"Dapat malaman ng Mommy ang ginawa mong ito, Eliana," mariin niyang saad sa dalaga. Nag angat ito ng ulo at nanlalaki ang mga matang tumingin ito sa kanya. Nakita niya ang takot sa mga mata nito. Sa kakasermon niya kay Eliana umabot na sila sa may sala ng kanyang bahay at hindi pa rin siya kumakalma sa galit na nararamdaman niya sa dalaga na muntikan ng maisuko ang sarili sa lalaking iyon. "Please, huwag Sebastian. Ayokong magalit sa akin ang Mommy ko. Huwag mo na kong isumbong sa kanya," takot nitong pakiusap nito sa kanya. "Takot ka pa lang malaman ng Mommy mo ang mga ginagawa mo, eh bakit wala kang takot kung makasama sa lalaking iyon, Eliana?!" Galit niyang hiyaw sa dalagita. Galit na galit siya rito dahil wala itong pagpapaalaga sa sarili nito. Hindi man nito iniingatan ang sarili