Chapter-1

2029 Words
"Ellie anak idaan mo ito sa penthouse. Dinagdagan ko ang niluto kong ulam natin para mabigyan si Sebastian. Alam mo naman iyon, wala ng oras para magluto ng kanyang pagkain sa sobrang busy niya," saad ng Mommy niya nang makapasok siya sa komoder para mag almusal na bago pumasok sa school. Siya nga pala si Eliana pero Ellie ang tawag sa kanya ng lahat. Seventeen years old pero dalawang linggo na lang debut na niya eighteen years na siya at legal age. Grade 12 na siya Senior High-school at ngayon pa lang pinag-iisipan na niya kung ano ang kursong kukunin niya sa college. Hindi kasi siya matalino, malakas lang ang kanyang loob at syempre maganda. Nakatira siya sa bahay ng bagong asawa ng Mommy niya. Ikatlong asawa na ito ng kanyang Mommy. Anak siya ng kanyang ina sa pagkadalaga. Hindi niya kilala kung sino ang Daddy niya hindi naman kasi sinasabi sa kanya ng Mommy niya kung sino ito. Tuwing nagtatanong naman siya lagi lang nitong sagot ay huwag na niyang hanapin ang patay na. Ang unang asawa ng kanyang Mommy ay isang binata. Isang artista na medyo sikat naman kaya kahit papano gumanda ang buhay nilang mag ina. Iyon nga lang tatlong taon lang nagsama ang Mommy niya at ang unang asawa nito. Naghiwalay ang Mommy niya at asawa dahil babaero ang unang asawa nito. Ang sumunod na asawa ng Mommy niya ay isang mayamang politician sa bayan ng San Juan may isang anak na lalake at iyon ay si Sebastian Lopez. Ang Tito Severino Lopez niya ang masasabi niyang naging mabuting ama sa kanya. Tinuring siya nitong isang tunay na anak habang ang tunay nitong anak ay nasa America at doon nag-aaral kasama ang Mama nito na may sarili na ring pamilya noon. Tumagal ng limang taon ang pagsasama ng Mommy niya at ng Tito Severino niya na masasabi niyang tumayong ama sa kanya. Nagkasakit kasi ang Tito Severino niya at kalaunan ay binawian ng buhay. Kaya naman humanap na naman ng panibagong asawa ang kanyang ina. Ang ikatlong asawa ng Mommy niya ay isang director sa pelikula at may dalawang anak na babae na hindi nalalayo sa kanyang edad. Si Angelica ang panganay nito na isang twenty years old at nasa college na. Ang bunso naman nito na si Angeline na eighteen years old at nasa College na rin. Ang dalawa niyang stepsisters ay hindi niya kasundo. Para sa kanya maarte at akala mo kung sino ang mga ito kung umasta porke may pera ang Daddy ng mga ito. Minsan nga inaapi pa siya ng mga ito, pero hindi naman siya nagpapatalo sa mga ito at lumalaban siya. Iyon nga lang siya ang kinagagalitan ng Mommy niya kahit hindi naman niya kasalanan. Madalas pang sabihin ng Mommy niya na makisama daw siya sa dalawa niyang stepsisters dahil sila lang daw ang nakikitira sa bahay ng mga ito. Kung bakit naman kasi wala ng ginawa ang Mommy niya kung di ang mag asawa ng mag asawa. Siya tuloy ang laging nag a-adjust sa tuwing nagpapalit ito ng asawa. 36 years old pa lang ang Mommy niya bata pa rin at talagang maganda kaya madali rito ang magkahanap ng bagong asawa sa tuwing nawawala ang asawa nito. Hindi nga niya alam kung minamahal ba ng Mommy niya ang mga nagiging asawa nito at pineperahan lang nito dahil wala itong trabaho, wala itong sariling pera. Kung hindi ito mag aasawa tiyak na sa kalsada sila pupulutin mag ina. "Mommy, bakit kailangan niyo pa po siyang dalhan ng pagkain. Panigurado naman na marami iyung pambili," saad niya sa ina bago naupo para kumain na. Nakaupo na ang dalawa niyang stepsisters at kumakain na. Napasulyap pa nga siya kay Angeline agad siyang tinaasan ng kilay, kaya naman agad niyang binalik sa ina ang atensyon. "Huwag ka ng mag reklamo pa Ellie sumunod ka na lang. Para din naman sa iyo ito," saad ng Mommy niya at inilapag sa harapan niya ang pape bag na dadalhin niya sa penthouse ni Sebastian Lopez. Isa na nga palang Congressman si Sebastian ngayon. Pinasok rin ni Sebastian ang pulitika katulad ng Papa nito na isa ding Congressman bago ito nagkasakit at namatay. Noong bata siya at mag asawa pa ang Mommy niya at Papa ni Sebastian nagkasama naman sila ni Sebastian sa bahay ng Papa nito nang magbakasyon ito ng Pilipinas. Mabait naman sa kanya si Sebastian para Kuya na nga rin niya ito. Iyon nga lang hindi nagtagal ang pagsasama nila dahil kinailangan na nitong umalis ng Pilipinas dahil sa pag-aaral nito sa America. Ang sumunod na pagkikita nila ni Sebastian ay noong may sakit na ang Papa nito at soon ay namatay rin. 15 years old na siya at twenty two years old naman na si Sebastian. Graduate na ito noon kaya hindi na ito umalis ng Pilipinas ito na ang nagpatakbo sa hotel na pagmamay-ari ng Papa nito ang Lopez Luxury Hotel ang nag-iisang malaking hotel sa bayan ng San Juan. Kahit naman na may bago ng asawa ang Mommy niya ay nanatili pa ring close ang Mommy niya kay Sebastian. Paminsan-minsan nagkikipagkita pa rin si Sebastian sa Mommy niya kahit Congressman na ito ngayon. Naging mabuti naman kasi ang Mommy niya noon sa Papa ni Sebastian kaya wala ding maireklamo si Sebastian sa Mommy niya. "Paano naman naging para sa akin Mommy?" Tanong pa niya sa ina at akmang kukunin ang itlog sa plato nang unahan siya ni Angeline. Ngumisi pa ito sa kanya na halatang nang-aasar. Madalas namang magsimula ng gulo ang dalawang magkapatid. Iniinis siya pag pumatol siya sasabihing siya ang mali at siya naman ang sisisihin ng Mommy niya. "Kumain ka na nga Ellie at ng makaalis ka na," saad ng ina at tumalikod na ito. Naiwan siya sa hapag kainan kasama ang dalawang malditang magkapatid. "Kawawang Ellie walang magawa sa utos ng Mommy niya," pang-aasar sa kanya ni Angeline. Da dalawang magkapatid si Angeline naman talaga ng madalas mang asar sa kanya. Marahil dahil ka edaran niya ito. Alam din niyang may lihim na inggit sa kanya ang dalawang magkapatid. Paano mayaman lang kasi ang mga ito at walang ganda. Hindi makinis at maputi ang balat ng mga ito kahit mayaman pa. Napakalayo ng kulay niya sa kulay ng dalawa. Namana kasi niya ang ganda at kakinisan ng kanyang Mommy, kaya naman kahit 36 years old na ito eh marami pa ring nagkakagusto rito at pinapakakasalan pa ito. Kaya hindi na siya nagtataka pa unang araw pa lang naman niya sa bahay ng mga ito eh maldita na ang dalawa sa kanya dahil sa ganda niya. 'Angeline huwag mo ng asarin. Alam mo na ngang kawawa aasarin mo pa," pang iinis pa sa kanya ni Angelica. Pinagtaasan niya ng kilay ang magkapatid at inikot ang mga mata. Saka tinuon ang atensyon sa pagkain. Hangga't kaya niyang tiisin ang pang-aasar ng dalawang negra sa kanya ay titiisin niya para sa Mommy niya. Siya dapat ang makisama dahil sila ang nakikitira iyan ang laging sinasabi sa kanya ng Mommy niya sa tuwing may gulo sila. Bitbit ang paper bag na dadalhin niya sa Lopez Luxury Hotel sa kabilang bayan ay lumabas siya ng gate ng malaking bahay ng bagong asawa ng Mommy niya na si Tito Robert niya, isang magaling na director sa mga pelikula. Wala siyang sariling sasakyan, hindi pa rin naman kasi siya marunong mag drive. Hindi tulad nina Angeline at Angelica na kanya-kanya na ng sasakyan ang mga ito. Habang nakatayo siya sa labas at hinihintay ang taxi na pinatawag niya sa security ay magkasunod na dumaan pa sa kanyang harapan ang magkapatid. Sadya pang nakabukas ang bintana ng mga ito para yabangan siya at pa inggitan. Iyon nga lang hindi siya na iingit, naaaawa pa nga siya sa magkapatid. Kahit kasi gaano pa kamahal ang suot ng dalawa mula ulo hanggang paa, isama pa ang mamahaling sasakyan ng mga ito eh wala pa ring ganda ang mga ito. Pasalamat na lang talaga ang mga ito at may pera ang Daddy ng mga ito kaya may posibilidad pang magka jowa. Pagsakay niya ng taxi agad niyang sinabi sa driver na sa Lopez Luxury Hotel siya nito dalhin. Ilang beses na rin naman siyang naghatid ng pagkain sa penthouse ni Sebastian kaya medyo sanay na siya sa pagpunta roon. Sa penthouse nakatira si Sebastian ngayon ay ayon sa Mommy niya nagpapatayo na rin ng sariling bahay si Sebastian sa De la Cerna Estate sa may San Juan din. Nabanggit pa nga ng Mommy niya na baka nagbabalak na daw mag asawa si Sebastian kaya ito nagpapatayo na ng bahay. Kung hindi siya nagkakamali bente singko anyos na si Sebastian ngayon. Para sa isang lalake bata pa ang bente singko para mag asawa, hindi katulad pag babae. Agad na siyang bumaba ng taxi bitbit ang paper bag nang makarating sa Lopez Luxury Hotel. Napakalaki at taas ng hotel masasabi talagang isang bilyonaryo ang may-ari. Nang mamatay ang Papa ni Sebastian lahat ng ari-arian nito at napunta kay Sebastian. Wala naman kasing ibang anak ang Tito Severino niya. May natanggap naman ang Mommy niya ng pera, bahay at lupa. Iyon nga lang naubos at naibenta rin lahat ng Mommy niya dahil wala naman itong trabaho at kailangan nilang mabuhay at kumain, isama pang nag-aaral siya sa isang exclusive na paaralan sa Sta Lucia. Hanggang sa makapag asawa na muli ang Mommy niya at may bago na naman itong kakapitan para mabuhay silang mag ina at masunod pa rin ang luho nito. Hindi niya masisisi ang ina kung mas magiliw ito sa dalawang anak ng asawa nito. Kailangan kasing gawin iyon ng Mommy niya para na rin tumagal ang pagsasama nito at ng bago nitong asawa. Humugot siya ng malalim na paghinga nang bumukas ang elevator at lumakad siya palabas at tinutumbok na niya ang penthouse ni Sebastian. Huminto siya sa tapat pintuan at pinindot na agad ang doorbell. Medyo matagal nga lang siyang naghintay sa labas at nakatayo dahil hindi agad nabuksan ni Sebastian ang pintuan. Sa pagkakaalam niya walang kasama sa bahay si Sebastian may mga staff lang ito sa hotel na naglilinis sa penthouse nito. "Eliana?" Kunot noong bungad sa kanya ni Sebastian nang makita siya sa labas ng pintuan. Bukod tanging si Sebastian lang ang tumatawag sa kanya ng Eliana. Ellie kasi ang tawag sa kanya ng karamihan. "Hi, Sebastian, good morning," nakangiti niyang bati sa dati niyang stepbrother, sabay taas ng kanyang bitbit na paper bag. Yes dati na lang dahil nga wala na ang Papa nito at may bago ng asawa ang Mommy niya. Ganun pa man pamilya o kaibigan pa rin naman ang tingin sa kanya ni Sebastian. "Good morning," bati nito at agad na siyang pinapasok sa loob ng penthouse nito. Pansin niyang nakasuot ito ng puting roba. Pansin niyang mukhang bagong paligo ito, dahil nasamyo niya agad kanina pagbukas ng pintuan ang mabangong sabon nito. Isama pa ang napaka fresh looking ng gwapong mukha nito. Basa din ang buhok nito. Gwapo, matangkad, malakas ang s*x appeal ni Sebastian. Kung hindi nga lang niya ito naging stepbrother noon eh baka magka crush pa siya rito. Iyon nga lang tiyak na hindi siya nito papansinin. Bukod kasi sa bata pa siya eh parang kapatid lang ang tingin nito sa kanya. Kaya huwag na lang siyang magka crush rito. Congressman na ito malayo na ito para sa Grade 12 na Senior High-school lamang. "Wait lang Eliana ah, magbibihis lang ako saglit," saad nito sa kanya. "Huwag na Sebastian, hindi naman ako magtatagal. Pinabibigay lang ito ni Mommy. Pagkain iyan. Alam mo naman si Mommy, para ka pa rin niyang anak," nakangiting saad niya rito. "Oh," tanging saad nito at tinanggap ang paper bag na iniaabot niya. "Thanks ah. Pakisabi na rin kay Tita salamat," pasalamat nito sa kanya. "Sure," tugon niya sabay tango rito. "Hindi na ko magtatagal. May pasok pa kasi ako," she said. "Ihahatid na kita. Magbibihis lang ako saglit," Sebastian said. "Ah.. Huwag na. Nakakahiya sa iyo. Baka ma istorbo pa kita," tanging niya nahihiya kasi siya rito kahit papano. "Eliana, hindi ka na iba sa akin. Maupo ka muna, feel at home. Magbibihis lang ako saglit," Sebastian said to her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD