Awaken 22

991 Words
AWAKEN 22 ISANG bagay ang nalaman ni Eulexis ng tuluyan na siyang maka balik sa mansyon ng mga Otis, ang pagiging close nila Camille at Kaden. Na talagang pinag tataka niya at iniisip niyang nagiging paranoid lang siya dahil nawala siya ng ilang araw sa mansyon. Hindi niya gusto ang simpleng pagsulyap ng kapatid sa natitipuang dalaga, lalo na ang ang pagngitian ng mga ito na sila lang ang nagkakaintindihan. Habang kaharap ang mga kasama sa mansyon at kumakain. Hindi niya maiwasang mapa kunot at humigpit ang pagkakahawak sa dalawang gamit sa pagkain. Kaya lang naman siya umiiwas sa dalaga at nawala ng mga ilang araw dahil may gusto siyang tapusin. Dahil sa ginawa niya may iba na pala siyang malalaman at higit pa doon hindi rin siya pinapansin ni Camille. 'Ginagantihan ba niya ako, pero wala namang ibig sabihin ng pag iwas ko sa kanya.' Pagtatalo ng kanyang isipan habang tahimik na kumakain. Pinapakinggan lang niya ang tito Kenneth at Tina na nagtatalo tungkol sa kasintahan nito na si Jonas. "Minsan kase dalhin mo yang boyfriend mo dito, para makilala ko hindi yung kong saan-saan ka dinadala." Hindi naman maiwasang mamula ang pisngi ni Tina, "papa naman ang ingay mo kumain kana lang dyan. Wag kang mag alala, magdate din kayung dalawa ni Jonas." Nagtawanan naman ang lahat ng na andoon maliban kay Eulexis na malalim ang iniisip. "Alam mo dalaga na si Tina hayaan muna siya, lahat ng kaseng edad niya dumadaan dyan." Sambit ni Dylan habang naka ngiti. "Talaga lang huh, hindi ka ba magreak ng may asim kong ganito mangyayare, ikaw anu magiging reaksyun mo kong sakaling may boyfriend na ang anak mong si Lexi?" Halos mabulunan naman si Dylan ng sa kanya naman binato ang atensyun na dapat kay Kenneth. "Sinu boyfriend ng anak ko?" Hindi maipinta ang mukha ni Dylan. Nagtawanan na naman ng malakas ang na andoon. "Pa, wala akong boyfriend wala yan sa isip ko." Saad ni Lexi. Naka hinga ng maluwag si Dylan at hindi alam ang gagawin kong sakaling may kasintahan na ang nag iisang anak na babae. "Buti naman." Napa sulyap naman si Kenneth kay Eulexis na tahimik na nasa tabi ni Camille. "Eh si Eulexis kaya, kumusta na ang love life? Mukhang nag iisip pa, baka ubusan ka." Biro nito sa binata at na punta naman ang lahat ng atensyon kay Eulexis, "kailangan na diba niya mag asawa dahil siya na ang uupo sa trono ni Dylan?" Saka lang na pansin ni Eulexis na nasa kanya pala ang mga mata ng kasama niya sa harap ng mahabang lamesa. Takang taka siya at ngumiti na lang, "anu ba yung pinag uusapan ninyu?" "You," sagot ni Lexi. "Ako?" "Oo, nagtatanung si tito Kenneth mo kong kailan ka daw magkakaroon ng kasintahan? Pero sa tingin ko hindi kana maghanap kase naka limang pagkikita kana kay Madison, ipagpatuloy muna lang yun." Saad ni Sidney habang ginagaya na naman ang naka ngiting ekspresyun ng ama. "Ah oo." Walang maisagot si Eulexis na maayus at blangko ang kanyang isipan hanggang sa matapos ang hapunan nila. Sabay-sabay silang nagsi punta sa mga silid ngunit na iwan siyang nasa labas ng silid niya na katabi lang ng silid na ginagamit ni Camille. Naglakas loob siyang kumatok ng ilang beses bago tuluyang magbukas. Bumungad sa kanya ang mataray na mukha ng dalaga at nagbigay lang siya ng malungkot na ngiti. "Anung kailangan mo?" Tinitigan na muna niya ang dalaga kong magnagbago ba ngunit wala naman. Hindi siya nag salita at hinatak pa palabas ng silid si Camille. Nagpupumiglas ang dalaga ngunit hindi niya ito binitawan hanggang sa mailayu niya ito sa pinaka dulo ng mansyon na hindi gaanung na pupuntahan. Ayaw niya itong gawin ngunit dahil sa inis, marahas niyang sinandal ang dalaga sa pader at kinulong niya ang ulo nito sa magkabilang kamay na naka patong sa pader. Gulat na gulat naman ang dalaga sa inasta ng binata sa mga oras na yun. "Masaya ka ba?" "Anu?" Hindi sila magkaintindihan dahil hindi nila diretsong pinapahiwatig ang nararamdaman ng bawat isa. "Nalaman kong magkasama kayu ni Kaden habang wala ako sinabe sa akin ni Sidney," pagsisinungaling ni Eulexis dahil may gusto siyang malaman. "Eh anu naman ngayun?" Lalong na durog ang puso ni Eulexis sa impormasyon na narinig niya at tama ang kanyang hinala. "Wag kang sasama sa kanya." "Bakit hindi ako sasama sa kanya? Siya nag offer na sumama ako sa kanya, alangan naman na mamatay ako dito sa pagkabored sa mansyon habang hinihintay kang umuwi, nagmukha akong tanga sa pagtawag sayu na hindi muna man pinapansin! Sinu ka naman para pagbawalan ako sa gusto at sa ayaw kong kasama?" Parang sinampal sa mukha ni Eulexis ang mga salitang yun kaya unti-unti siyang lumayo. Nasasaktan siya ngunit hindi maintindihan ni Camille kong bakit mas nasasaktan siya ngayung nakikita niyang malungkot ang binata. Animoy gusto niyang bawiin ang mga sinabe pero kailangan din niyang ilabas ang mga yun, para matapos na din ang paghihinagpis ng damdamin niya. "Tama ka, sinu nga naman ako? Isang hamak na nilalang na nadamay sa problema ko," ngiting mapait ni Eulexis. Gustong magsalita ni Camille ngunit walang lumalabas na salita sa kanyang mga labi. "Pero hindi ba ako pwedeng magselos?" "Anu ba ako sayu? Bakit ka magseselos? Kase kahit din ako nalilito, anu ba kayu sayu Eulexis? May nararamdaman ka ba sa akin?" Diretsong lumingon ang binata sa mga mata ni Camille kaya nakikita ng dalaga ang tatlong kulay na nagbabago sa mata ng binata. "Oo, may nararamdaman ako sayu, pakiramdam na sayu ko lang nakita, hindi ko alam kong anu ang salitang mahal pero kusa mong tinuro sa akin yun kahit hindi mo alam, bakit hindi ba pwede, mali ba tong nararamdaman ko sayu?" Ka sabay ng sinabe ni Eulexis ang paglakas ng t***k ng puso ni Camille at pag iinit ng pisngi ng dalaga. Ang lakas din ng t***k ng puso ni Eulexis, parehong may sinisigaw ng dalaga na umiibig sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD