Awaken 21

1150 Words
AWAKEN 21 NAPAKA tahimik ng gabeng bumabalot sa buong lugar ng Illustra, lalong lalo na sa mga kabahayan at oras na ng pahinga. Ngunit may apat na aninong naglalakad sa mansyon ng mga Swiss. Tumungo sila sa pangalawang palapag, naglakad ng tahimik sa pinaka dulong silid sa kanang bahagi ng nasabeng palapag. Walang katok-katok na pumasok sa silid na yun ang isa sa apat na binata at ang tatlo naman ay naghintay sa labas. Dahan-dahan na lumapit ang binatang yun sa higaan ng dalaga na ngayun ay mahimbing na natutulog at walang ka alam-alam sa panganib na mangyayare sa kanya. Makikita sa liwanag na nang gagaling sa labas ang aninu ng pagkakuha ng binata sa patalim sa kanyang bulsa. Gawa ito pilak, tanso, napaka talim at napaka talas. Walang ano'y sinakal niya ang dalaga gamit ang isang kamay, na alimpungatan ang dalaga at gulat na gulat sa nangyare. Palakas ng palakas at pahigpit ng pahigpit ang pagkakasakal sa kanya. Lalo siyang nagulat ng maaninag ang mukha ng masamang nilalang na yun, 'Marty?' Nagtatalong isipan ni Victoria. Nagpupumiglas ang dalaga at pilit na inaalis niya ang pagkakahawak sa kanyang leeg. Habang ang isang kamay ay pilit na inaalis ang kamay ng binata sa kanya, pilit naman ng isang kamay niya na maka abot ng kahit na anu sa lamesang malapit lang sa kanyang higaan. Naramdaman niya ang bilog na kristal sa lamesa, agad niya itong kinuha at saka pinang hampas sa ulo ng binata. Dahil sa lakas din ng pagkakahampas ng dalaga kay Marty ay siya din namang naka bitaw, napa singhal sa sakit at nabitawan ang hawak na kutsilyo. Narinig ito ng tatlo pang bantay sa labas kaya agad na pumasok ito sa loob. Gulat na gulat ang dalaga kaya agad siyang tumakbo sa terrace, kahit nang hihina ay wala na siyang magawa dahil sa takot kaya siya'y tumalon. Bumagsak siya sa mga kumpulan ng mga halaman kaya bahagya siyang na saktan, ito ang ayaw niya bilang mang huhula, na huhulaan niya ang nangyayare sa iba ngunit pagdating sa buhay niya, hindi niya ito makita. Nagsidungaw ang mga humahabol sa kanya sa terrace at animoy nagtatalo pa. Wala siyang magawa, kaya tumakbo siya ng tumakbo at humahabol din sa kanya ang apat. Kong saan-saan siya takbo ng takbo para lang maligaw ang mga humahabol sa kanya, ilang beses din siyang palinga linga sa paligid at walang saplot ang mga paa. Takbo lang siya ng takbo hanggang sa malaglag siya sa pinaka mababang parte ng gubay. Nagpa gulong-gulong siya doon hanggang sa huminto lang siya dahil may naka harang na malaking puno ngunit tumama pa ang ulo niya doon. Alam na niya kong bakit siya hinahabol ng mga ito, gusto siyang patayin ngunit hindi niya alam kong anung dahilan basta ang alam niya hindi siya ligtas sa mansyon ng mga Swiss. Naaninag niya ang isang binatang palalapit sa kanya, gusto niya muling tumakbo o magtago at baka mamaya ang binatang huminto sa kanyang harapan ay isa din pala sa humahabol sa kanya, hanggang sa mang dilim ang kanyang paningin.   PINAG mamasdan ni Eulexis ang nahihimbing na dalaga, si Victoria. Naglalakad siya sa gubat dahil tapos na ang kanyang inaasikaso ngunit sa kanyang paglalakad saka naman niya nakita ang dalagang hinang hina at may mga galos sa katawan. Dinala niya ito sa bahay ng kanyang tito na si Daniel, may sarili ding itong bahay at lumayo sa mansyon ng mga Otis. May sarili din itong pamilya at may nag iisang anak na lalaking nag ngangalang Toby na siya namang nag-gamot sa dalaga sa mga galos nito sa katawan. Pumasok ang pinsan niyang si Toby sa silid kong na saan siya at ang dalaga. "Na gising na ba siya?" Sabay silip ng binata ni Eulexis sa maamong mukha ni Victoria. "Sa tingin mo?" Sarkastikong tanung ni Eulexis. "Nagtatanung lang naman, baka malay mo habang wala ako na gising na pala siya." "Oo na, oo na." Saka naman umalis si Eulexis sa harap ni Victoria at tumabi sa pinsan na naka tayu. May ibang na pansin si Eulexis sa pinsan niya simula ng dalhin niya ito doon, namumula at animoy na hihiya kahit na tulog naman ang dalaga, ngunit hindi na lamang doon tinuon ang pansin ni Eulexis. Marami siyang iniisip, si Camille at kong anu-anu pang bagay. "Dapat hinatid muna lang siya sa mansyon ng mga Swiss at hindi dito, alam muna baka hanapin pa yan dito at pagkamalan pa tayung na kidnap." "Ako mukhang kidnaper? Baka ikaw?" Biro ni Eulexis kay Toby. Hindi marunong humawak ng biro si Toby kaya palaging lahat ng nakaka usap niya ay tingin niya seryoso ang sinasabe at totoo. "Talaga?" Habang nang lalaki ang mata. "Dapat baguhin ko na talaga yung pananamit ko." Napa buntong hininga na lamang si Eulexis dahil alam niyang magiging ganun ang pagkakaintindi nito sa sinabe niya. "Hayyy naku," napa hilamos na lamang siya sa kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay. Napa sulyap na lamang sila pareho nang makitang dumilat na ang dalaga. Napa balikwas ng bangon ito ng makitang nasa iba itong lugar, lalo itong na gulat nang makilala kong sinu ang isa sa harapan niya, si Eulexis. "Anung ginagawa ko dito?" Napa sulyap naman si Victoria sa katabi ni Eulexis na hindi niya kilala ngunit nagtataka din siya dahil naka takip ang dalawang kamay sa mukha kaya hindi niya makita. Kiniwento naman ni Eulexis na nakita lamang niya ang dalaga sa gubat at dinala sa pinaka malapit na bahay na pwede niyang paghingan ng tulong para sa dalaga. Bigla naman sumagi sa binata na ang dalaga ay pinsan ng apat niyang dating kaibigan. "Ikaw anu bang ginagawa mo sa gubat?" Naalala lahat ni Victoria ang nangyare kong bakit siya tumatakbo sa gubat. "May humahabol sa akin." "Sinu naman ang hahabol sayu ng ganitong oras?" Natahimik muli ang dalaga, iniisip niya kong tama bang sabihin niya. Ngunit isa itong Otis, pero kaibigan ito ng mga pinsan niya. Ilang minuto ang naka lipas na tahimik lang sila kaya na isip ni Eulexis na ayaw nitong magkwento. "Ok, ayus lang na hindi mo ikwento nasa sayu yan at ginagalang namin." "Salamat," mahinang saad ni Victoria ngunit tama lang para marinig ng dalawang binata. Humarap naman si Eulexis kay Toby at sama tinapik ang balikat nito. "Ikaw na muna sa bahala sa kanya." Na gulat at sabay na inalis ni Toby ang takip sa mukha. "Teka, bakit sa akin? Sabe mo mukha akong kidnapper, baka pagkamalan niya akong kidnapper?" Napa ngiti na lamang ng nakaka loko si Eulexis at hindi na pinansin ang nagrereklamong pinsan. "Si Toby pala, pinsan ko. Kong hindi ka ligtas sa inyu o sa mga humahabol sayu. Pwede kang magtagal pero kong gusto munang umuwi sa inyu, pwede ka namang ihatid ni Toby, hindi naman siya mukhang kidnapper." Paliwanag ni Eulexis kay Victoria at saka umalis sa silid na yun para umuwi. Dahil gustong gusto na niyang makita si Camille.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD