa harapan ko na at ikaw din ang bituin ko. Masaya na akong makita kang masaya." "Hindi ko alam na kaya palang mag drama ni Eulexis Otis?" Biro ng dalaga. "Yan lang talaga sasabihin mo sa akin?" "Kailangan talaga may sagot, ok hindi kase kayang ipaliwanag ng mga salita ang nararamdaman ko para sayu. Basta ang alam ko tumibok ang puso para sayu na hindi ko alam." Binigyan ng halik ni Eulexis si Camille sa noo at sa ilong. Saka naman umalis ang binata sa ibabaw ng dalaga at umupo. "Halika alis na tayu, naalala ko kaseng may kailangan akong bisitahin." Napa upo na rin ang dalaga, "saan tayu pupunta, sa bayan?" "Oo." "Hala. Akala ko hindi ako pwede doon?" "Akong balaha sayu," saka muling binigyan ng halik sa labi ni Eulexis ang dalaga. "Nakaka ilan kana ah." "Gusto muna man ah." "Ewan ko sayu!" Sabay hampas ni Camille sa braso ng binata.   PINUNO ni Victoria ng kandila sa silid na pinag dalhan ni Eulexis sa kanya. Naka pikit ang mata at palibot na naman sa kanya ang mga kandilang may sindi. Hindi naman maintindihan ni Toby kong anung ginagawa ng dalaga. Nagbukas ang pinto sa silid na yun at pumasok si Eulexis sa loob. Natigilan si Toby, "na andito pa yan?" Pumasok din si Camille sa loob. "Oo eh ayaw pang umuwi sa kanila, palagi ko na lang yang nakikitang ganyan. Teka sinu ba yan?" Sabay turo kay Camille. "Wala kana doon," dumilat ang dalaga at sumulyap sa binata. Kusang namatay ang mga kandila. Lumapit si Victoria kay Eulexis, lalayu pa sana ang binata ng hawakan na siya nito. Isa-isang pumasok sa bisyon ni Victoria ang masasayang alaala ni Eulexis. Ang pag aaway ng Camille at Eulexis. Ang pag uusap ng mga ito, ang pagligtas noon sa patibong, ang pagbabangka at mga ilang halikan ng dalawa. Hindi makapag salita ang tatlo sa ginawa ni Victoria. "Umiibig ka," aniya ni Victoria. "Anu?" Kabadong tanung ni Eulexis. "Umiibig ka, isa ito sa naka tadhanang mangyayare sa buhay mo. Ang umibig ka," sumulyap naman si Victoria kay Camille, "sa isang mortal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD