"What? Dinala ka talaga niya hotel agad? As in literal na hotel?!" Bulalas ni Crizel nang sabihin sa kaibigan ang ginawa ni Philip sa kanya. "Gag* pala talaga iyang si Philip. Akala ko biro-biro lang ang mga naririnig ko about him na mahilig magyaya sa hotel, iyun pala totoo. Naku-naku Ellie layuan mo na ang lalaking iyan red flag iyan! Bad news!" Inis na litanya ni Crizel sa kanya. Tumango siya sa kaibigan. "Mabuti na nga lang at naisipan kong lumabas at iwan siya!" Pagmamalaki pa niya sa kaibigan. Hindi niya sinabi na si Sebastian ang nagligtas sa kanya sa posibleng kapahamakan. Hindi na dapat pang malaman ng iba ang tungkol sa ginawa ni Sebastian sa kanya. Baka kase ma alarma pa ang iba dahil may access si Sebastian sa mga hotel room sa Lopez Luxury Hotel na pagmamay-ari nito. Hindi