Dumating na ang araw na pinakahihintay niya ang araw ng kanyang debut. Pag gising pa lang niya malapad na ang kanyang ngiti sa labi sa dami na ng greet sa kanya ng happy birthday. Pinasalamatan naman niya halos lahat ng malapit sa kanya at kaibigan niya. Pati nga si Congressman Sebastian Lopez nag greet sa kanya via messenger na agad rin niyang nireplayan ng salamat at pinaalala rito ang party niya mamaya sa hotel nito. Baka kasi hindi ito umattend dahil sa dami ng trabaho nito, pero sana makarating pa rin sjya kahit saglit lang ito. Isa din naman si Sebastian sa mga espesyal na tao sa buhay niya, dahil mabait itong stepbrother sa kanya noon magpahanggang ngayon kahit hindi na niya ito stepbrother. Naghilamos na siya at nagmamadali ng bumaba para makapag almusal. Maaga kasi siyang tutungo